Teaser

619 22 9
                                    


Malamig ang gabi, punong-puno ng mga nagkakasiyahang tao ang SoLit club, isa na rin doon si Prima Leoson.

Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang good high school girl na si Prima ay may wild side lalo pa't wala na sa katinuan dahil sa tulong ng alcohol? Nasa gitna na ito ng dance floor at nakikisabay sa paggalaw sa erotikong musika na pumupuno ng club.

Taas-taas ang hawak na cup, giniling-giling niya ang katawan sa matigas na bulto sa kaniyang likuran. Mahina siyang napahalinhing nang magtama ang mga balat nila ng kung sino mang nasa kaniyang likod. Hindi nagtagal, pumulupot ang kamay ng taong iyon sa kaniyang beywang at sinabayan siya sa paggiling.

Nakakapang-init, nakakabaliw lalo na nang maramdaman niya sa kaniyang pangupo ang namumukol na harapan ng kasayaw. Hindi niya pinigilan ang sarili, mas idiniin niya pa ang katawan dito at pinakiramdaman kung gaano ito katigas.

"Tangina," mahina nitong pag-ungol dahil sa kalikutan niya. Tumaas naman ang kamay nito patungo sa ilalim ng kaniyang dibdib, jusko! Ano ba itong meron sa ininom niya at tila ba nawawala siya sa sarili. Natagpuan na lang niya ang sarili na hinaharap ang lalaki saka ito siniil ng mainit na halik sa labi.

Hindi pa siya nakuntento, pinulupot pa niya ang mga kamay sa batok nito at mas diniinan ang kanilang mga katawan, kasabay no'n ay ang paglalim ng kanilang halikan. Umabot na iyon sa puntong, ang paghahalikan na lamang nila umiikot ang kanilang gabi. Walang bumibitaw, mas lalo lamang humihigpit. Parang isang napakahalagang pangangailangan ang naroon sa labi ng bawat isa at hindi nila iyon maitigil.

Tumigil sila sa paghahalikan upang makakuha ng hininga, ngunit si Prima ay mas lalo lang nawalan ng hininga nang makita ang itsura ng lalaki. Mali, nawalan siya ng hininga dahil ngayon lang niya nakitang may itsura ito! Paunti-unti, nagiging malabo ang bawat sandali. May humila sa lalaki at malakas na umigkas ang kamao upang bulyawan ito ng isang malakas na sapak. Hanggang doon na lamang at mabilis siyang napabangon.

Nasapo ni Prima ang ulo. Inaalala ang mga tira-tirang impormasyon sa panaginip. Natigilan siya at nakaramdam ng kalamigan sa likod nang maalala ang lalaki. Ilang beses na siyang nanaginip no'n ngunit hanggang sa paghahalikan lang nila ang kaniyang nakikita. Pero ano ang nangyari at kitang-kita niya sa panaginip ang bawat detalye pati na rin ang bagay na mahalaga, ang itsura nito?

Binibigyan nga siguro siya ng tadhana ng dahilan upang sugpuin ang katanungan na matagal nang nananatili sa kaniyang isipan. Tumayo si Prima sa kama na may confident, nakatatak sa isipan ang gagawin pero agad din namang napangiwi nang maramdaman ang pagkabasa ng panty. Bago niya muna alamin ang katotohanan, may kailangan muna siyang labhan.

"Bakit naman kasi ang sarap ng halik no'n, eh, kahit sa panginip ramdam ko!" 

Tempting the Truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now