Prologue

223 13 8
                                    


Third Person's POV

Isa-isa nang nagsisidatingan ang mga strand representatives at tumambad sakanila ang Presidente ng SC na si Suho kasama ang kaniyang secretary na si Eunji na mukhang may mga ginagawang school papers. College na nga pala sila, 4th year college.

Unang dumating ay si Jihyo na amoy chemicals pa at kasunod nito si Hoshi na amoy usok naman dahil sa nangyari sa kitchen lab.

Nagkatinginan naman ang dalawa ngunit agad ding nag-iwasan. Naupo na si Jihyo sa pinakaharapan habang si Hoshi naman ay naupo sa likuran nito.

Sabay namang pumasok ng SC room sina Dahyun, Tzuyu at Vernon at naupo na rin sa mga bakanteng upuan.

Mag-isa namang dumating si Wonwoo na mukhang hindi namalayan ng iba ang pagdating dahil sa tahimik na pagpasok nito at naupo naman ito sa pinakalikuran.

"Sino pa ang kulang?" Suho asked them habang inaayos na ang mga ginagawa nilang school papers kanina ni Eunji.

"Sila Mina and Mingyu nalang Pres." sabi ni Jihyo kaya naman napatango nalang si Suho.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng SC office at iniluwa nun ang hingal na hingal na sila Mina at Mingyu.

"Sorry Pres, we're late." paghingi ng paumanhin ng dalawa.

Suho just nodded and chuckled, "Naiintindihan ko naman, malayo ang building niyo rito sa office kaya ayos lang."

Umupo na si Mina sa tabi ni Jihyo at naupo naman si Mingyu sa tabi ni Wonwoo sa pinakalikod.

"So shall we start the meeting?" Suho asked them and they agreed. Well, wala naman silang magagawa kundi sumang-ayon nalang.

"Eunji, please pass me the papers." ma-otoridad na sabi ni Suho sabay lahat ng kamay nito sa harapan ni Eunji. Inabot naman ni Eunji ang isang folder at nginitian ito ni Suho.

"So kaya ko kayo ipinatawag ay dahil may iniutos saakin ang principal."

Tahimik nilang inantay ang susunod na sasabihin ng President kaya naman nagpatuloy na ito.

"So bilang mga Presidente ng mga sections at Representatives ng buong strand niyo, kayo ang naatasan na gumawa ng inutos niya."

Wonwoo butted in, "So what's our task?"

"Well, kailangan ninyong makipag-cooperate sa isa't-isa. Since graduating na kayo, the Principal wants you to think of a project where in maipapakita ninyo ang equality between strands."

Kani-kaniyang reaksyon ang ipinakita ng walo. Jihyo and Mina nodded habang si Tzuyu naman ay naka-poker face lang. Dahyun lowered her head while Vernon shook his head, looks like hindi niya nagustuhan ang idea. Mingyu just smirked at si Wonwoo naman ay napaisip. While Hoshi...

"Kailan naman po ang deadline?"

"The deadline will be bago kayo gumraduate. Since September na and in one month, 2nd sem na, kailangan niyo nang umpisahan ito dahil by 2nd sem, paniguradong magiging busy na kayong lahat nun."

They all nodded.

"So pag-usapan niyo na kung anong klaseng project ang gagawin niyo. Goodluck guys. Meeting adjourned."

Sunod-sunod silang lumabas ng office and nang makalabas na silang lahat, they awkwardly stood outside the office at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

They're not close. Well, except for Jihyo, Mina and Mingyu. The three came from the same school noong junior high sila. Mina and Jihyo came from the same class and Mina and Mingyu are ex-bestfriends. Yes, they were bestfriends before but something happened kaya nalayo ang loob nila sa isa't-isa.

Tzuyu, Vernon and Dahyun also came from the same school. Sa rival school nila Jihyo dati but unlike the three, hindi naman close itong tatlo. Schoolmates lang sila doon and batchmates but never silang naging magkakaklase.

Hoshi and Wonwoo stayed at their school. Kung saan sila nag-aaral ngayon ay doon din sila nag Junior High pero kagaya nila Tzuyu, hindi rin sila naging magkaklase noong Junior High.

Jihyo decided to break the awkwardness na bumabalot sakanilang walo.

"Uhm, so saan natin pag-uusapan yung about sa magiging project natin?" she asked them habang nakangiti.

"Hmm, much better if pag-usapan nalang natin yan mamaya. I still have to finish my accounting class." Tzuyu answered.

"Same here, kailangan ko pang tapusin yung painting na ipapasa ko mamaya." pag sang-ayon naman ni Mina.

"Fine. So mamaya nalang? You guys set the time." sabi ni Jihyo.

"Until what time ang last class niyo for today? Mine's 2:30." Wonwoo asked them.

"2:00 ako." sagot ni Hoshi.

"3:30 kami ni Mina." Jihyo answered.

"3:30 rin ako." sabi naman ni Mingyu.

"4:00" Tzuyu coldly answered.

"4:00 din ako, Tzuyu daanan nalang kita sa room mo." Vernon said at humarap pa kay Tzuyu.

"Fine." sagot nito kaya naman napangiti si Vernon.

"How about you Dahyun?" Wonwoo asked the girl na tahimik lang sa gilid.

"Uhh, hanggang 5:00 pa ako ngayon eh. Ayos lang na mauna na kayong mag-meeting mamaya. Susubukan ko nalang humabol o di kaya mag-excuse sa subject teacher namin mamaya." nahihiyang sagot nito.

Wonwoo nodded. "Okay. So we'll start the meeting ng 4:00 nalang. Sa may cafeteria nalang siguro tayo since wala naman ng tatambay doon dahil uwian na rin yung oras na yun. Is it okay with you guys?"

Vernon smirked, "Makaka-angal pa ba kami? Eh naplano mo na."

Tinignan naman siya ng pito but Tzuyu glared at him.

"Don't be an asshole here, Hansol." she seriously said.

Vernon sighed and shrugged. "Fine." he said bago naunang umalis.

Isa-isa na rin silang nagsi-alisan at bumalik sa kani-kanilang mga classrooms.

Would this project turns out good?

Trouvaille Where stories live. Discover now