Chapter Eleven

140 9 3
                                    


Temptine: Good Evening everyone, Happy Valentines day! Here's an update for ya'll!

"MOMMY, sino 'yan?" Anang boses ni Peña mula sa kabilang linya.

"Tita-Mommy mo, kausapin mo dali!"

"Ayaw ko," singhal pa nito na batid ni Prima na tumakbo na paalis dahil sa mga yabag na narinig.

Hindi naman tumigil si Patricia. "Peña, bumalik ka rito!"

"'Wag mo nang pilit ang bata, Patricia. Hindi ko rin naman siya gustong makausap," mataray niyang saway sa kausap.

"Hi, Tita-Mommy, sabi ni Mommy mag-hi raw ako." Halata sa boses ng bata ang pagkayamot at kung nasa harap niya lamang ito ay nakikinita na niya ang pag-ikot ng mga mata.

Mataray. Mana sa kaniya.

"Oh, hello, bata, kung ayaw mo sa akin, e 'di 'wag. Ayaw ko rin sa 'yo!"

Natahimik ang kabilang linya.  Tiningnan ni Prima kung naka-end na ang call ngunit hindi naman. Mukhang naka-mute ang kabilang linya.

Wala na yatang nais magsalita pa, naisip ni Prima. Akma namang papatayin na niya ang tawag nang magsalitang muli si Patricia.

"Prima, sandali, hanggang kailan ka pala diyan?"

"Ano ba sa one month ang 'di mo maintindihan? Pabobohan ba tayo rito, Patricia?"

"Uh, yeah, right. I'm sorry."

Nangunot naman ang noo ni Prima nang maalala ang insidente noong nakaraan.

"No, 'wag kang mag-sorry. Umamin ka nga, Patricia, may dinadala ka ba riyan sa bahay?"

"What do you mean?"

"Ano'ng what do I mean? Alam mo ang tinutukoy ko, Patricia." 

"W-Wala 'yon, tubero lang."

Umangat ang kaniyang kilay. "Tuberong englishero?"

"Laking ibang bansa kasi siya. Uh, Prima, baba ko na ito. Peña, mag-goodbye ka na kay Tita-Mommy mo."

"Bye, Tita-Mommy," wala sa mood nitong pamamaalam.

"Say I love you," said Patricia.

Hindi man niya nakikita, ramdam niyang ayaw sabihin ng bata 'yon dahil sa mga himutok na naririnig mula sa kabilang linya.

Ngunit mukhang hindi nagpatinag si Patricia dahil patuloy pa rin itong nangungumbinsi sa bata.

And that's when Peña said the three words that Prima didn't notice made her heart flutter.

"I love you..."

Hindi niya alam kung dahil ba sa pagka-miss niya lang dito o, pati na rin siguro sa pag-iisip na maaaring mas lumayo ang loob nito sa kaniya kaya sinagot ni Prima ang mgs katagang iyon gamit ang apat na salita.

"I love you, too..."

Natigilan siya nang ma-realize ang ginawa. Nababahalang napatingin siya sa cellphone at agad nakahimga ng maluwag nang makitang naka-end na ang call.

Mabuti naman at na-end na ang call bago pa niya nasabi 'yon.

"Things getting better with Ben?"

Kamuntikan na siyang mapatalon nang marinig ang boses ni Kite mula sa kaniyang likuran.

Kunot ang noong hinarap niya ito. "Ano'ng meron kay Ben?"

Tinuro nito ang cellphone. "You said the three-word-phrase, nagd-date na kayo?"

Tempting the Truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now