Chapter 14: Another

1.1K 86 8
                                    

Chapter 14: Another

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagsasalita. Lahat tuloy sila'y napalingon sa akin at nag-abang sa sunod kong gagawin, nilamon tuloy ako ng kaba. Bakit parang nakasalalay na tuloy sa akin ang kaligtasan ng lahat?

"Teka, babae ka ba talaga?" Biglang puna ng isa sa akin at lumapit. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Babae ba 'yan?" Tanong ng ilan na hindi nakarinig sa sinabi ko, iyong mga malalayo sa akin.

Mabilis akong napaatras at nag-iwas ng paningin. Mahigpit akong napakapit sa espada ko, naghahanda lamang para sa pwedeng mangyari. Wala namang ibang magawa si Hunter kundi ang takang tumitig sa akin.

"Babae ka siguro 'no, nagtatago ka lang sa kapang yan! Mahina!" Sigaw ng ilan na akala'y ang issue ko doon ay ang pagtago ng aking kasarian.

"Ipakita mo nga samin ang plano mo, sige nga. Paano mo paamuin ang mga kinanginang ibon na 'yan? Isang lapit mo d'yan, malalapa ka." Hamon pa ng isa.

Nangunot ang noo ko. Babae na naman. Babae na naman ang ginagawa nilang dahilan upang huwag magtiwala at maniwala sa akin. Ang kasarian ko na naman ang ginagawa nilang basehan para masukat ang aking kalakasan at kagalingan. Ang kasarian ko na naman ang ginagawang panukat ng lahat ng nakapaligid sa akin upang husgahan ako.

Humalakhak naman iyong lalaki; "Babae nga. Bakit naman tayo magtitiwala sa babaeng 'to? Dapat nga eh' wala 'to dito! Mag-isip nalang tayo ng paraan--"

"I'm so tired of you looking down on women! I'll prove you all wrong!" Sigaw ko at marahas na inilabas ang espada ko. "Wala kayong karapatang i-underestimate ang mga kababaihan!"

Lahat sila'y lumikha ng gulat na tinig, hindi inaasahang may bitbit akong espada. Siguro ngayon ay nag-iisip-isip na silang mabuti na lamang at hindi sila lumapit kung hindi ay tatamaan sila ng espada ko. Hindi rin ako magdadalawang isip na laslasin sila kapag kumilos sila ng mali sa paningin ko, hindi na ako natatakot sa ganitong sitwasyon. Walang magagawa ang takot, palalalain lang ng takot ang sitwasyon. Ang sarili mong takot ang mismong dudurog sa'yo.

Hindi ko naman naiiwasan ang matakot, ngunit umaasta akong walang takot kahit na ang totoo'y kumakabog na ng sobra ang dibdib ko sa kaba. Kailangan kong umastang matapang para mahinto sila sa panghuhusga sa akin. At sa tingin ko'y gumana iyon dahil paglabas ko ng sandata ko'y lumayo sila, maliban na lamang kay Hunter at sa maskuladong Koyoteng lalaki na nakangisi lang sa akin.

Lahat sila'y nahinto at nag-abang sa sunod kong gagawin. Naghanda rin ng depensa kung sakaling umatake ang mga ibon.

"God, help me." Kinakabahan kong bulong sa hangin at tumitig sa mga ibon na bumubulusok patungo sa akin.

Takot na takot talaga ako nang oras na iyon, ngunit hindi ako ipinanganak para matakot, ipinanganak ako para lumaban para sa pamilya ko kaya naman pilit ko iyong ininda at binuo ang plano sa utak ko habang papalapit sa akin ang isang malaking ibon. I aimed my sword.

"H-hoy!" Aligagang sigaw ni Hunter. "Magpapakamatay ka ba? Hindi mo mahahati ang ibon na yan!"

Mas lalong nangunot ang noo ko, "bahala kayo, basta ayokong sumabog sa tren na 'to!" Sigaw ko na animo'y ikinagising ng lahat.

Mukhang kamuntikan nang makalimutan ng lahat na nasa rumaragasang tren nga pala kami na sasabog pagkalipas ng sampung minuto.

"Hoy!" Sigaw na muli ni Hunter.

Ngunit hindi ko siya pinansin, sa halip ay umamba ako ng isang malakas na pagsalubong sa ibon. Hindi na ako pwedeng umatras, mapapahiya lang lalo ang mga babae kung magiging duwag pa ako sa harap nila sa ganitong situwasyon. I need to take risks because I'm proving something, and I will take that risk because I'm determined to prove that something.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon