Chapter 14

78.7K 2.4K 836
                                    

Dakota's POV.

I woke up extra early dahil malayo pa ang idadrive ko at ayokong abutan ng rush hour sa daan. Natapos akong maligo around 4 AM, masyadong maaga pa pero bumaba na ako at nagluto ng almusal.

Hindi ko alam kung anong kinakain ni Storm for breakfast so I just cooked fried rice and bacon at nag toast na din ako ng bread.

Hindi pa rin sya nagigising, we didn't stay in the same room, gamit nya ang master bedroom and I am using one of the guestroom.

Hindi nya ko kinausap unless kailangan at natatakot akong mag reach out sa kanya. Ayoko na lang galitin pa sya at mas lalong lumayo ang loob nya sakin.

Kumain na lang ako ng bread dahil wala akong gana masyado pag umaga, isusuka ko lang din naman.

I drove early dahil may scheduled surgery ako, I just wanna make sure that everything is all good dahil hindi basta basta ang operation ko.

I yawned. I barely slept dahil may mga kinailangan akong basahin at idagdag mo pa ang ilang araw ko ng pagdadamdam sa mga nangyayari samin ni Storm.

I kept saying to myself na emosyonal lang ako, na sarili ko lang ang iniintindi ko at hindi ko napapansin ang efforts nya pero kapag mag isa na lang ako, all I feel was coldness and loneliness. Dalawa kami sa bahay pero parang mag isa lang ako.

Hinawakan ko ang bump ko, I cannot wait to see you my little one, all of this, para sayo, para magkaroon ka ng buong pamilya, sana bago ka maipanganak, ayos na kami ng daddy mo.

Maayos naman akong nakapag park at nung makababa ako ay nagulat ako ng makita ko si Leo. Nakasandal ito sa kotse nya at nakatingin ng diretso sakin.

He quickly smiled nung magtama ang paningin namin, mabilis syang lumapit sakin.

"Good morning Dakota" he greeted me. Sumabay sya sa paglalakad ko.

"Good morning Doc Leo" I answered. "How was your vacation?"

"Wish you were there"

Napahinto ako dahil sa sinabi nya. Nilingon ko sya, nasa entrance kami ng ospital ngayon.

"What did-

Pero bago pa ako makapagtanong ay mabilis nya kong hinila papalapit sa kanya kaya mabilis na tumama ang mukha ko sa chest nya, making me inhale all of his manly perfume.

"Please look where you are going, muntik mo na syang mabangga, she is pregnant" narinig kong seryoso nyang sabi kaya napalingon ako at nakita ko yung isang babaeng bata lang siguro ng kaunti, holding her cellphone.

"Sorry po" sabi na lang nito at pumasok na sa ospital.

Mabilis na nag-angat ako ng tingin kay Leo only to find him looking at me.

"You okay?" tanong nya pero hindi agad ako nakasagot dahil sa distansya naming dalawa. I can almost smell his mint breath. "Dakota"

I felt a familiar heartbeat dahil sa mga titig nya sakin, does he remember who I am?

I slowly pulled myself away from him.

"D-do you remember me?" I asked him.

Huminga sya ng malalim at ngumiti bago hinawakan ng palad nya ang mukha ko.

"Nobody will ever forget a face like yours Dakota"

I bit my lip, hindi nya pa din ako naaalala dahil pagka chickboy na naman nya ang umiiral.

"Ugh, papasok na nga ako" sabi ko pero nagulat ako ng hawakan nya ulit ang kamay ko. 

"We'll talk" seryosong sabi nya. "I'll wait for you after your operation"

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang