chapter 6 // help

99 6 0
                                    

Dahyun's POV

"Da, uuna na ako ha? Sure ka bang magpapa-iwan ka muna rito?"

Tango at thumbs up lang ang isinagot ko kay SinB bago siya makalabas sa classroom. Kanina pa kasi ako focused dito sa pag-gawa ng preliminaries, hindi ko alan kung ano na ang susunod at kung paano mag-construct ng matinong paragraphs.

Hindi naman kasi ako kasing galing nung mga kasamahan ko. Hindi ako fluent sa english, mali mali rin ang sentence constructions ko at grammar. Hindi rin ako magaling sa math kaya buti nalang ay hindi ako nilagay ni Jihyo sa chapter 4 kung saan ay magco-compute sila ng data. Pero kahit na hindi ako masyadong pinagpala sa academics, magaling naman ako sa ibang bagay. Madiskarte kaya ako.

Pagkatapos kong tapusin ang dedication ay napatingin ako sa relo ko. Napa-buntong hininga nalang ako nang makita kong limang minuto nalang para bago mag alas-sais. Jusko, mapapagalitan nanaman ako ni Mama. Haaay.

"Bukas ko nalang itutuloy 'yung iba, papatulong nalang ako kina Jihyo."

Tumayo na ako at nag-inat. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at saka lumabas ng classroom.

Paalis na sana ako ng building namin nang may marinig akong...ungol?

Teka, ungol?!

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip nalang ako ng bibig, may nag...a-ano talaga rito?!

Dahan-dahan akong naglakad at hinanap kung saan nanggagaling 'yung ingay na 'yun. Aba, kahit na alam kong pangit 'yung makikita ko, dapat hulihin ko 'yung mga 'yun! Pwede naman kasi silang pumunta nalang ng motel. Haay.

Habang papalapit ako sa dulo ng hagdan, mas naririnig ko ng malinaw yung uhh, ungol. Pero bakit parang iisa lang naman yata 'yung boses?

"Uhhh, damn it."

Oh, nag e-english?

Teka, baka mali ako ng akala? Dahyun, umiral nanaman ang pagiging judgemental mo!

Dahil nasigurado kong hindi nag a-ano 'yung narinig ko, binilisan ko na ang lakad ko. Lumiko ako sa may hagdanan at nakita ko ang isang nakatalikod na...teka, uniform 'to ng ICT ha?

Dahan-dahan akong lumapit at laking gulat ko nang makita 'yung isang kasamahan ko sa research, Vernon ba 'yung pangalan nito?

Kinuha ko ang phone ko at in-on 'yung flashlight para mas makita siya ng mas malinaw. Itinutok ko sakanya ang phone ko pero hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Bakit... ganito?!

---------

Vernon Chwe
Active Now •

Vernon:
Hey. Thank you for helping me earlier.

Vernon:
But can I ask a favor?

Dahyun:
Uy Vernon! Wala 'yun! Smol thingz

Dahyun:
Sige ba, ano 'yun?

Vernon:
About what happened earlier

Vernon:
Can we keep it as a secret?

Dahyun:
Sus! 'yun lang ba? Walang problema! Secret na kung secret. Kung ako rin naman ang masa posisyon mo, ayokong ipagkalat na na-stuck ako sa hagdanan dahil nadikit 'yung sapatos ko sa natapon na shoe glue tapos hindi ko naisip na pwede ko naman palang hubarin 'yung sapatos ko para makaalis doon. Nakakahiya talaga 'yun kaya sige, secret nalang natin 'yan brodie :>

Vernon:
Can you not please mention it? It's so embarrassing.

Dahyun:
Okay. Madali lang naman akong kausap hehe.

Dahyun:
Pero dahil huminginka ng pabor, pwedeng ako rin? 👉👈

Vernon:
What?

Dahyun:
Halata namang magaling ka mag-english kasi englishero ka

Dahyun:
Habang ako naman, hindi ganoon ka-fluent

Dahyun:
Tapos ano, english pa 'yung research natin

Dahyun:
Gets mo ba? 👉👈

Vernon:
You want me to help you on doing the preliminaries, right?

Vernon:
Fine. 'Yun lang pala. We can be partners of you want.

Dahyun:
HALA TRUE BA?! BAIT MO NAMAN PALA

Vernon:
Mabait naman ako?

Dahyun:
HOY HINDI KAYA! SUNGIT MO NUNG MEETING TAPOS ATTITUDE KA NUNG NAGPAKILALA AKO. WALA MAN LANG REACTION.

Vernon:
Just because I didn't reacted, does that mean that I am already a bad person?

Dahyun:
HOY HOY HOY WALA AKONG SINABING BAD HA, SABI KO LANG ATTITUDE. JUSME

Dahyun:
PERO THANK YOU! START NA TAYO BUKAS!

Vernon:
Okay, if you say so.

Dahyun:
Okieee! Salamat!! Bye na, aandar na 'yung jeep hehe

Vernon:
Oh, pauwi ka palang?

Dahyun:
HAHAHAHA oo, may dinaanan pa kasi ako eh. Sige na, bye Benon! :P

Vernon:
Benon?

Dahyun:
Wala, trip ko lang itawag sa'yo HAHAHAHA cute ba? Sige na, babush!

Vernon:
You're something..|

Trouvaille Where stories live. Discover now