TEASER

53 7 0
                                    


JDEN

PAGPASOK ko sa kwarto ni Arvin ay nagtinginan silang lahat sa akin pati na si Arvin.

Lumapit ako sa kanya at akmang yayakapin ng pigilan niya ako.

“Sino ka?” para akong estatwa na hindi makagalaw ng marinig ko ang mga katagang iyon.

Para itong sirang plaka na paulit-ulit na nagple-play sa utak ko.

“A-Ako 'to si Jden,” na-uutal kong turan, biglang uminit ang paligid ng mata ko at ilang sandali na lang ay tutulo na ang mga luha ko.

“Parang namumukaan kita?” nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin. “Nagkita na ba tayo sa kung saan?” tanong niya ulit.

“Hindi mo ba siya nakikilala? Ang sabi niya kaibigan mo raw siya,” sabi ni Camille at lumapit na rin siya sa amin.

“Hindi ko talaga siya kilala, saka ikaw lang naman ang kaibigan ko 'di ba?” sagot ni Arvin.

Unti-unting nadudurog ang puso ko tuwing sinasabi niya na hindi niya ako kilala.

“Please, Arvin, sabihin mong naaalala mo ako at nagbibiro ka lang sa mga sinabi mo kanina,” lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha, hindi ko na napigilan at tuluyan na akong napaiyak.

“S-Sorry, pero hindi talaga kita kilala,”

“'Di ba sabi mo mahal mo ako? Bakit mo 'to ginagawa?” sabi ko at yumakap sa kanya.

Lalo akong napahagulgol nang yumakap din siya sa akin at hinagod ang likod ko.

Hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat para maalala mo ako Arvin.

“Mahal kita, Kahit si kamatayan hindi nito kayang patayin ang nag-aalab kong pagmamahal para sayo,” bulong ko sa kanya at kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

Napatingin kaming lahat sa pinto nang may isang bagay na nahulog.

Isang babae na nakasuot ng doctor's gown ang tumakbo palapit kay Arvin at saka niya ito niyakap. Sobrang higpit ng yakap nila sa isa't-isa na parang matagal na silang hindi nagkikita.

“Salamat at gumusing ka na, anak,” mangiyak-ngiyak na sabi nung babae.

‘Anak? Ibig sabihin siya ang mommy ni Arvin?’ saad ko sa isip ko.

“Mommy…” sabi ni Arvin at tuluyan na ring umiyak habang patuloy pa rin silang magkayakap.

Pakiramdam ko hindi na ako kailangan dito, lalabas na muna ako at magpapahangin.

Ito ang dahilan kung bakit ayukong tumulong sa mga ligaw na kaluluwa gaya ni Arvin. Sa bawat araw at oras na tinutulungan ko sila napapalapit na rin ang loob ko sa kanila, at tuwing napapalapit na ang loob ko ay bigla silang mawawala, sumasama na sila sa liwanag dahil tapos na ang misyon nila dito sa lupa at iiwan akong mag-isa.

Hindi ko hahayaan na mawala si Arvin sa akin, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maalala niya ulit ako.

Memories With You [BxB] [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon