CHAPTER THREE

68 14 10
                                    

ARVIN

“NASA'N si Arianne?” tanong ko kay Axel. Kanina ko pa kasi hindi nakikita si Arianne.

“Nagpaalam na siya,” sagot ni Axel

“Huh?”

“Hindi pa ba nasabi sayo ni Arianne?” pabalik na tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot.

“Napagdesisyonan namin na sumama na sa liwanag, panahon na rin siguro para sumama na kami,” pagpapatuloy niya.

Nakakalungkot na aalis na sila pero hindi ko naman sila pwedeng pigilan, 'yon ang gusto nila kaya rerespetuhin ko ito.

“Nand'yan na pala si Arianne,” sabi ni Axel.

Lumingon ako kung nasaan si Arianne at halata sa mata niya na umiyak siya.

“Sorry,” sabi sa akin ni Arianne.

“Sorry saan?” bakit siya nag so-sorry sa akin?, sa hindi ba pagsabi na sasama na sila sa liwanag?

“Sorry dahil hindi ka na namin natutulungan na makaalala, sorry rin kung iiwan ka na namin,” paliwanag ni Arianne.

Biglang may liwanag na lumitaw sa harap namin. Ito na siguro ang liwanag na susundo kila Axel. I want to go with them. Gusto ko na ring sumama sa liwanag, wala na rin naman siguro akong gagawin dito.

“Sasama na rin ako sa liwanag,” sabi ko sa kanila. Napalingon naman sila sa akin dahil sa sinabi ko.

“Sigurado ka? 'di ba gusto mong makaalala?” tanong nila.

“Ayuko na, gusto ko na rin sumama sa liwanag,”

Naglakad kami papunta sa liwanag, nauna si Arianne sumunod naman si Axel. Pero nang ako na ang papasok sa liwanag ay parang may harang kaya hindi ako makapasok. Parang may salamin na pumipigil sa akin upang pumunta sa liwanag.

Pinilit kong makapasok pero wala pa rin, hindi talaga ako makapasok.

Pati sila Arianne ay nagtataka rin kung bakit hindi ako makapasok. Unti-unti ng tumutulo ang mga luha ko.

“Bakit hindi ako makapasok?” mangiyak-ngiyak kong tanong.

Biglang lumiit yung liwanag kaya biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at patuloy pa rin ako sa pagluha.

“Arvin!” huling sigaw na narinig ko mula kila Axel at Arianne at tuluyan ng nawala ang liwanag. Wala na akong nagawa kung 'di ang lumuhod at umiyak.

May dalawang paang huminto sa harap ko kaya itinaas ko ang ulo ko, bago ko pa makita ang mukha niya ay biglang sumasakit ang ulo ko na ikinapikit ng mata ko at tuluyang magkawala ng malay.

---

May narinig akong musika. Isang napakagandang musika.

‘Nasa langit na ba ako?’ sabi ko sa isip ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nagtaka ako, wala ako sa langit dahil nandito pa rin ako, sa lugar kung saan ako nawalan ng ulirat.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog at huminto ang mata ko kay Markus na nakaupo sa bench. Tumutugtog siya ng isang instrumento gamit lang ang mga hinlalaki niya.

Tumayo ako at lumapit kay Markus. Huminto ito sa pagtugtog at tumingin sa akin.

“Baki ang lungkot mo ngayon?” tanong niya. Ikinalaki naman ito ng mata ko, buti naman at kinausap na niya ako.

“Wala 'to,” sagot ko sabay punas ng luha ko.

Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi ako tinanggap ng liwanag.

“Buti naman at pinansin mo na ako,” sabi ko sa kanya pero ngumisi lang ito.

“Look around, wala masyadong tao,” sabi nito at pinatugtog ulit ang hawak niyang instrumento.

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang tugtog na pumapasok sa aking tenga.

Huminto ulit ito sa pagtugtog kaya napatingin ako sa kanya tumingin siya sa relo niya at biglang tumingin sa akin.

“Kailangan ko ng umalis.” Tumayo siya at nagsimulang maglakad.

Naisip kong sumama sa kanya tutal wala na rin naman sila Axel at Arianne.

“Bakit ka sumusunod?” babulong niyang tanong na sapat lang para marinig ko.

“Sasama sayo,” tipid kong sagot.


---


Hindi ko alam kung nasaan na kami pero patawid kami ngayon sa pedestrian lane. Bigla na lang akong napahinto nang may nakita akong pamilyar na babae.

“Bakit?" pabulong na tanong ni Jden na hindi nakatingin sa akin.

“Pamilyar siya sa 'kin,” saad ko at itinuro 'yong babae. Lumingon siya sa babae na ngayon ay nakayakap sa isang lalaki.

“Beep! Beep! Beep!” nakalimutan namin na nasa gitna pa pala kami ng pedestrian lane.

“Sorry,” sabi ni Jden at agad na naglakad papunta sa gilid. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Napanganga na lang ako nang makita ko ang bahay nila Jden. Bahay pa ba 'to o mansyon?

Parang may nag-udyok naman sa akin na tumingin sa likod.

Maganda rin ang bahay sa tapat nila Jden mala-mansyon din, bakit parang pamilyar din ito sakin? Hyst ewan.

Pumasok na rin ako loob ng bahay nila Jden at nadatnan ko siya kasama ng matandang babae sa kusina na nag-uusap.

Napayakap sa sarili 'yong ale nang makalapit ako sa kanila.

“May kasama ka?” tanong nang ale na ikinakunot ng noo ko.

Nakikita niya rin ako?

“Ah opo, siya po si-”

“Beep! Beep!” hindi na natuloy ni Jden ang sasabihin niya nang may bumusina.

“Mamaya na lang, nand'yan na ang mommy mo, umakyat ka na sa kwarto mo bago ka pa maabutan dito,” agad namang sumunod si Jden at umakyat na sa sencond floor ng bahay nila at pumasok sa pangalawang pinto.

Hindi man lang ako sinabihan o tinignan man lang at agad na lang siyang pumunta sa kwarto niya. Siguro ay tumakas lang siya kaya nagmamadali siya ngayong bumalik sa kwarto niya.

Malaki ang kwarto niya at may binta na sa tabi ng kama niya, katapat ng bintana niya ang bintana sa kabilang bahay. Kaunti lang ang laman ng kwarto niya. Most of the items are color blue, favorite color niya siguro.

“Ano nga pa lang pangalan mo?” tanong niya. “Kanina pa tayo magkasama pero hindi ko pa rin alam pangalan mo,” dagdag pa niya.

“Sorry hindi ko pa pala nasabi sayo...I'm Arvin,” pagpapakilala ko, itinaas ko ang kamay ko hudyat para makipagkamay.

Nagsalubong ang mga kilay niya at napakamot sa batok dahil sa ginawa ko. Nasapo ko naman ang noo ko, nakalimutan kong kaluluwa na lang pala ako.

“Sorry,” sabi ko sabay nag-piece sign.

“Ako naman si Jden,” pagpapakilala naman niya.

“S'ya nga pala, 'yong ale kanina nakikita niya rin ba ako?” tanong ko sa kan'ya.

“Hindi, nakakaramdam lang siya,”

Humiga siya sa kama niya at matagal na tumitig sa asul na kisame, saka bumalik sa pagkakaupo, at tumingin sa 'kin.

“Pwede ko bang malaman kung pano ka namatay? Kung ok lang naman,”

Memories With You [BxB] [Under Revision]Where stories live. Discover now