Chapter 7

83.3K 2.6K 1K
                                    

Dakota's POV.

"Before you, my life was like a puzzle jigsaw puzzle with a missing piece. You were the missing piece to it, thank you for completing my puzzle babe. With love, Leonardo Hermosa"

"Sige, gusto mo i announce mo na sa buong ospital" sabi ko habang sinasamaan ng tingin tong si Nurse Jennifer.

Nginitian lang ako nito at niyakap ang bouquet at hinalikan pa yung card na kalakip nito na malakas nya lang namang binasa.

"Feel na feel mo yan girl?" tanong ni Nurse Joana bago hinatak yung bulaklak dito at inabot sakin.

I smiled nung makita ko ulit ang letter at ang bouquet of lilium stargazers.

"Ang epal mo talaga, nakiki-kilig na nga lang ako kay Dok Dakota, sinisira mo pa" Nurse Jen said.

"Maghanap ka na kasi ng jowa mo, gusto mo ireto kita?" tanong ni Nurse Angelie.

"Eew wag na, baka mamaya isa pa sa mga naging boyfriend mo ang ibigay mo sakin" Nurse Jen said.

"Nurses, ginugulo nyo na naman ba itong pinakamagandang doktor natin" Head Nurse Icy came from somewhere holding patient's file.

"Head nurse" sabay sabay nilang sabi at nahihiyang yumuko.

"Hindi ba maganda din si Doktora Celestine?" narinig kong bulong ni Nurse Lyseelah.

"Sssh, hindi ko naman sinabing i pag compare mo si Ms. Celestine, magkaiba sila ng ganda, Dra. Montenegro is the sophisticated and mataray na maganda while Dra. Sy is the gentle and dalagang filipina beauty" Nurse Icy said.

Say that to my one night stand with Storm. Nasaan po ang dalagang filipina doon?
Nag init ang mukha ko dahil sa papuri nila at dahil pakiramdam ko ay di ko deserve ang papuri nila.

"Himala at wala si Doc Leo, hindi yata nakasunod sayo yung boyfriend mo Doktora" puna naman ni Nurse Yien.

"Hindi ko pa sya boyfriend-

"Ayieee" sabay sabay nilang sabi.

"Ayan narinig nyo ha, hindi PA, ibig sabihin may pag-asa talaga si Doc Hermosa dito kay doktora, mai chat nga" sabi ni Nurse Jane.

"Huy wag, ano ba uhm" I cleared my throat. "Busy kasi si Leo ngayon, birthday nya today, alam ko kasama nya ang family nya ngayon"

"Alam na alam dok ha" pang-aasar naman sakin ni Nurse Nina. "Pero kung birthday ni Doc Pogi, bakit nandito ka?"

"Nag rounds lang ako ngayong morning shift pero ano-" napahinto ako ng makita kong titig na titig sila sakin. "Ano, pupuntahan ko naman si Leo sa party nya"

"Matamis na oo mo na ba ang sagot mo sa kanya?" tanong ni Nurse Nina.

Umiiling-iling na lang akong niligpit ang gamit ko, natatawa ako sa mga reaksyon nila. Para kaming live love story ni Leo kung usigin nila ako.

"Bye guys, work hard" sabi ko habang bitbit ang stethoscope ko at bag ko.

"Doctora Sy naman!" narinig kong pagsigaw pa ng ilan sa kanila.

"Everyone, get back to your post" sita ni Nurse Icy sa kanila.

Pumasok lang ako sa opisina ko para hubarin ang coat ko at tapusin ang notes ko para may reference si Dok Sarah pagpasok nya.

Ilang linggo na rin nanliligaw sakin si Leo, after nung confession nya, parang hindi sya tumatanggap ng rejection or basted. He said, hindi naman daw sya nanliligaw para malaman ang sagot ko, nililigawan nya ko para maipakita nya yung feelings nya para sakin. I smiled nung sinilip ko ang bulaklak na inayos ko sa vase sa office ko, stargazers my favorite, pagdating talaga sakin, lahat ay natatandaan nya.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Where stories live. Discover now