PART 2

60 0 0
                                    


DAIG pa namin ang takot na malista o mapalabas dahil sa noisy list ah. Isip ni Louisa sa katahimikang naghahari sa loob ng sasakyan.

Hapon na at bumabyahe na ulit sila pabalik ng Maynila.

Hindi naman niya magawang umidlip gaya ng kanina dahil sa sobrang tahimik ng katabi niya. Ibang-iba ang aura na inilalabas nito.

Pasimpleng pinasadahan niya ito ng tingin sa gilid ng kanyang mga mata. Nakita niyang mahigpit ang hawak nito sa manibela at nakatiimbagang nagmamaneho.

Napakagat labi siya.

Mali ata na sinabi ko sa kanya ang tungkol doon. Anang isang bahagi ng isip niya.

Pero ayoko rin naman na magsinungaling sa kanya. Sabi naman ng kabila.

Bago kasi sila umalis doon ay sinagot niya ang tanong nito at ipinaliwanag ang nangyari.

She had a suitor way back her second year. She tried to avert her feelings to some other guy but it didn't work out. Sa lalaking iyon niya natutunan iyon.

Pagkatapos niyang ikwento iyon ay nag-iba ang mood nito at nagyaya nang umuwi. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang nangyari. Naiintindihan naman niya ito.

She simply clears her throat.

"Uhm... Uuwi na ba tayo?"

"Yes."

...

... "You okay?"

"K."

Grrr.... "Binasted basted mo ako noon, tapos ngayong nalaman mong may naging iba ako, nagmamarukulyo ka dyan." Inis na bulong niya.

"Anong sinabi mo?"

"Hindi ko naman siya sinagot."

"Yeah, right. Pero nagpahalik ka naman."

"I was just curious." Then I learned ha ha ha "What's wrong with that?"

Hindi naman siya nito sinagot.

"Hey..." Hinawakan niya ang braso nitong nakahawak sa manibela. Mahigpit pa rin kasi ang hawak nito roon.

"I'm sorry." Hinimas-himas niya iyon. Mayamaya ay yumakap na roon. Umaasang masusuyo niya ito.

Pero wala pa rin.

Eh di huwag.

Napahalukipkip na lang siyang tumingin sa labas sa dinadaanan nila. Gusto na niyang umuwi muna at mahiga. Ngalan lamang ay mabagal ang daloy ng usad ngayon sa bandang iyon ng Marikina.

Kumunot ang noo niya nang may maisip. For sure may mga naging fling din siya sa Canada. Ngayon bakit parang ako ang may kasalanan?

Ano ba naman ito, kakakapag-ayos lang namin pero LQ agad?

Padabog na sumalampak siyang sumandal sa upuan at nangalumbaba na lamang sa bintana.

Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito.

Napaigtad siya nang maramdaman ang kamay nito sa tuhod niya. Pinigil niya ang sariling lingunin ito. Naninindig ang balahibo niya sa ginawa nito. May kiliti rin kasi siya roon.

Mayamaya ito naman ang nanuyo. "I'm sorry, too. Nagselos lang ako dahil hindi ako ang first kiss mo at french pa."

Napasinghap siya sa narinig. "French talaga?!"

Nakangisi na ito nang lingunin niya.

Nang trip na naman!

Pinong kinurot niya ito sa tagiliran.

Napahawak siya sa dashboard nang biglang mag swerve ang sasakyan. Narinig niya ang pagbusina ng ibang kotse.

Mabuti na lamang at malayo ang espasyo sa katabi nilang sasakyan.

"Louisa!"

Napangiwi siya. Buong-buo kasi ang pagkakasabi nito sa pangalan niya. Ganon ang tono nito kapag may mali siyang ginawa o ayaw nito.

"I'm sorry." Kagat ang labing sabi niya. "Ikaw kasi eh!"

"Anong ako kasi?"

"Nang ti-trip ka na naman kasi."

"Nang ti-trip? Mukha ba akong nang ti-trip?" Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito saka ibinaling uli ang mata sa harap ng daan. "Nagseselos talaga ako!"

"Makita ko lang yang lalaking 'yan." Bulong nito na narinig pa rin niya.

Now she can't contain her giggles.

Lumobo ang puso niya sa sinabi nito. Kinikilig din siya sa sinabi nito. Kay sarap sa pakiramdam na ganon siya kaimportante rito.



6

==================❤️❤️❤️

I apologise po for the late update.
#Toxic XD hehehe (peace)

Please Remind me once in a while...

==================❤️❤️❤️

Posted: February 3, 2021 11:00 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Where stories live. Discover now