Unexpected 33: Set on Fire

143 14 1
                                    

Unexpected 33: Set on Fire

A/N: Oh diba po ambilis ko na mag-UD? Haha. Wala lang gusto ko lang mag A/N. :D Keep reading 'ya! Hope you'll like this chapter! ^___^ (And yeah, our three characters in the Media Picture) :*

(Adam Zethe’s POV):

“Bakit niyo ba sila kinulong? Papasok ako dun—“

*GRAB*

“Wag ka nga munang mang-istorbo sa kanilaaaaa.” Pigil ni Melody sa’kin.

“Anung istorbo? Bakit ba!” Pinilit ko maglakad papunta sa tent pero ayaw talaga akong pakawalan ni Melody! “Sobra na ‘tong ginagawa niyo! Hindi sila okay ngayon, diba? Bitiwan mo na’ko!”

“Zethe, kelangang umamin ni Zein! Tumigil ka!” UMAMIN? NG ALIN? O.O

“Hindi pwede—“

“Wag ka kasing makuliiiiiit! Tara na, pasyal na lang tayo sa labas.” Hinila niya’ko palabas ng kuweba.

“Ayoko—“

“Punta tayo sa may tubig, tara.” Pinilit niya’ko nang pinilit hanggang sa napasama na lang ako sa kanya. -_______________-

Haish! Ryen Eve! =___=

 

 

(Adam Zein’s POV):

“Tsk!” Imik ko habang nakaupo sa tabi ni Red. Ano ba gagawin ko? Napaiyak ko pa siya. Tsh!

*Sniffs* (Her)

*Sniffs* (Her)

Hindi ko naman sinasadyang tamaan yung mukha niya eh. Ang sensitive naman niya, iyak2 agad. =/

Haaaaay ano ba dapat kong gawin? Asarrrrrr!

*GRABBBB!* (Hinawakan ko braso niya at hinila ko siya paharap sa’kin.)

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa mukha ko. Nakatitig din ako sa mukha niya.

Hinawakan ko pisngi niya at inilapit ko mukha ko dito.

“Ang pula nga.” Mahina kong sabi. Tsss, wrong move yung tubig. -___- “Sobrang sakit ba?” I stared at her eyes again. Bahagya siyang nakanganga habang sumisinghot.

Hindi siya sumagot.

*SIGGHHHH* (Ako)

Binitawan ko siya at humarap na ulit ako sa kabilang bahagi ng tent.

Nakakainis talaga.

Kakausapin ko ba siya o ano?

Ano ba kasi dapat?

Hay naku naman!

Pag kinausap ko siya wala din naman akong masasabi bukod sa PASENSYA NA. Sinigawan ko na siya at lahat tapos sinabi ko pang naiinis ako sa kanya kaya malamang galit din siya sa’kin. -______-

Paano ba’ko makikipag-ayos sa kanya?

Sasabihin ko na ba yung totoo?

Ang dahilan kung bakit ako lumalayo sa kanya?

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Onde histórias criam vida. Descubra agora