CHAPTER ONE

38 6 0
                                    

ARVIN


UNTI-UNTI kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang liwang ng sikat ng araw. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko para takpan ang mga mata ko sa nakakasilaw na liwanag at hinintay na maka-adjust ang mga mata ko.

Nakaupo ako ngayon at nakasandal sa isang malaking puno. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagmasdan ang paligid.

May mga nakikita akong bench, puno, mga berdeng damo, fountain, at mga iilang tao. In short para akong nasa isang park.

“Gising ka na pala,” boses ng isang babae na nanggagaling sa likuran ko. Humarap ako sa kung sinong nagsalita at bumungad sa akin ang isang babae at lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang.

“Ako ba'ng kausap niyo?” habang nakaturo ang daliri ko sa sarili ko, pero tango lang ang isinagot nila.

“Anong pangalan mo?” balik na tanong nang babae.

“Pangalan ko?” bahagya akong napaisip, bakit parang may nakakalimutan ako? “Arvin, tama, ako si Arvin at kayo si?"

“I'm Arianne and he's—”

“Axel,” walang gana niyang pagpapakilala.

“Tara sumama ka sa'min,” sabi nung Arianne at nagsimula silang maglakad.

Ang creepy naman nila. Tapos gusto pa nila na sumama ako sa kanila, weird.

“Ano sasama ka ba?” galit na saad ni Axel, apaka high blood naman nito.

“Ito na, sasama na.” Lumapit ako sa kanila at sumabay sa paglalakad.

Habang nagkwe-kwento sila about sa personal life nila ay napatayo ako sa nalaman ko.

Mga multo ngayon ang kausap ko, ang nakapagtataka at nakakagulat ay isa na rin akong multo! Hindi ko nga alam kung pano ako namatay at lalong hindi ko maalala ang mga nangyari sa akin noong buhay pa ako.

Hindi gaya ko, sila Arianne at Axel ay naaalala nila ang lahat. Si Arianne ay namatay dahil sa malubhang sakit at si Axel naman ay namatay dahil sa isang plane crash. Nandito pa rin sila sa mundo ng buhay dahil hindi pa raw sila handa na sumama sa liwanag.

“Kahit edad o birthday mo 'di mo maalala?” hindi makapaniwalang tanong ni Axel.

“Edad at pangalan naaalala ko, pero 'yong iba, gaya ng birthday, tirahan pati mga magulang ko hindi ko na maalala,” nandito kami ngayon sa isang kubo 'di kalayuan kung saan ako nagising.

“Ano ka, multong may amnesia?” Natatawang tanong ni Arianne.

“Meron ba no'n?”

Posible kayang magka-amnesia ang multo?

“Ikaw pa lang!” sabay silang nagsalita and they both laugh.

Pinabayaan ko lang silang tumawa at naglakad palabas. Hindi ako galit sa kanila, kailangan ko lang sigurong mag-isip-isip.

“Wait, saan ka pupunta?” tanong ni Arianne.

“D'yan lang sa labas,”

“Ikaw kasi,” sabi ni Arianne kay Axel.

“Bakit ako? Ikaw kaya 'tong kung anu-ano sinasabi,” hindi pa ako nakakalayo ng kubo ay rinig ko pa ang sisihan nilang dalawa.

Nilibot ko ang buong lugar baka sakaling may maalala ako. Naisip ko, na kaya ako nandito ay baka lagi akong dito pumupunta noong buhay pa ako, pero sa tagal ko ng pinagmamasdan ang buong paligid ay wala pa rin akong maalala.

Memories With You [BxB] [Under Revision]Where stories live. Discover now