Chapter 32

89.8K 2.2K 400
                                    

Dakota's POV.

"Hi mommy, good morning!" nagmulat ako, at isang gwapong anghel ang bumungad sakin.

"H-hey baby, why are you here?" nagtatakang tanong ko, while playing with his hair.

I sat down at ramdam na ramdam ko ang pananakit ng ulo ko.

Mabilis kong tiningnan ang buong kwarto, beige and white, malinis at organisado. My eyes landed to my smiling son.

"Why did Daddy brought you home last night? Are you guys together again? Is he not marrying Tita Lysa? You slept in the same room, are we gonna be a family again? Am I gonna have a younger sister?"

Tila nawala ang hilo ko dahil sa sunod-sunod na tanong sakin Ni Archer.

Kaya pala pamilyar, kaya pala, dahil nasa kwarto nya ako, sa bahay namin.
Ipinikit ko ang mata ko, trying to remember what happened yesterday.

"I think I've seen this film before, and I never liked the ending, I'm not your problem anymore, so who am I offending now?"

Nahinto ko ang pagkanta at mabilis na lumingon sa tabi ko.

Napakalapit naming dalawa pero parang mas malayo pa sya ngayon, seryoso itong nagmamaneho, I was staring at him for a couple of minutes na bago nya akong nagawang lingunin.

"Saan ba kita ihahatid, saan ka mag-i-stay?"

"Sa bahay ng asawa ko" diretsong sagot ko sa kanya, I am drunk and I wanna tease him.

"Kasal na kayo ni Leo?" diretso nyang tanong.

"Why so curious Mr. Montenegro?"

Hininto nya ang kotse sa tabi at tumitig sakin ng seryoso.

"You, drunk woman, call your husband and ask him to pick you up, responsibilidad ka nya-

"Why are you passing your responsibility to Leo? I am not married to him, I'm married to you"

Lumunok sya, napapikit sya at sa pagdilat nya, basang-basa ko ang sakit sa mga mata nya.

What have I done to you?

"Hiwalay na tayo Dakota, w-we just suddenly came to an end when you chose to leave me"

"I made a mistake, nagkamali ako, I just wanted to-

"Ayoko ng marinig, ayoko ng malaman"

"Why?!"

"Dahil baka mapaniwala mo na naman ako, baka umasa na naman ako, and I know what I did to you was also traumatizing, nasaktan kita, I lost you and hindi ko ini expect na patawarin mo agad ako, pero hindi ko in-expect na-" nahinto sya at nag iwas ng tingin. "I just didn't expect that you will hurt me back"

"Storm-

Huminga sya ng malalim.

"It's okay, I'm okay, ayos na ako"

"Ayos ka na? Why? Because you have Lysa? Because you are getting married again?! Damn you and your pride!" naiinis akong bumaba sa sasakyan nya. Nagsimula na akong maglakad at kahit hilong-hilo ako, pinangatawanan ko ang kaartehan ko.

"Dakota!" he called me. "Damn it!" naramdaman ko ang pagtakbo nya papalapit sakin kaya naman binilisan ko maglakad at kakamadali ay muntik na akong sumubsob pero mabilis nya akong nahatak. "What the hell is wrong with you?!"

"You, ikaw ang mali sakin"

"Ano?!"

"Mali ka sakin, masama ka para sakin, nakikita ko palang ang mga ginagawa mo, kapag narinig pa kitang magsalita, masisiraan na ko ng ulo" hinatak ko ang kamay ko sa kanya. "Go to your Lysa, magpakasal ka, mag anak kayo kahit bente pa, wala akong pake, get lost!" nagsimula na akong maglakad ulit pero hinatak nya ako sa braso kaya napaharap ulit ako sa kanya.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Where stories live. Discover now