Conversation 10

410 20 0
                                    

Taehyung's Point of View

Gusto ko munang mapag-isa kaya nagmadali akong pumunta sa rooftop ng isang building. Umupo ako sa may upuan at sisimulan sanang umiyak ng may biglang umiyak na mas malakas pa sa iyak ko.

Napatingin ako sa babae. Nakaupo siya sa may dulo. Nililipad ang buhok niya at nakatalikod siya sa'kin. Mahinang naglakad ako papunta sakanya. Ang paa niya ay parang lumulutang na dahil nakaupo siya sa may dulo.

"Umm miss. Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sa babae.

"I-iwan m-mo na a-ako. W-wala n-a a-kong r-rason para mabuhay." Pagkatapos niya yong sabihin ay umiyak nanaman siya.

Bigla akong dinapuan ng nerbiyos dahil nakita ko sa baba ang mga kumpulan ng estudyanteng nakatingin sa'min at nagsisisigaw na huwag raw tumalon.

"Umm miss. Kalma lang ha? Wag kang tatalon okay?" Umupo ako pero ang harap ko ay hindi sa end ng rooftop. Like parang magkatalikod kami pero may space sa may gitna.

"Anong problema?" Tanong ko sakanya.

"N-niloko k-kasi ako ng b-boyfriend ko. M-matagal na n-niya pala akong p-pinaglalaruan. N-nakita k-ko siyang may kahalikan." Umiyak nanaman siya pero this time yumakap siya sakin. Niyakap ko naman siya at tinapik tapik ang likod.

"Sabihin mo kung sino yung lalaki. Basta huwag kang tatalon ha?" Mahinang sabi ko, sapat para marinig niya.

Naramdaman kong tumango siya. Bumitaw ako sa pagkakayakap at inalalayan siyang bumaba.

Nanatiling nakakapit siya sa uniform ko at nakasubsob ang mukha niya sa may bandang dibdib ko.

Pagkalabas namin sa building, may sumulpot na dalawang nurse at isang security guard. Bumitaw yung babae sakin sa pagkakayakap at inalalayan ko siyang pumunta sa dalawang nurse. Tinanong naman ako nung guard at isang nurse kung okay lang ba ako. Tumango nalang ako at didiretso na sana ng biglang tinawag ako nung nurse. Lumingon yung babae sakin.

"Yiren ang pangalan ko. N-nice to meet you." Mahinang sabi niya. "Taehyung, Kim Taehyung." Ngumiti ako at dumiretso na papalabas ng building.

Sinalubong naman ako ng mga tingin ng mga estudyante, t@ngin@ 'di ko siya jowa!

Sinalubong naman ako ni Jackson at Baekhyun na dala ang bag ko. "Huy okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Baekhyun. Tumango naman ako at kinuha ang bag ko.

"Anong nangyari?" Tanong naman ni Jackson. "Long story." Sagot ko nalang. Hanggang ngayon ay ninenerbyos padin ako. Sino kaya ang walang hiyang lalaking 'yun.

"Tata!" Napalingon kaming tatlo sa likod. Lumapit sa'min si Kookie, dala pa din ang bouquet of white flowers. "O-okay ka lang ba?" Naghihingalong tanong niya. "Oum." Ngumiti nalang ako pagkatapos kong sabihin iyon. Tinalikuran ko na siya dahil parang mas bumibigat ang pakiramdam ko kapag nakikita ko yung white roses na hawak-hawak niya.

"Sandali." Napatigil naman ako sa paglalakad at ng mapansin ni Jackson at Baekhyun na tumigil ako ay tumigil din sila uli sa paglalakad. Humarap ako kay Kookie.

"Umm, para sayo."

Nagulat ako ng iniabot niya sa'kin yung bouquet of white roses."Ha? A-akala ko b-ba ibibigay mo to sa-."

Ngayon ko lang narealize kung anong ibig sabihin niya. Nakaramdam ako ng mabilis na kabog sa dibdib ko. Parang tumigil ang oras. Rinig ko lang ang tibok ng puso ko at ang paghinga naming dalawa ni Kookie.

Kinuha ko iyon at nag-aalangang ngumiti. "Why? H-hindi mo ba nagustuhan?" Nag-aalalang tanong niya. White roses, sobrang ganda niyang tignan at sobrang bango pa.

"H-hindi sa g-ganun. Hindi ko lang kasi akalain n-na sakin mo ibibigay."



------
So yown, may bago nanamang character. Huhu, nakikinig ako ng song ng Everglow na Adios 🤧😘. Try to listen it, parang gusto mong sumayaw nalang ng sumayaw. Yiren from Everglow. Hindi ko alam kung mapapalitaw ko ba ang mga ginagawa kong characters. Maybe, gagawan ko to ng book 2🤧 pero di ako sure. Gshshahak

Shyly Inlove with Mr. Jeon || TAEKOOKWhere stories live. Discover now