chapter 7 // caution

96 4 0
                                    

Hoshi's POV

"Uy Kun, ikaw na munang in-charge dito sa room ah? Punta na ako sa research namin."

"Sige pre, good luck!"

Tinanggal ko na ang apron ko at inayos ang suot kong uniform. Isang panibagong araw nanaman para ma-stress sa mga kasamahan kong hindi magkasundo-sundo. Ah, isa nga pala ako doon.

Hindi ko maintindihan kung ano ang point ng pagpapagawa ng research sa amin na magkakaiba naman ng strand. Hindi ko ma-gets kung ano ba ang magiging benefits namin dito at bakit namin 'to ginagawa. Actually, gulo pa nga ang nangyayari eh. Konting ingay, away agad. Konting mali, sigawan agad. Para kaming mga iba't-ibang hayop na nahiwalay sa mga kaanyo namin at napilitang magsama-sama para maka-survive.

Napailing nalang ako sa naisip ko. Ikinumpara ko pa talaga ang samahan namin sa samahan ng mga hayop. Hayop na 'yan.

Nagpunta na ako sa building ng arts dahil doon nga kasi ang meeting place naming lahat. Pero bago pa man ako maka-akyat ay nakatanggap ako ng message sa group chat galing kay Mina.

------

Mina:
Guys, hindi muna natin siguro magagamit 'yung room. Meron kasing performance task 'yung mga grade 11 and doon 'yung venue na napili ng prof nila. Sorry.

Hoshi:
Eh saan tayo ngayon?

Jihyo:
We can work on our own. Go to your partners nalang siguro and then gawin niyo 'yung chapter assigned for you. 'Yung mga chapter 3 to appendices which is Vernon, Tzuyu and Mingyu , free cut niyo ngayon or pwede kayong tumulong sa mga may on-going tasks like dahyun na mag-isa lang. Is it clear?

Dahyun:
Okayy! Salamat Ji! ^_^

Tzuyu:
Sorry, can't help anyone of u. Over-time 'yung accounting namin.

Mingyu:
Ako rin, kailangan kong bumawi sa prof ngayon so..😬

Wonwoo:
@Mina let's meet at the library.

Mina:
Okay.

Vernon:
@Dahyun wya?

Dahyun:
Ha?

Vernon:
Where you at?

Dahyun:
Ahhhhh hehehehehe andito sa room hehehehe

Vernon:
Go here at the ICT room, I'll help you.

Dahyun:
Oks manok!! Kunin ko lang laptop ko hehe

Hoshi:
Hoy Jihyo, saan tayo?

Jihyo:
Up to you.

Hoshi:
Kaya nga tinatanong ka kasi hindi ko alam diba?

Jihyo:
Daanan mo ako rito sa building. Let's go to the cafeteria.

Hoshi:
Sasabihin din lang naman pala.

------

Itinago ko na ang phone ko at nagsimulang maglakad papunta sa building ng demanding naming leader. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang kinuha niyang ka-partner. Pwede namang si Dahyun, o sila Tzuyu. Tch. Gusto lang ata akong awayin nu'n palagi.

Trouvaille Where stories live. Discover now