chapter 2 // change

102 11 7
                                    


Mina's POV

"Po? Research?" ulit kong tanong sa Principal.

"Oo, Ms. Myoui. Research na lang ang ipapagawa ko sainyo imbes na mag-isip pa kayo ng kung anu-ano." seryosong sagot ng aming principal na si Sir Namjoon.

Jusko, sumasakit na nga ang mga ulo namin sa Practical Research 2, dadagdag pa 'to?!

"Don't worry kids. Exempted na kayo sa Practical Research 2 ninyo. No need to attend your classes sa subject na iyon dahil sa time na 'yun ninyo gagawin itong pinapagawa ko. Once na matapos niyo, perfect nanang grade niyo sa PR2."

Napanganga naman ako dahil sa sinabi ni Principal Namjoon. TOTOO BA 'YUN?!

"Ano po ang magiging title ng research na gagawin namin?" tanong ni Wonwoo nang mapansin niyang hindi na ako umimik.

"Well, napag-isipan ko na gagawa kayo ng research about you, yourselves. About sa inyong mga Senior Highschool students. Kaya ang naisip kong title for your research is..."

-----------

" 'Factors Influencing the Grade 12 Students in choosing their future courses.' Ayan, 'yan ang binigay na title ni Principal." wika ni Wonwoo sabay lapag ng folder na ibinigay sa amin kanina sa office.

"Research na ang gagawin natin?" naguguluhang tanong ni Hoshi.

I nodded, "Yes. Pero ang brighter side nito, exempted na tayo sa PR2. Kapag daw nagawa at natapos natin itong pinapagawa ni Principal, perfect na ang grade natin sa PR2." pag e-explain ko.

Agad namang napahiyaw si Hoshi at Dahyun. Ay teka, close na sila agad? Well, friendly naman sila both kaya hindi rin malayo.

"Kailan natin 'to sisimulan?" Tzuyu asked calmly.

"Yan ang itatanong ko sainyo ngayon. Kailan ninyo balak magsimula?" sagot ko sa tanong ni Tzuyu.

"Tomorrow?" Jihyo suggested. Sumang-ayon naman na kaming lahat dahil ayaw din namin mag-procrastinate pagdating ng panahon.

"Settled then, bukas tayo mag i-start." wika ni Jihyo habang may sinusulat sa maliit niyang notebook.

"Anong oras?" tanong naman ni Mingyu.

"Ang sabi ni Principal, hindi na raw natin kailangang umattend ng klase natin ng PR2 lagi dahil sa time nun natin gagawin itong research na 'to." sagot ko ulit dahil mukhang walang balak sumagot si Wonwoo.

"Eh saan tayo gagawa?" Tila natahimik ang lahat dahil sa tanong ni Mingyu.

"Ibig kong sabihin, saan tayo gagawa ng research? Anong room?" paglilinaw nito.

"Ms. Myoui, palagay mo pwede kaya nating gamitin yung room sa 5th floor ng building ninyo?" maayos na tanong ni Jihyo kaya maayos ko rin itong sasagutin. Mabait dapat tayo.

"Vacant naman na 'yun kaya pwede siguro. Naka-aircon pa rin naman 'yun and may mga mangilan-ngilang tables and chairs pa." maayos ko ring sagot.

"Pero teka, who's going to be our research leader?" Vernon asked. Hindi na ata maubusan ng tanong itong mga kasama ko.

Lahat kami ay napatingin kay Wonwoo. Well, gusto ko siya na.

I MEAN, GUSTO KO SIYA NA ANG MAGING LEADER NG RESEARCH NA 'TO!

Hindi naman sa ayaw ko si Jihyo but I know that there's something in Wonwoo na kakayanin niya kaming i-lead sa research na 'to.

"I guess, it's you Wonwoo." nakangiting sabi ni Jihyo. "Right guys?" tanong pa nito sa amin.

Sumang-ayon na kaming lahat but Wonwoo spoke.

"Ayoko."

Natahimik kaming lahat. Bakit ayaw niya?

"If that's the case, I'll volunteer to be your leader nalang." at wala na kaming nagawa nang magsalita na si Jihyo.

---------

Naglalakad na ako mag-isa palabas ng campus dahil naghihintay na ang sundo ko sa labas. Medyo late pa ako nakalabas dahil may binalikan pa ako sa classroom na canvass na itutuloy kong gawin sa bahay.

Nang tignan ko ang wrist watch ko ay nakita kong 5:40 na ng hapon. Medyo natagalan pa ang meeting kanina dahil may mga sinabi pa si Jihyo about sa research namin na hindi ko rin lang naintindihan. Pero sabi naman niya ay isesend niya ito mamaya sa gc na gagawin niya kaya keri na.

Medyo malayo pa ang lalakarin ko palabas ng campus. Napakalaki kasi netong school namin. May tag-iisang building ang bawat grade level sa Junior High Department kaya sila ang nasa may bandang gitna ng school. Ang bandang nasa bukana naman ay ang mga canteen, offices at ang library. Kaya kaming Senior Highschool Department, nasa bandang likuran na parte ng school. May kaniya-kaniyang building din ang bawat strand at sa kasamaang palad, pangalawa sa dulo ang building ng Arts & Design na siyang strand ko. Dulo naman ang Sports Track. Una ang building ng STEM, sunod ay ang building ng ABM, HUMSS, TVL-COOKERY, TVL-ICT at GAS.

Nang nasa bandang tapat na ako ng building ng HUMSS ay halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko.

"AY EPAL--MINGYU!?!?!" sigaw ko.

ANONG GINAGAWA NG EPAL NA TO RITO!? AND HOW DARE HIM NA HAWAKAN ANG BALIKAT KO?!

"ANONG GINAGAWA----"

"AHHAHAHAHAHAHAHAHHAHA! YOU SHOULD'VE SEEN YOUR FACE, MINARI! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawa nito na nakaka-bwisit sa pandinig. At mas nabwisit ako lalo nang tawagin niya nanaman ako sa pangalang iyon.

Naglakad na ako ulit at iniwan siyang tumatawa doon.

"UY MINARI! TEKA!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa naramdaman kong nasa likuran ko nalang siya.

"Grabe naman 'to, hintay naman." hinihingal niyang reklamo kaya naman agad ko siyang nilingon.

Tila nagulat pa siya nung humarap ako sakanya kaya napa-atras siya.

"Ano bang problema mo ha, Kim Mingyu?" asar kong tanong sakaniya. Napalunok naman siya at tila hindi alam ang isasagot.

"Wala? Sige mauuna na--"

"Miss na kasi kita Minari."

Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Miss niya na ako? Nagpapatawa ba siya?

Napangisi nalang ako at napailing, "Miss mo ako? Eh diba mas pinili mo ang Hwang Yeji na 'yun kesa sa pagkakaibigan nating since birth?"

Hindi naman siya nakasagot at napayuko nalang.

"Alam mo Mingyu, 'wag mo na uulitin 'to. 'Wag mo na akong kakausapin na parang walang nangyari. Isa nalang kitang co-representative at wala nang hihigit pa doon."

Bago pa tumulo ang mga luhang nagbabadya ay tinalikuran ko na siya. Ang kapal ng mukha niya.

----------

Pagka-uwi ko ay agad akong nag-online para sana i-chat si Chaeyoung dahil sa nangyari kanina sa gc na sabatan nila. Pero nangunot ang noo ko nang biglang may bagong gc na nag-pop ang chat head sa phone ko.

I clicked the chat head at napag-alaman kong ito ang ginawa ni Jihyo na gc para sa research namin.

Trouvaille Where stories live. Discover now