Chapter 4

9.4K 117 7
                                    

C H A P T E R 0 4

AUDRIE FESTEJO

LOSING a friend is more painful than losing a romantic relationship. Jonjie is one I would say is the remaining important person in my life. He is not just a good brother to me, but he is also my closest friend that I don't want to lose.

Marami na kaming pinagdaanang dalawa simula nung nawala si nanay. At kahit na siya ang rason-no, let me rephrase it, wala siyang kasalanan kung bakit nangyari iyon kay nanay. I can't blame him, and I can't blame our father either kasi nakita ko kung paano niya alagaan noon si nanay no'ng buntis siya, even before no'ng hindi pa.

Kaya ang sarili ko ang sinisisi ko hanggang ngayon. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyari iyon kahit wala naman talaga akong ginagawang masama. Parang gusto ko lang na may masisi kasi hindi ko kaya, mababaliw ako kapag wala akong sinisi sa mga nangyari.

"A-Audrie. Besh, hindi ka ba papasok? Ako na ang magbabantay kay Jonjie. Day-off ko ngayon, kaya okay lang," sabi ni Haley, ang nag-iisa kong kaibigan na palagi kong tinatakbuhan kapag may problema ako at kailangan ng tulong.

Hindi ako umimik at tinitigan lang si Jonjie na tulog pa rin hanggang ngayon.

Nagpalipas kami ng gabi rito sa hospital dahil lalong tumataas ang lagnat niya. May dengue siya, kaya hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko no'ng nalaman iyon. Parang gusto ko na lang magpasagasa sa truck para matapos na ang lahat ng mga ito. Kasi ako iyong nasasaktan-doble ang sakit na nararamdaman ko kapag iniisip at nakikita siyang nakaratay rito sa hospital.

Isa pa, hindi man lang kami pinuntahan ni tatay no'ng sinabi kong narito kami sa hospital. Ewan ko ba kung bakit siya nagkakaganiyan. Hindi naman siya ganiyan dati. Parang sa isang iglap ay nagbago siya. Is it because of nanay Gema, his mistress? Ano naman kayang gayuma ang ipinainom niya kay tatay at bakit ganiyan na siya ngayon.

Gusto kong ibalik iyong dati-iyong dating siya at ang dati naming buhay. Miss na miss ko na kasi siya. Iyong mabait, maalalahanin, at mapagmahal na ama. Hindi ko alam na hanggang alaala na lamang ang lahat ng iyon.

"Hey, Audrie! Kanina pa kita kinakausap!" Nagulat ako nang may biglang tumapik sa aking braso.

"A-Ano nga ulit iyon?" nauutal kong tanong.

"Pumasok ka na, ako na ang bahala kay Jonjie, kaya ko na ito. Huwag kang mag-alala, gagaling siya, okay?" she held my hand tightly.

Minutes had passed, I just felt hot tears dripping down my cheeks.

"I-I am so scared, B-Besh. I don't know what I'll do when he disappears from me too," I groaned.

I wiped my tears. "I also don't know where to get money for the payment here at the hospital, it's definitely a lot of money," I honestly said.

"I will help, Besh.l. So don't worry that much. May extra ipon naman ako." She walked towards me and hugged me on my back.

I forced a smile. "Nahihiya na kasi ako sa iyo, ang dami-dami mo nang naitulong sa amin," I mumbled.

Hinampas niya ako sa balikat. "Ano ka ba, para iyon lang? Maliit lamang na bagay iyon, Besh. 'Tsaka buhay ng kapatid mo ang pinag-uusapan natin dito. Pero . . ." she suddenly stopped.

"Baka hindi iyon sapat, pero susubukan kong maghanap ng malakatulong sa akin. Willing naman ang mga kaibigan ko sa trabaho, kaya okay lang," she said in assurance.

"Nah? Hindi na Besh, huwag na. Nakakahiya, ako na lang ang bahalang maghahanap. May k'unting ipon pa naman ako. Tapos susubukan kong kausapin si tatay," malungkot kong sabi.

Her Innocent Desire | R-18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon