Chapter Four

165 11 12
                                    


HER forehead creased upon hearing what said. Well, that was easy. She thought that it would be harder since the qualifications they're looking for did not meet what she has.

Tumikhim siya nang makitang nakatulala pa rin ang lalaking nasa harapan. It's like his under on some spell. Agad namang napakurap-kurap ang lalaki sa ginawa niya at umayos ng upo.

"Sorry, as much as I don't want to disappoint you but... I didn't mean that. Please have a seat." He offered her the visitor's chair.

Hindi siya agad umupo. What does he mean he didn't mean it?! She screamed inwardly. Naiinis siya, magsasabi-sabi ito at ngayon ay babawiin! Nakakairita ang inconsistency! Akala niya jackpot na, bakit naging bato pa?

She gracefully sat on the visitor's chair with a sly smile across her face even though she could feel a volcano erupting inside her head. She heaves a calming sigh. Kite was staring at her as she did that. Counting her moves.

"Where's your resume?" She took out the folder inside her handbag and placed it in front of his table.

Kite took the folder, looking at her, never leaving her sight. Suddenly she feels anxious by his melting gaze. She flipped her hair softly and cleared her throat and leaned back at the back of the chair to relax her tensioned body. Bumawi ng tingin si Kite at ibinaba ang tingin sa folder na hawak. Matagal-tagal itong nagbasa ng nilalaman no'n bago nagsalita.

"Walang karanasan bilang waiter... kahit pag-aaral man lang tungkol doon, wala rin. You stopped attending school when you were in high school... Why should we hire you, then?"

She bends forward towards the table and uses her hand that's on the table to support her head that was put above it. She flashes a smile when Kite looks intrigued.

"Why wouldn't you?" Idiniin niya ang dibdib sa lamesa upang mas lumabas ang kaniyang cleavage habang tila nagpapaawa sa kaharap.

Napangisi siya nang mapansing bumaba ang tingin nito sa kaniyang dibdib. Napalunok ito. Umangat muli ang tingin nito sa kaniyang mukha saka mabilis na tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Look, sorry Miss, but we need someone who can do this job properly. Bago lang ang restaurant namin, kakabukas lang at kailangan ng mga taong maaasahan. Not to offend you but I don't think you're qualified for this position." prangka nitong sabi kahit maya't-mayang tinatapunan ng tingin ang kaniyang hinaharap.

"Ouch," tila walang emosyong sabi niya. "Well, sayang naman. Gusto ko sanang mag-trabaho rito, sayang talaga." Pinalumbay niya ang kaniyang boses pati na rin ang ekspresyon ng mukha. Malay ba niyang maawa ito sa kaniya at pagbigyan siya.

Kite looked at her and squinted his eyes before looking down on her folder again. "Well, can you clean though?" he asked without throwing a glance at her.

Oh, no. He's trying to offer her another job. Pero ayaw niya namang mag-janitor. Oo nga't kaya niyang maglinis ng kaniyang tinitirhan noong nasa Manila pa siya pero... ang ganito kalapad at kalaki na pasilyo? Mamatay na lang siya kalahati pa lang ang nalinisan niya.

Sa kaayawang gawin ang trabahong gusto nitong ibigay sa kaniya ay ginamit niya ang four percent ng kaniyang alindog.

Mas idinikit niya ang kaniyang katawan sa lamesa nito at dumantay sa itaas ang kaniyang dibdib. She flashes a flirtatious smile and made her eyes more dilated.

"Sigurado ka bang hindi mo ibibigay sa akin ang trabaho bilang waitress? Magaling ako..." she trailed.

Sinara nito ang folder at umayos ng upo. "Miss Prima..." Hindi na narinig ni Prima ang iba pang sinabi ni Kite, na-stuck siya sa pagsambit nito ng kaniyang pangalan. Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti sa paraan ng pagbanggit nito ng kaniyang pangalan.

Tempting the Truth (COMPLETED)Where stories live. Discover now