FFY 22

203 6 0
                                    

Nang makapasok kami sa restaurant.
Giniya kami ng waitress sa table namin.

Tumayo naman ang mga magulang ni sean pagkakita sa amin.

Nang makalapit kami sa table. Bumeso ang mga magulang ni Sean sa amin.

Umupo muna kami bago nagtawag ng waiter.

Dumating ang waiter at sinabi namin ang order namin sa waiter bago ito umalis.

May pinag-uusapan si Sean at ang Daddy nya. Nang biglang nagsalita ang mommy nya kaya napatingin ako sa kanya.

"So hija? Anong natapos mong kurso?." Bahagya ding lumingon si Sean sa mommy nya.

"Uhmm. HRM po."
"Okay. May business ka na bang tinayo?." Medyo kinabahan ako ang mga tanong nya.
"Plano palang po namin ni sean na magpatayo." Tumango ang mommy nya.

Napatigil sya sa pagsasalita nang dumating ang waiter na dala ang order namin.

Kumain muna kami. Alam kong itutuloy ng mommy ni sean ang mga tanong nya pagkatapos kumain.

Naramdaman ko ang kamay ni sean na pumisil at bumulong "Are you okay? If not we can go home." Tumingin ako sa kanya at ngumiti saka bumulong din.
"Okay lang. Minsan lang to." Tumango sya at ngumiti din. Saka bumalik sa pagkain at pakipag-usap sa papa nya.

Nang matapos na kami ay nag-order muna sila ng dessert. Dumating na ang dessert. Nilapag ng waiter ang dessert saka umalis. Kumain na kami ng dessert.

Tumikhim muna ang mommy ni sean bago nagsalita ulit.

"So as I was saying. Anong habol mo sa anak ko?." Nagulat ako sa tanong niya.

"P-po?" Nautal na sabi ko.

"Ano ang kailangan o habol mo sa anak ko?." I compose myself

"Wala po."

"Oh really? Impossible naman hija na wala kang habol kay sean. Pinaako muna sa kanya ang anak mo Diba?."

Tuluyang napatigil sila sean at daddy nya sa pag-uusap nila.

"Ma."
"Hon."

Banta nila pero di nagpatinag ang mommy ni sean.

"Hindi ka ba nahihiya hija? Sean is our heir tapos sayo lang babagsak. Pera ba ang kailangan mo hija? I can gave you."

"Hindi ko po kailangan ng pera. Kung nyan ang iniisip nyo."

Tumayo ako. "Excuse me. Punta lang ako ng restroom."

"Samahan na kita." Ngumiti ako at umiling kay sean.
"Di na. Hindi rin naman ako magtatagal." Tumango sya at umupo ulit.

Naglakad na ako papuntang restroom.
nagtanong muna ako kung saan ang restroom bago tuluyang nakita ito.

Pumasok na ako sa loob at umiyak.

Akala ko magiging okay at handa ako sa mga sasabihin ng mama ni sean pero di pala kasi akala nya ang habol ko kay sean ay pera. Masakit oo at inungkat nya ang tungkol sa anak ko. Kaya kailangan ko maging matatag at matibay para kay andrea.

Lumabas ako sa cubicle at tumingin sa salamin para ayusin ang sarili at punasan ang mga luha.

"Kaya mo 'to shel para kay andrea." Bulong ko sa sarili ko saka kinuha ang makeup at concealer. Nang maayos ang itsura ko binuksan ko na ang pintuan ng restroom saka lumabas.

Naglalakad na ako pabalik sa table natigilan ako sa nakita ko sa table namin parang nagkasagutan ata sila Sean.

Agad akong lumapit kay sean. Sinalubong naman ako ni sean.

"Are you okay now?." Bulong nya
"Oo." Bulong ko din.

Umupo ulit kami ni sean. Nang magsalita ang mommy niya.

"Ano? Masaya ka hija? Isang disgrasyada ang sisira sa pamilya namin."

Napatingin ako sa kanya.

Napatigil ulit sina Sean.

"Oh? Diba isang disgrasyada yun? Kasi high school ka pa noong buntis ka? Grabe sana magkaroon ka naman ng delikadisa hija. Maninira ka pa ng pamilya."

Tumayo na sina sean.
Hindi nakapagpigil. Tumayo na din ako.

"Pasensya na po kung nasira ko man ang pamilya nyo. Sinabihan ko na po sya na di pa ako handa at nirespeto nya po yun. Kusa po tinuring ni sean si andrea bilang tunay anak. Di ko po sya pinilit. Sya mismo po nagdesisyo. At nagmamahalan kami. Sana po marunong din po kayong rumespeto ng nararamdaman at alamin ang lahat ng rason bago manghusga ng kapwa."

"Tingnan mo yan! Sean sinasagot ako ng babaeng yan!."

"Hindi po kita sinasagot. Sinabi ko po lang ang saloobin ko at nararamdaman ko. Wag nyo po idamay ang inosenteng bata dito."

"Ma. Mahal ko sya at handa akong maghintay para sa kanya. Pa,alis na kami." Tumango ang papa at ngumiti.

"Sean! Yan ba ang natutunan mo at tinuruan ka nya bastusin ang nanay mo?!."

Lumingon si Sean.

"Hindi ma. Ang Tinuro nya sa akin ay magmahal at marunong lumaban saka umintindi. Pasensya na pero ipapaglaban ko si shel kahit na anong mangyari. Ipaglalaban ko sya kahit sainyo ma. Alis na kami."

Lumabas na kami ng restaurant. Nagpunta ng parking lot.

"Okay lang ka ba?." Tumango ako at tumingin sa kanya.
"Pasensya ka na kung nasira ko man ang pamilya mo."

"Okay lang yun. Saka proud ako sayo kanina. Ang tapang at palaban talaga ng baby ko."

Napailing nalang ako. Sinabihan na syang pumunta kami ng mall para sa pasalubong kay andrea.

🎯UNDENIABLYMARIY🎯

FIGHT FOR YOU (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now