CHAPTER FOUR

71 14 12
                                    

ARVIN

SINABI ko ang lahat sa kanya na wala akong naalala sa pagkamatay ko at ang tanging naalala ko lang ay namatay ako sa isang car accident, at ang loko ay tinawanan din ako gaya nila Arianne. Namiss ko tuloy sila.

“Sorry,” Nakahawak siya ngayon sa t'yan niya at nakahiga sa kama habang hindi pa rin matigil ang tawa niya.

“Ano ba kasing nakakatawa sa isang multong walang maalala? Siguro naman marami kaming multong hindi makalala 'di ba?” bulong ko.

“Sa dinami-daming multong nakasalamuha ko ikaw pa lang ang multong walang maalala,” sabi niya habang nagpipigil ng tawa. May mga luha na ring lumalandas sa pisngi niya dahil sa sobrang pagtawa.

Hyts! Kung buhay lang ako binatukan ko na 'tong mokong na 'to.

“Sige lang tamawa ka lang,” galit ko siyang tinignan at umupo sa lapag.

Bigla siyang tumigil sa pagtawa at ngayon ay balot ang kwarto sa nakakabinging katahimikan.

“I will help you,” seryusong sabi niya.

“Huh?”

“Ang sabi ko tutulungan kitang makaalala,” paglilinaw niya.

Naunahan niya ako. Tatanungin ko pa labg sana siya kung pwede niya akong tulungan, ok na 'yon at least siya na nagsabi na tutulungan niya ako

“Pero...'di ba ang sabi mo namatay ka sa car accident? Bakit nakasuot ka ng hospital gown?” tanong niya.

Napatingin ako sa sout kong damit, at oo nga naka-hospital gown ako. Ang tagal ko na dito siguro almost one month na pero ngayon ko lang namalayan na nakasuot ako ng damit ng isang pasyente.

“Hindi ko alam kung bakit ganito ang sout ko, basta ang naaalala ko ay sa car accident ako namatay,”

“Ok, I'll just take a shower.” Humakbang ito papunta sa isang pinto na tingin ko ay ang banyo.

Ilang minuto na pero hindi pa rin siya lumalabas. Ang tagal naman niyang mag-shower. Napatingin ako sa pinto nang tumunog ito at lumabas mula rito si Jden.

Naka-topless siya at tanging ang tuwalya lang ang bamabalot sa ibabang parte ng katawan niya. Hindi maipagkakailang ang hot niya tignan habang pinupunasan ng isa pang tuwalya ang buhok niya.

“Wait, anong hot? Tumigil ka Arvin, nandito ka para magpatulong na makaalala at hindi ang lumandi,” bulong ko.

Pinipigilan ko naman ang sarili kong 'wag tumingin sa katawan niya ang kaso hindi ko pa rin mapigilang tumitig. Alam kong patay na ako pero bakit ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko pinagpapawisan ako?

‘Patay na ako, patay na patay sa kanya,’ saad ng utak ko.

“Bakit ka nakatingin sa katawan ko?” tanong niya at ngumiti ng nakakaloko.

Nabalik ako sa reyalidad at pinigilan ko ang sarili ko.

“Huh? Ako nakatingin? Bakit naman? Hindi hamak na mas maganda pa katawan ko sayo,” naiilang kong sagot at umiwas sa pagkakatitig sa kanya.

Kumuha na siya ng damit niya sa closet at isinuot ito. He is now wearing a plain blue T-shirt and...a black boxer.

“Wala ka na ba talagang ibang naaalala?” tanong niya.

“I already told you na wala na akong ibang naaalala 'di ba?”

Bakit naka-boxer lang siya? Pakiramdam ko tuloy lalo akong pinagpapawisan.

“That girl, sabi mo kanina she's look familiar to you,”

“A girl?...ah, oo I think siya 'yong babaeng kasama ko sa kotse nang mabunggo kami,” sagot ko ng maalala yung babae sa pedestrian lane.

Sigurado ako na siya yung babaeng kasama ko sa kotse dahil unti-unti nang lumiliwanag yung mukha ng babae sa isip ko at kamukha niya ito.

“So, alam mo ba ang bahay niya?” tanong niya.

“Sorry pero hindi, malabo pa rin kasi kung saang lugar ko siya sinundo,” sagot ko.

“Sinundo?”

“Sinundo, nagdate gano'n,”

“Bakit parang naiilang kang tumingin sa akin?” Lumapit siya at umupo sa harap ko.

“Kasi...”

“Kasi ano?”

“Kasi...naka-boxer ka lang,” nakakailang siyang titnan lalo na't bumabakat ang alaga niya.

Tumayo siya at pumunta ulit sa closet niya, kumuha siya ng itim na short at agad itong isinuot. “Ok na ba?” he asked and gave a thumbs up.

“Jden, sabay raw kayo ng mommy mo mag-dinner,” boses ng babae sabay katok sa may pinto.

“Sige po, papunta na,” Jden replied.

“Mamaya na lang ulit,” sabi niya sa akin.

“May kausap ka ba d'yan?”

“Wala po.” Binuksan niya ang pinto at sumalubong ang katulong nila. Pumasok pa bahagya ang katulong nila at nagmasid sa loob ng kwarto.

Lumabas na ng kwarto si Jden at naiwan akong mag-isa. Ano naman gagawin ko dito?

“Susundan ko ba siya o hintayin ko na lang siya dito?” tanong ko sa aking sarili.

“Five days,” isang malalim na boses ang bumasag sa tahimik na kwarto, ang creepy ng bosses niya.

Hinanap ko kung saan nanggaling 'yong creepy na boses at napadako ang mata ko sa bintana kung nasaan ang isang aninong hugis tao na kasalukuyang nakaupo, napatingin naman ako sa ilawa nang magpatay sindi ito, napatayo pa ako dahil dito.

Kahit na patay na ako hindi ko pa rin maiwasang matakot sa presensya na mayroon siya.

“S-Sino ka?” pautal-utal kong tanong sa kanya. Humahakbang ako paatras kahit na nanginginig ang mga paa ko.

“Hindi mo na kailangang malaman, naparito ako para magbigay ng mensahe,”

“Hindi ka tinanggap ng liwanag, dahil may kailangan ka pang gawin dito sa lupa,” dagdag pa niya.

“Kailangan mong bumalik, dahil kung hindi ay sa akin na ang kaluluwa mo,” tumawa siya ng malakas, tawang lalong nagpanginig sa mga paa't tuhod ko.

“B-Babalik saan?” takot man ay kailangan ko pa rin siyang tanungin kung saan ako babalik.

“Ikaw na ang bahalang umalam. Hanggang sa muli, Arvin,” sagot niya at unti-unting naglaho kasabay ng pag-tigil ng ilaw sa pagpatay sindi nito.

“Sinong kausap mo?” nagulat ulit ako ng may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako, si Jdeb lang pala.

“May anino kanina sa bintana, kinausap niya ako at sabi niya kailangan ko na raw bumalik at kung hindi ako makakabalik sa loob ng limang araw sa kanya na daw ako,” paliwanag ko.

“Babalik saan?” tanong ni Jden at halata ring naguguluhan.

“Iyan nga rin ang tanong ko, pero ang sabi niya ay ako na ang bahalang umalan at unti-unti na lang siyang naglaho,” sagot ko.

Napakamot siya sa ulo at umupo sa kama niya.

“Pwede bang bukas na lang natin ulit pag-usapan, inaantok na kasi ako.” Humiga siya sa kama at humikad.

“Pano kung bumalik siya, tapos kunin niya na ako agad?” hindi ko talaga maiwasang matakot.

“Walang masamang mangyayari sayo hanggat nasa tabi mo ako, pangako.” Pinatay na niya ang lamp na nasa tabi niya at nakatulog ng mabilis.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Dec 24, 2021 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Memories With You [BxB] [Under Revision]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz