Unexpected 22: Double Z

160 12 1
                                    

Unexpected 22: Double Z

 

(Adam Zethe’s POV):

*sighs*

“Okay ka lang?” Tanong ni Elah sabay hawak sa kamay ko. Last class na namin ngayon.

“Meh...” Marahan akong kumawala sa pagkakahawak niya. “Okay lang ako...” Mahina kong dagdag sabay tingin sa kaliwa ko...

Si...Eve... Haayy... Miss ko na siya... Miss na miss ko na talaga siya...

Alam kong kasalanan ko kasi iniwan ko siya. Pero hindi naman ibig sabihin nun pinagpalit ko na siya diba? Sa dalawang taon naming pagsasama, imposible na para sa’king magmahal pa ng iba. Siya ang nag-iisang babaeng minahal ko... Mabait si Elah sa’kin. Sweet, laging kalmado, masayahin, palabiro...pero... Iba pa rin pag si Eve... Ibang-iba...

Kaya lang naman ako pumayag na panagutan yung anak ni Elah ay dahil ayokong madamay pa sa gulo si Eve. Andami ko na kasing threats na natatanggap noon mula sa pamilya ni Elah kaya wala akong nagawa kundi iwan ang babaeng mahal na mahal ko... Kung akala niya, hindi ako nasaktan, pwes nagkakamali siya. Maling-mali talaga siya.

Hanggang ngayon...anhirap pa rin tanggapin... Lalo na’t nakikita ko pang nagrerebelde siya. Gusto ko siyang kausapin at sasabihin ko sa kanya kung gano ko siya kamahal...pero para ano pa? Hindi ko na kayang bumalik... Wala na akong mukhang maihaharap kung sakali... Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, sisiguraduhin kong hindi ko siya iiwan... Pero wala eh, nangyari na ang nangyari... Wala na’kong magagawa kundi ang panoorin siya...

Hindi sila nagkikibuan ni Zein... May problema kaya sila?

Nakakatawa noh? Adam Zein. Halos kapareho na ng pangalan ko. Sa tingin ko gusto niya si Eve... Sabi ni Eve hindi siya sasagot ng manliligaw pag hindi ADAM yung pangalan... Pag niligawan ba niya si Eve, sasagutin kaya siya nun?

Sana hindi... Kasi ayokong magmahal siya ng iba...

Pero mali na sabihin ko yun diba? Kasi ayoko rin namang masaktan at mahirapan pa siya... Kaya sana...

Haayy... -____-

Sana maging sila ni...Zein.

Kasi parang hindi naman siya pababayaan ng koreanong yun eh...

“Uyyyy????” Inalog ako ni Elah. Natauhan ako.

“H-ha?”

“Nabibingi na you?” She chuckled. “Tara na. Bilis, magshu-shooting pa tayo diba?” Hinila niya’ko.

“O-Oo.” Sagot ko tsaka ko kinuha bag ko. “Akin na bag mo.” Binitbit ko na rin bag niya. Ang totoo niyan, manganganak na si Elah sa susunod na buwan. Medyo maliit lang yung tiyan niya kaya hindi halata. Ewan ko nga kung bakit parang di lang siya buntis. Hindi naman kasi kami magkasama sa iisang bahay. Lagi lang siyang nasa’min. Last time nga naging critical yung lagay ng baby. Naipit daw kasi kaya muntik nang malaglag. Buti na lang naagapan. Sa ngayon okay na din naman daw...

Habang naglalakad kami palabas ng classroom ay napasulyap ako kay Eve.

O.O

-__-

Hanggang ngayon ba naman? Nahuli na naman niya’ko. -__-

Iniwas ko tingin ko at sumama na’ko nang tuluyan kay Elah...

.

.

.

Teka... Ibig sabihin...

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon