Chapter Twenty-One

88 5 0
                                    


Warning: A very short update


Hindi siya gumalaw. Nakatayo na lamang siya roon habang nakamasid sa dalawa. Napakagandang pagmasdan ang senaryo na sa kaniyang puso harapan, tila ba isang larawan na hindi kinakailangan ng salita upang ipaalam kung ano ang nais na iparating ng litrato dahil kitang-kita ng kaniyang mga mata ang buong-buong pagmamahalan ng dalawa para sa isa't-isa.

May parte sa puso't isip ni Kite na ihakbang ang paa palapit sa mga ito at samahan. Pero muling sumagi sa isip niya ang tanong, "Handa na nga ba siyang magpaka-ama? Handa na nga ba siyang tandaan na hindi lang sa sarili at resto iikot ang mundo niya?" bahagya tuloy na napaatras ang kaniyang mga paa. Akma namang tatalikod siya nang may mabigat na palad na dumapo sa kaniyang pisngi. Agad siyang napaharap sa babaeng may sala.

Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito habang dad sa kaniya. Taas-baba rin ang dibdib dahil sa matinding pag-hinga. Dinuro siya nito.

"Ikaw," bungad nito. "Subukan mo lang tumapak sa loob ng pamamahay namin at ilayo sa akin si Peña, magsisisi ka talaga. Tandaan mo, hindi mo siya anak!"

Halos malukot na ang kanyang mukha sa pagkakangunot ng noo niya dahil sa kaguluhan. "Miss, ano ba'ng—"

"Mommy Patri!" Napalingin sila ng sabay sa pinanggagalingan ng boses. Galing iyon sa isang magandang bata na sa batid niyang hindi nalalayo sa walong gulang ang edad. The girl was a spitting image of Prima, di bale na lamang sa tsokolate nitong mga mata. Mga matang kaparehong-kapareho ng kaniya.

Natulos sa kinatatayuan si Kite, he felt like something robbed his breath as he was staring at Prima and the child walk towards them. The smile on their faces were genuine, so genuine that it made him smile too. Nawala na lamang ang mga ngiti nito nang makita siya. May bahid ng gulat ang mukha ni Prima pagkakita sa kaniya.

"Kite, ano'ng— ano'ng ginagawa mo rito?" Si Prima.

"Sino po siya?" tanong pa ng bata.

Hindi namalayan ni Kitekung ano'ng ginagawa niya. Basta ang tangi niya lang alam ay tila nasa alapaap siya at hindi makapag-isip ng maayos, hinahayaan ang sariling pusong mag-desisyon ng narsrapat niyang gawin ng mga oras na iyon. Lumuhod siya sa harap ng bata, sinapo ang mukha at hinalikan ito sa noo saka mahigpit na niyakap.

Luha.

Pumatak ang mga luha mula sa mga mata ni Kite nang maramdaman niya sa kaniyang bisig ang anak. Napapikit siya, dinadama ang mainit na paghaplos na naramdaman sa kaniyang puso nang nagbalik ng yakap sa kaniya ng bata.

Hindi nagtagal ang sandaling 'yon nang naramdaman niyang itulak siya palayo nito. Mahina siyang natawa mang makita sa mukha ng bata ang pagtatakha. Malamang ay iniisip kung sino siya at bakit niya ito niyakap.

"Sino siya? Siya ba ang Daddy ko?" muli nitong tanong a na binigyan ng pansin si Prima sa gilid. Gulat na gulat ang babae pagkakita sa kaniya. Para bang nakakita ito ng multo at hindi makapag-salita dahil sa shock na nadarama.

"Boss ko—"

"Oo, ako ang dad mo..."

Pareho silang natigilan ni Prima at nagkatinginan nang maging magkaiba ang kanilang mga sagot. Ngunit mukhang ang kanyang sagot lamang ang pinakinggan ni ng bata dahil tumakbo ito sa kaniya at muli silang nagyakapan. But this time, it was the little girl who initiated the hug. It warmed his heart. Parang gusto niya ulit na maluha sa mga sandaling iyon.

Ang anak ko.

Bumuga siya ng hininga nang bumitaw na sila sa pagyayakapan. May masaya't masagana namang ngiting nakapaskil sa mukha ng bata habang tinititigan siya. Napaka-cute nito, kompleto ang set ng mga mgipin nito kaya hindi talaga nahihiya ang batang ipakita ang mga 'yon. Bukod pa, napaka-charming ng ngiti nito at hindi nakakasawang pagmasdan.

Tempting the Truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now