FFY 24

210 6 0
                                    

A/N : Thank you for waiting. Enjoy 💕

Nagpapasalamat ako na lagi nandyan si sean sa tabi ko.

Nitong mga nakaraang araw muli kaming kinausap ng mommy niya katulad nung nakaraang pagkikita namin.

Tutol parin sya pero nirespeto nya ang gusto ni sean kaya tahimik na lumabas ang mommy niya ng coffee shop.

Napabuntong hininga kami.

Alam ko na darating ang araw na matatanggap nya kami o ako.

Napangiti ako kahit papaano may tatayong ama para kay andrea kadugo man o hindi.

Ang importante maranasan nya ang kumpletong pamilya habang bata pa sya.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay walang sakit at lungkot sa isang pangyayari.

Parte yun sa isang relasyon man o pamilya pag di pagkakaunawaan.

Yung iba ginagawa nilang lahat upang lumaban kahit yung mga malalapit sa kanila unti unti nang sumusuko.

Yung iba nawawalan na ng pag-asang lumaban kasi alam nilang talo na sila.

Napahinto ako sa pag-iisip nang may tumabi sa akin.

Lumingon ako sa may likod i saw sean at andrea na humagikhik.

Napakunot noo ko. Nagpeace sign ang dalawa sa akin. I just sigh

Napailing nalang ako at saka lumapit sa kanila.

"Ano naman pinagtatawanan? Ako ba yang pinagtatawanan nyo?."

"Masyado kang seryuso po mommy kanina ka pa namin tinawag para kumain."

"Busog pa ako. kinain ko yung tinira nyo kanina. Sayang eh."

Naiiling silang bumalik sa panonood.

Habang ako nanood na din.

Di nagtagal kalaunan dinalaw na ako ng antok.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. "Don't stay up late." Tumango sila.

habang ako naglalakad na papuntang kwarto at pumasok na saka humiga at nagkumot.

Di ko alam kung anong oras ako nakatulog basta tinangay na ako ng antok.

Habang mahimbing natutulog ako naramdaman ko na umuga ang kama.

Its Either andrea o sean.

Di ko na sinubukang magmulat.

Kaya kinabukasan maaga din ako nagising.

Napatingin ako sa tabi ko. Nailing na parehas silang andito na nagsiksikan.

Plano ko bumili ng isa pang kama para kahit papaano di kailangan magsiksikan.

Bumangon na ako saka lumabas ng kwarto para magluto ng agahan.

Nagluto ako ng pritong itlog. nagsaing na din ako ng kanin.

Pagkatapos magluto.

Hinanda ko na ang mga plato at hinanda na din ang baon ni andrea para sa school nya.

Nang matapos ako sa pagprepare.

Pinuntahan ko sila sa kwarto at napailing ako nang makitang tulog pa sila.

Ginising ko na sila.

"sean gising na malalate ka." Nagmulat na si sean kaya ginising ko naman si andrea.

"andrea gising na. Malalate ka sa school." Nagmulat na rin ng mata si andrea.

Saka sila bumangon at pumasok ng banyo.

Iniayos ko muna ang higaan bago lumabas ng kwarto.

UNDENIABLYMARIYA

FIGHT FOR YOU (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now