Chapter 2

11.7K 149 1
                                    

C H A P T E R  0 2

AUDRIE FESTEJO

"Kahit ano na lang sa akin, bahala ka na. Pero libre, ha? Sabi mo iyan wala nang bawian!" sabi ko sabay humagikgik.

Napakamot siya ng kaniyang ulo. "Oo na nga, paulit-ulit tayo? Baka bawiin ko pa," aniya naman habang malawak na nakangiti.

I pouted as I looked at him apologetically.

He burst into laughter. "Ang pangit mong mag-pout, charowt! Anyway, I gotta go, mahaba ang pila, e!" sabi niya at dali-daling naglakad papunta sa pila.

Nang makaalis siya ay agad akong umupo at inilabas ang phone ko. Masyadong maingay rito sa cafeteria, at maraming mga tao, though this cafeteria is just for the Engineering Department.

Inaliw ko lang ang sarili sa pag-scroll sa newsfeed ko sa facebook nang biglang may narinig akong bulungan.

"Sino iyon? Iyong Freshman na guwapo sa pila. Iyong maputi tapos matangkad," narinig kong sabi ng babae sa kabilang table.

Ibinaling ko ang tingin sa may pila at naningkit ang mata ko nang makumpirmang si Haven ang tinutukoy nila. But a smirked immediately drawn to my lips when I realized that Haven is with me.

"Yes, that is Haven, if I'm not mistaken. He's my classmate," the other girl said proudly that made me roll my eyes.

"Well, classmate ka lang, ako kaibigan niya," I whispered bago ako lihim na tumawa.

"Pakilala mo naman ako sa kaniya, cyst! Mukhang bagay kami," malanding sabi ng babae kaya napatingin agad ako sa kaniya.

I arched my brows at her. The audacity of this girl to say those words, like hello?

"Let my powers try," hagikgik ng babae kaya napangiwi na lang ako.

Well, magaganda naman sila. Fashionable, mukhang rich kids—no, hindi na pala sila bata. Pero ang kapal nila sa part na sabihin iyon, ha? P'wede naman silang pumila sa likod ko, ako kaya ang nauna, hello?

Nang biglang napansin kong nakatingin na ang dalawang babae sa gawi ko habang malawak silang nakangiti. Kaya agad na nagsalubong ang mga kilay ko.

"Hey, Audrie, smile ka naman sa kanila." Agad akong napatingin sa likod ko nang marinig ang boses ni Haven.

"Andiyan ka na pala, ang bilis ha?" gulat kong sabi bago ibaling ang tingin sa pila at kusang tumaas ang kilay ko nang mapansing nand'on pa rin ang mga naunang pumila sa kaniya.

"Bakit parang may mali? Very important person?" panunukso ko sa kaniya.

Napakamot siya ng ulo at hilaw na napangiti. Ako naman si gag* napapanganga na lang sa kaniya. Ang hilig niyang magkamot ng ulo, tapos cuteness overload kapag ngumingiti siya. One of the cutest smile ever. Gosh! I want to shout and jump right now. Kinikilig ako!

"Pina-una nila ako, but I insisted na mauna sila, ha? Kasi sila naman talaga ang nasa unahan. Pero wala, e guwapo ang kaibigan mo," he proudly said.

"Tse! Pero okay na rin iyan, gutom na gutom na talaga ako, e," sabi ko sabay tingin sa pagkaing binili niya.

"What the . . . " halos pasigaw ko sabi. "It's my favourite, Haven. Thanks, but how did you know? I love sisig, thank you!" I said with a wide smile on my lips. "Haven, ha? Iisipin ko talagang stalker kita," I teased him.

"Nah? Asa ka naman, itong g'wapo kong ito?" mahangin niyang sabi. Ngumisi pa siya nang nakakabaliw kaya hindi ko napigilang matawa.

"Oo na, inaamin ko nang guwapo ka, pero p'wede bang umupo ka na lang diyan. Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga babae. Para kang tanga," sabi ko sabay subo sa pagkaing binili niya.

Napapikit ako sa sarap habang ngi-nu-nguya ang pagkain. Hindi ko alam pero si Sir Damon agad ang nag-flash sa isip ko habang ngumunguyang nakapikit. Kaya halos mapakagat labi na rin ako dahil sa pag-i-imagine sa kaniya na nakahubad sa harap ko habang sumasayaw.

Nang biglang may humampas sa akin sa braso ko. Dahil sa gulat ay halos mabilaukan ako, pero mabuti na langnalunok ko pa rin ito nang maayos.

"A-Ano ba," angal ko sabay kuha ng tubig sa lamesa at inisang lagok ito.

"Hindi ka naman siguro nag-de-day dreaming 'no? Kulang ka talaga sa tulog, pati rito pagnanasahan mo ako," tawang-tawa niyang sabi bago sumubo ng kaniyang pagkain.

"Alam mo, ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka. Hindi porke't sobrang guwapo mo, e pinagnanasahan na kita. Hindi ba p'wedeng ibang lalaki?"I rolled my eyes while wiping my mouth with the tissue.

Naningkit ang mata niya dahil sa sinabi ko. "S-Sino? Spill, baka matulungan kita. Sa guwapo kong ito, baka mamaya kayo na!" aniya. He even teased me, causing me to look away from him. Shet na shet! Ang guwapo ng lalaking ito. Ang sarap niyang hampasin.

"W-Wala, hindi ka lang pala mahangin, tsismoso ka rin. Kumain ka na nga lang diyan, kung anu-ano ang sinasabi mo!" sagot ko sabay subo ulit ng pagkain ko.

Pero napatigil ako agad sa pag-nguya nang may narinig ako mula sa kabilang table.

"Ang landi naman ng babaeng iyan? Sino ba kasi iyan?"

"Classmate rin namin iyan. Siya iyong babaeng napagalitan kanina kasi sobrang late niya. As in, pumasok siya n'ong ten-minutes bago mag-lunch break!"

"Talaga? Matapang ha? Sinong Instructor ni'yo?" nakakatawang tanong ng babae.

"Sino pa ba, si Daddy Damon Casino," kinikilig niyang sabi. "Pero mabuti na rin, baka landiin pa niya si Daddy Damon, madadagdagan na naman tayo ng karibal sa kaniya," maarte pa niyang sabi.

"Wait, wala ka bang video? I wanna see her reaction, girl!"

I quickly swallowed the food in my mouth, and I was about to turn my gaze to confront them when Haven stopped me.

"Don't mind them. Just let them bark. Ipakita mo na lang na hindi ka naaapektuhan. Ang mahalaga ngayon, wala kang kahati sa akin," aniya sabay tawa na ikina-inis ko pa lalo.

Hanggang sa nakarinig ako nang malakas na sigaw sa paligid.

"Si Sir Damon!" rinig kong sabi ng mga babae.

Mas mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagbaling ng tingin ko kung nasaan si Sir Damon. Napatayo rin ako sa upuan ko upang makita siya. At huli na n'ong narealize ko ang mga ginawa ko nang marinig kong tumatawa si Haven.

"What's with that laugh?" I nonchalantly asked him.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsubo ng kaniyang pagkain.

Bumalik ako sa upuan ko at seryoso siyang tiningnan. Pero nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa habang nakangiti.

"Kahit hindi mo na sabihin sa akin kung sino, kilala ko na, Audrie Festejo," sabi niya bago uminom ng tubig.

"Ha?" ngangang sabi ko.

"Hakdog!" Humagikgik siya. "Gusto mo iyong lalaking iyon? Kung ako sa iyo, tigilan mo na iyan, wala kang mapapala riyan. Kahit umiyak ka ng dugo, wala kang pag-asa," tuloy niya habang nakangisi.

"Ano bang sinasabi mo? After what he had done to me? Matapos niya akong ipahiya sa klase, sa tingin mo magkakagusto ako sa lalaking iyan? No way! Kahit hot at guwapo iyan, wala akong pakialam!" I said stupendously.

"P-Pero bakit sobrang defensive ka? 'Tsaka sino bang nagsabi na si Sir Damon ang tinutukoy ko?" He burst into laugh.

"B-Bakit, sino ba ang tinutukoy mo, hindi ba siya? Hindi rin ako defensive, dzuh!" Bumuntong hininga ako.

"Pero siya ang pinagnanasaan mo kanina, right?" he said.

"No! Never!" I exclaimed.

"If you say so, but we will see," he simply said before he continued eating.

Ipinagpatuloy ko na rin ang pagsubo sa pagkain ko at hindi na lang pinansin ang kaguluhang nagaganap sa paligid. Makikita ko pa naman siguro siya, 'di ba?

Patago akong ngumiti, at napa-isip kung ano ang p'wede kong gawin kapag nagkita ulit kami.

~ginisamyxx

Her Innocent Desire | R-18+Where stories live. Discover now