FFY 16

208 11 0
                                    

Lumipas ang mga araw simula nang umalis si sean.

Ganito pala pagnapalit na sayo ang isang tao mahirap na di ka sanay na wala sya sa tabi mo. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh dapat di ko sinanay ang sarili ko na laging andyan si sean.

Ilang araw palang nung umalis sya namimiss ko na sya. Gusto ko man tumawag pero ayaw ko bigyan ng malisya ang simpleng kilos.

Kaya go with the flow lang ako.

Ayaw ko magmadali at inenjoy ko lang kung anong meron kami.

At isa pa baka masyadong aasa si andrea about sa complete family.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang may humalik sa pisngi ko.

Tiningnan ko si andrea na nagpout.

Natawa ako. "Bakit baby?."

"Gusto ko kumain mommy! Hungry!."

"Oo na. Ito na anak ipagluluto na kita. Kaya umupo kana." Tumango si andrea at umupo.

Napailing nalang ako mukhang nakuha ni andrea ang ugali ni sean.

Natawa ako at pinagluto sya ng paborito nya.

Pagkatapos ko magluto ay inilapag ko ang breakfast ni andrea sa mesa.

"Heto na. Sige kumain ka na." Tumango sya at nagsimula na ng kumain.

Habang kumakain si andrea ay biglang nagring ang phone ko.

"Kumain ka lang anak. Sasagutin ko lang ang tawag." Tumango sya habang nagpapatuloy sa pagkain. Tumayo ako.

Pumunta ako ng sala saka sinagot ang tawag.

Pagkasagot ko ay bumungad sa akin ang reklamo ni sean kaya palihim akong natawa. Kahit kailan mainipin talaga ang taong to.

"Hello?."
"Bat antagal mong sumagot?."
"Kumakain kasi kami ni andrea sa kusina."

"Talaga? Pakain mo rin ako. O pwede din ikaw ang kainin ko." Panigurado ngumisi sya.

I gasped.

"Sean!."

Humalakhak sya sa kabilang linya. "Joke lang po. Bukas na ang uwi ko. Ipagluto mo ako kahit ano basta ikaw ang nagluto."

"Wow? Demanding? Oo na po. Ingat ka. Namimiss ka ni andrea." At syempre namimiss na din kita pero nahihiya akong sabihin sa kanya.

"Ikaw di mo ako namiss?." Sabay tawa nya.

"Hindi noh! Sige na pupunta ko pa si andrea sa kusina."

Pinatay ko na ang tawag at bumalik nang kusina nakita kong tapos nang kumain si Andrea at hirap syang bumaba sa upuan.

Kaya binaba ko sya. "Salamat mommy. Sino po ang tumawag?."

Niligpit ko muna ang plato at hinugasan. Pagkatapos binalingan ko si andrea na naghihintay ng sagot.

"Si tito sean. Bukas na ang uwi nya."

Nagliwanag ang mukha ni andrea. "May pasalubong po ba ako?. Yehey!."

"Nakalimutan kong itanong anak. Pwede mo syang tawagan o itext mamaya." Tumango sya at nagpaalam na babalik sa paglalaro.

Sumunod ako sa kanya sa sala.

🔗INFINITY_DARA💍

FIGHT FOR YOU (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now