FFY 25

223 5 0
                                    

A/N : Thank you for reading and waiting. Few chapters to go before epilogue. Enjoy po!💕 Stay Safe everyone

✍🏻✍🏻✍🏻

Ano nga ba ang nagagawa ng panghuhusga sa kapwa?

May mapapala ba ang paghushusga sa pinagdadaan at nararamdaman ng tao para maibsan ang sakit? Hindi diba kasi di naman nila pakiramdam na mahusgahan.

Naranasan ko yan nung panahon na saktan saka mga kaibigan ko na inaasahan andyan lagi sa tabi ko para protekhan ako.

Pero mas nasaktan ako sa ginawa nila they're slowly turning their back at me without explanation sa side ko.

I tried to explain but they're not listening to my side but instead mas pinaniwalaan nila ang side ng ex ko.

Nagbibingihan sila sa akin. Pinagkakalat na isang desperada.

That's why maswerte parin ako dahil nandyan si chelsea at pamilya ko.

I told them what happened to me. Akala ko huhusgahan din nila ako pero instead they told me kung bakit di ko agad sinabi sa kanila.

Natakot kasi ako sa magiging reaksyon nila.

I just sigh habang nagbabalik tanaw sa mga nangyari sa akin.

Kaya malaking pasasalamat ko na pinakinggan nila ang paliwanag ko without saying anything after ko ireveal ang pinagdaanan ko.

Nagsiiyakan kami pagkatapos nung revealation.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang may tumapik sa akin. Napalingon ako nakita nailing si sean.

Ngumuso ako "bakit?."
"Space out ka nanaman."

"Nagbaliktanaw lang ako."

"You can share it with me. I'm your partner and soon to be husband." Sabay ngisi nya.

Napailing ako.

"Di ko kasi akalain na makakakilala ako nang tulad mo walang panghuhusga." Naiiyak ako

"Kasi dati may mga tinuring akong kaibigan akala ko they will stay by my side pero hindi. Nung nalaman nila ang nangyari sa akin. Tinalikuran nila ako nang hindi pinapakinggan. Mula nung araw na yun nalaman ko nakikisampatya sila sa ex ko na pinagbintangan ako na cheater. Alam mo yung masakit? na ikakasal na pala ang ex ko. Wala akong kaalam alam na ikakasal na pala sya ilang beses syang nakipagkita sa akin pero niminsan di nya yun binangit sa akin. Nalaman ko din na buntis ako kay andrea sinabi ko sa kanya. Pero di nya pinanindigan at di pinagutan pagkatapos nun pinutol na nya ang communication namin. Kaya sabi ko sa sarili hindi ko pababayaan ang anak palalakihin ko sya ng mabuti. Then you came." Nagpunas ako nang luha na di ko namalayan na tumulo pala. I waited for his reaction medyo natagalan sya sa pagsagot.

Kinabahan ako.

"Proud ako sayo nakayanan mo ang lahat ng pagsubok bago ako dumating."

Hinalikan nya ako sa noo at yinakap din "I'm so proud and mahal na mahal kita walang bakit at walang pero."

Yumakap din ako pabalik.

✍🏻✍🏻✍🏻
UNDENIABLYMARIYA

FIGHT FOR YOU (COMPLETED) ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora