FFY 17

213 8 0
                                    

       A/N: Salamat po sa pagbabasa ng aking storya.Akala ko nung una walang magbabasa pero thank you sa mga silent readers. Sensya na kung medyo matagal ang mga updates kasi medyo busy din. Pero thank you parin. Enjoy! 💚

🔆🔆🔆

Simula no'ng umuwi si sean galing sa isang seminar.

Mas naging maalaga at sweet sya pagdating sa amin. Mukhang may magandang nangyari sa seminar.

Namula pa ang pisngi ko nang hinalikan nya ako sa noo. Di ko inaasahan yun.

Kaya nagulat ako sa ginawa nya.

After nun nakipaglaro na sya kay andrea na tuwang-tuwa sa mga pasalubong.

Sabi ni sean meron din daw ako pero mamaya na nya ibibigay yun.

Napailing nalang ako sa kaartehan nya.
Wala namang pinagkaiba ang mamaya at ngayon kung ibibigay pero di ko na sya pinilit kasi ayaw din nya magpatalo.

Nagluluto ako ngayon kasi nagrequest sila at gutom na daw sila kaya pinagluto sila nga mga paborito nila.

Pagkatapos magluto ay tinawag ko na sila.

Agad silang lumapit at umupo na.

Nakitang ganado sila habang kumakain.
Napailing ako nung muntik silang mabulunan dahil sa bilis nilang pagsubo.

Para walang nguya nguya kung sumubo ng pagkain.

"Dahan dahan kasi sa pagsubo." Habang inabutan sila nang tubig. Tinanggap nila ito at ininom.

Saka bumalik sa pagkain pero ngayon dahan dahan na ang kanilang pagsubo.

Palihim ako napangiti. Umiling saka nagpagtuloy sa pagkain.

Nang matapos kumain. Nagvolunteer si sean na sya ang maghuhugas ng pinggan.

Kaya di ko na sya pinigilan. Sinamahan ko nalang si andrea sa sala na naglalaro.

Umupo ako sa may sofa. Pinanood ko lang si andrea habang naglalaro. Nang may tumabi sa akin. Di na ako nag-abalang tumingin kung sino.

Sa akbay palang ni sean. Napangisi ako ng palihim at umiling.

Humilig sya sa akin at bumulong "care to share your penny thoughts of yours hmm?." Shit! Sabay halik sa may tenga ko.

Kinalma ko ang sarili ko. "Wala." Ngumuso sya kaya palihim akong ngumiti.

Natawa ako at nakiliti sa ginawa nya kaya pinalo ko sya. Tiningnan ko din si andrea na nakatingin na pala sa amin. Nag-iinit ang pisngi ko. Tumikhim ako at umayos ng upo.

Samantalang si sean nakaakbay parin at natatawa sya sa naging reaksyon ko.

Naman kasi ang harot nitong si sean sa harap ni andrea. Lihim akong umiling.

INFINITY_DARA💍

FIGHT FOR YOU (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now