Unexpected 70: Epilogue

468 16 6
                                    

Unexpected 70: Epilogue

 

I recommend you to listen to "Right Here Waiting" (I attached the media video here. It is a female version so it's gonna give you more feels :D). If you can't play the media video, you can search it on youtube.

And also, you can check the media picture because the CAST are there. Thank you! ^_______^

(Ryen Eve's POV):

♪♪ Oceans apart day after day

And I slowly go insane... ♪♪

Napasandal ako sa pader ng kwarto ko. Nakaupo ako ngayon sa kama ko...

♪♪  I hear your voice on the line

But it doesn't stop the pain... ♪♪



Nakikinig ako sa kantang Right Here Waiting habang nakatitig sa cellphone ko. Katatapos lang ng Graduation Ceremony and celebrations namin. Nasa baba sina mama, papa, Rexodus at Virenika... May kainan mamayang gabi dito sa bahay at pupunta ang mga kaibigan ko dito.

♪♪ If I see you next to never

How can we say forever? ♪♪



Umakyat ako kasi sabi ko magbibihis muna ako at magpapahinga... Pero heto ako ngayon, nagse-senti na naman mag-isa... Pagkabukas ko kasi ng cabinet ko, nakita ko yung red rose na ibinigay ni Xeven Ash sa'kin nung nakipagkita siya sa'kin... Tapos nakakabit sa tabi nun ang kuwintas na niregalo naman ni kuya Angelo sa'kin nung Christmas... At nasa ilalim nun ang kahon kung saan nakalagay ang gown na ibinigay ni Azul sa'kin...

♪♪ Wherever you go, whatever you do

I will be right here waiting for you

Whatever it takes, or how my heart breaks

I will be right here waiting for you♪♪

Nakatitig pa rin ako sa phone ko... Hindi ko na kasi natiis. Tinext ko na sina Kuya Angelo at Xeven Ash. Nakasave kasi sa phone ko ang mga numero nila... Nagtanong lang naman ako kung okay na ba sila dun... Sabi naman kasi nila kung may kailangan ako, itetext ko lang daw sila, diba..?

♪♪ I took for granted, all the times

That I thought would last somehow♪♪

Pero isang oras na ang lumipas... Hindi pa rin sila nagrereply... Ano na ba nangyayari sa kanila..? Dapat nga masaya ako ngayon kasi graduate na'ko... Dapat masaya ako kasi magiging malaya na'ko... Pero bakit ganun? Hindi ko pa rin magawang maging masaya sa kabila ng lahat... ~,___,~

 

♪♪ I hear the laughter and taste the tears

But I can't get near you now♪♪ 

I let go of my phone... I put it beside me... Napatitig ako sa kawalan. (See Media Picture too see Ryen Eve). Para talaga sa'kin 'tong kantang 'to...

Loving a Prince [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon