CHAPTER TWO

86 13 6
                                    

ARVIN


BUMALIK kami kung saan ko nakita 'yong lalaki. Kanina pa nga kami dito pero hindi pa rin namin siya makita. Sa sobrang tagal na naming naghihintay dito ay nagrereklamo na si Axel. Isinama ko na sila Axel para patunayan sa kanila na totoong nakikita ako ng lalaking 'yon.

“Ano, wala pa rin siya?” paulit-ulit na tanong ni Axel. Pang-apat na niya siguro 'yan.

“Bumalik na nga lang tayo sa kubo,” sabi naman ni Arianne na mukhang inip na inip na rin.

“Saglit na lang,” sabi ko sa kanila.

“Naiinip na ako, saka baka hindi na 'yon dumating,” reklamo ulit ni Axel.

“Oo nga, hindi na 'yon dadating kaya bumalik na tayo sa kubo,” pagsang-ayon naman ni Arianne.

Nagsimula na silang maglakad at hindi ko na sila napigilan.

“Siguro nga hindi na 'yon dadating,” bulong ko.

Huminga ako ng malalim saka nagsimula na ring maglakad. Nakakailang hakbang pa lang ako ay nakita ko 'yong lalaking kanina ko pa hinahanap, nakaupo siya sa bench at nakatingin sa cellphone niya.

“Wait guys, nakita ko na siya!” sigaw ko habang nakaturo ang daliri ko doon sa lalaki. Humito sila Axel sa paglalakad at tumingin sa lalaking itinuro ko.

Mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan nung lalaki at sumunod naman sa akin sila Arianne. Nang nasa tapat na niya ako ay nakita ko ang mga mata niyang bahagyang timingin sa mga paa ko.

“Hello, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kanya. Hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa.

“Ang sabi mo nakikita niya tayo?” singit na tanong ni Axel.

“Nakakakita talaga siya ng mga kagaya natin,” pagpupumilit ko.

“Ikaw Arianne naniniwala ka ba na na nakikita niya tayo?” Lumingon kami kay Arianne nang hindi ito sumagot sa tanong ni Axel. Nakatulala si Arianne sa lalaki at nagpapa-cute pa siya.

“Hoy Arianne!” sigaw ni Axel.

“Bakit ba?!” pasigaw na tanong ni Arianne.

“Sapalagay mo nakikita ba tayo nitong lalaking to?” tanong ni Axel habang nakaturo ang daliri nito doon sa lalaki.

“Ewan ko, basta ang alam ko ay ang gwapo niya. Pero sana nga nakikita niya tayo para naman makita niya ang magandang gaya ko,” sagot ni Arianne habang patuloy pa rin ito sa pagpapa-cute. Nagtinginan kami ni Axel at sabay na tumawa.

“Anong nakakawa?” tanong ni Arianne.

“Wala madam,” mapang-asar na tugon ni Axel.

“Mabuti,” sabi ni Arianne at ibinalik ang tingin sa lalaki.

Bahagyang ngumiti 'yong lalaki pero agad ding sumeryoso nang napansin niyang nakatingin ako.

“Huy, baka naman pwede mo kaming kausapin,” pagpupumilit ko.

“Hello,” Inilagay ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya at ikinaway-kaway ito. Imbes na kausapin kami ay kinuha niya ang isang head set sa bulsa niya at inilagay ito sa magkabila niyang tenga.

Pagod na ako. Kahit na anong pagpapasin ang gawin ko hindi pa rin niya kami kinakaudap, hindi ko na alam kung paanong pagpapansin ang gagawin ko.

“Jden!” Napalingon kaming lahat ng may sumigaw, lumingon din 'yong lalaki saka kumaway sa nagsalita. Tumayo siya at naglakad papunta doon sa dalawang lalaking tumawag sa kan'ya na nakatayo 'di kalayuan sa amin.

“Teka, aalis ka na?” maarteng tanong ni Arianne do'n sa lalaking nagngangalang Jden. “Kaya siguro hindi pa ako sumasama sa liwanag ay dahil itinadhana tayong magkita,” dagdag pa niya, napatawa na lang kami ni Axel sa mga pinagsasabi ni Arianne.

“May girlfriend na kaya siya?” lalong lumakas ang tawanan namin dahil sa pahabol na tanong ni Arianne.

Tumigil ako sa pagtawa at napatingin ako kay Jden nang huminto ito sa paglalakad saka inilingon ang ulo niya ng bahagya at nagpatuloy na ulit ito sa paglalakad.

Alam kong nakikita niya kami, pero bakit ayaw niya kaming pansinin? Nakakainis lang at hindi niya man lang kami pinagtuonan ng atensyon.

Nagpaalam na rin sina Arianne at may pupuntahan daw sila, ako naman ay umupo sa bench kung saan nakaupo kanina si Jden at ipinikit ang mga mata ko, baka sakaling may maalala akong kahit na ano.

“Art, saglit lang,”

“Bakit?”

“May gusto sana akong sabihin sayo,”

“Ano 'yon?”

“G-Gusto kita, ikaw ba gusto...mo rin ba ako?”

“Sorry Kyle but, I like girls at hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo,”

Idinilat ko ang mga mata ko nang may narinig akong nag-uusap. Bumungad sa harap ko ang dalawang lalaki.

“Kalimutan mo na lang 'yong sinabi ko...aalis na ako,” sabi nang lalaking nasa kanan at aalis na sana pero hinawakan nang lalaking nasa kaliwa ang kamay niya.

“Nandito ka lang pala,” pabebeng saad nung isang babaeng kakarating lang.

“Hello Art,” may isa pang dumating na babae, kumapit sila sa magkabilang braso nung lalaki na nagngangalang Art.

Tinanggal nung Kyle ang pagkakahawak ni Art sa kamay niya at tuluyang umalis.

“Pabayaan mo siya,” maarteng turan ng isa sa mga babae at hinatak si Art paalis.

Hindi ko alam pero dahil sa nakita ko ay biglang pumasok sa naisip ko si Jden. Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko na parang nakikipag-karera.

Sa pagkakaalam ko ay dalawang beses ko pa lang siyang nakita pero bakit ganito ang dating niya sa akin? Bakit parang gusto ko ng maging parte ako ng buhay niya at maging parte siya ng buhay ko. Umaasa ako ngayon na sana ay makita ko ulit si Jden.

Bigla tuloy akong naguluhan kung ano ba ang kasarian ko. Should I call myself as bisexual?

Ang naaalala ko kasi ay mayro'n akong girlfriend nung buhay pa ako, pero bakit parang nagkakaroon ako ngayon ng feelings sa kapwa ko lalaki?

“Hindi...hindi ko dapat magustuhan si Jden, dalawang beses ko pa lang siyang nakita at bukod pa do'n ay isa na akong multo at siya naman ay buhay. Lalong hindi ko dapat siyang magustuhan dahil pareho kaming lalaki,” sabi ko sa sarili ko habang iniiling ang ulo ko
  
Naguguluhan na talaga ako pero kailangan ko munang maalala ang lahat at si Jden lang ang makakatulong sa akin, dahil siya lang ang may kakayahang makakita sa amin. Pano ko naman siya makakausap na tulungan ako kung hindi naman niya ako pinapansin.

“Hyst!” lalong sumasakit ang ulo ko. Sana naman pansinin na niya ako sa susunod dahil hindi ko na alam kong pa'nong pagpapansin pa ang gagawin ko.

Memories With You [BxB] [Under Revision]Where stories live. Discover now