Chapter Twenty-Five

79 6 1
                                    


Temptine: Sorry, medyo natagalan. Was so busy these days. Hope magustuhan niyo ang update for today!

Napili nilang mag-pamilya na kumain sa isang sikat fast food matapos ang kanilang nakakapagod ngunit napakasayang family bonding sa fun house.

“Ito oh, chickenjoy.” Binigay ni Kite kay Prima ang thigh part, inuungot kasi nitong iyon ang gusto. Ngunit mukhang hindi pa ito nakuntento dahil  nakatingin pa rin ito sa kaniyang plato.

Mabigat na napabuntong-hininga si Kite. “Fine,” mahina niyang bulong saka binalatan ang fried chicken para ibigay sa nobya.

Ganitong-ganito sila palagi ni Prima sa tuwing kumakain sa mga fast foods, wala naman siyang magawa dahil hindi niya kayang tanggihan ajg pagiging malambing ng babae kapag nanghihingi ito. Hindi nga lang ito magawa ang pagiging malambing ngayon dahil kasama nila si Peña.

“Kanina pala, Prima, habang hinihiram ko 'yong phone mo para ma-check ang e-mails ko, may nakita ako.” Paninimula ni Kite ng usapan.

Natigil ito sa pagsubo. “A-Ano 'yon?”

“Hindi mo nasabi sa akin, nag-apply ka pala sa tutorship program?”

Parang nakahinga ng maluwag si Prima nsng marinig ang sinabi niya. Hindi na pinagtuunan ng pansin ni Kite ang kilos nitong iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain ng spicy na fried chicken na in-order niya.

Iwinagayway ni Kite sa harap ni Prima ang pulang maliit na bandilang kasama ng chicken bilang palantadaan na maanghang upang gisingin ito sa pagiging maputla.

“Okay ka lang ba, Darling?”

Napailang kurap pa ang nobya bago nakasagot. “Yeah, okay na okay lang.”

“Bakit mo nga pala tinurn down? Sinabi ko na sa ‘yo ‘di ba? You don’t have to worry about Peña, kaya ko siyang panggastusan. Ibigay mo na lang sa sarili mo itong panahon na ito para sa ‘yo.”

“Hindi naman mahalaga, saka hindi pa ako sure, eh.”

Kumunot ang noo niya. “What? Ano'ng hindi mahalaga? Dream future ng girlfriend ko 'yan, bakit naman hindi?”

Pigil ang ngiti nito na sinangga ang braso niya bago muling sumubo ng kinakain.

“Bakit hindi po sumama si Tito-Daddy Benison sa atin kanina?” puno ng kuryosidad na tanong sa kanila ni Peña.

Nagkatinginan sila ni Kite. Walang lumalabas na salita sa kanilang mga bibig, hindi pa handang magsinungaling sa anak.

“Uhm… may gagawin kasi siya.” Si Prima.

Tumango-tango na lang si Peña na puno na ang bibig ng sauce galing sa spaghetti. Hindi lubos maisip ni Kite kung bakit siya nakakaramdam ng makirot na pakiramdam sa kaniyang puso sa pagkarinig lang ng anak na hinahanap ang ibang ama nito samantalang siya'y nasa tabi lang naman nito.

'Di bale, paglaki naman nito ay maiintindihan na nito ang lahat. Hindi na niya kailangan pang masaktan ng ganito. Ang kailangan niya lang gawin ay hindi maging absent parent. Nakatatak na sa isip niya na dapat palaging nasa tabi nito lalo na kung may kailangan.

“Prima, kailangan mong kunin 'yong classes na 'yon,” bulong niya pa rito nang nasa pagkain na ang buong atensyon ng anak.

“Kite, sinabi ko na sa 'yo. Pag-iisipan ko, hindi pa rin ako sure kung kukunin ko. Kahit pa sponsor kita.”

Para namang lumaylay ang balikat niya sa narinig. Pero nirerespeto naman niya ang desisyon ni Prima. Hindi naman niya kasi pwedeng ipagpilitan ang ayaw nito, at naiintindihan niya rin kung saan ito nanggaling.

Tempting the Truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now