Part 2

74 4 0
                                    


KAKATAPOS lang ng orientation nila Louisa para sa graduation ng hapong iyon at palabas na siya sa school premises, nang maalala na naman niya ang mga salitang binitiwan ni Tommy noong huli silang magkita.

Babawi ako sa iyo. And I'm not going to stop. Not until I got you back.

Naalala pa nga niya na mas inalala pa nito ang pagkain niya kahit pangit ang pakikitungo niya rito at pinapaalis niya ito.

Please. Don't forget to eat.

Hindi naman niya sinayang ang pagkain. Pagkasubo niya ng niluto nitong tapsilog ay tumulo ang mga luha niya. Because every moment she shared with him while he cooks and the time spend in eating with him suddenly came to her mind. Noon kasi ay palagi siyang pinagluluto ng tapsilog nito. Nananadya ba ito?

Babawi ako sa iyo. And I'm not going to stop. Not until I got you back.

Patuloy pa ring umuukilkil sa isip ni Louisa ang mga sinabing iyon ni Tommy.

Huh! Babawi raw? Eh tatlong araw ng hindi nagpapakita.

Bakit? Nami-miss mo na siya? Tanong ng isang bahagi ng kanyang utak.

Hindi ah! Kaila naman ng isa.

Teka! Ibig bang sabihin niyon ay may nararamdaman din ito para sa kanya?

Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Ngunit dagli ring pinaalis iyon ng kanyang isipan.

Tama na, Louisa. Masasaktan ka lang ulit.

Huwag ka na ring ilusyunada, Louisa. Baka gusto lang niyang ibalik ang pagkakaibigan ninyo.

Napakunot-noo siya. Ibalik...? Maibabalik pa ba iyon kung isa sa amin ay nagkaroon ng damdamin para sa isa?

She doesn't think so.

She deeply sighed. Bakit ba kinakausap niya ang sarili niya? Mabuti na rin na hindi na ito nagpakita pa. Ayaw na niyang masaktang muli. Baka mamaya ay hindi na niya marendahan ang kanyang puso.

Malapit na siya sa kanyang apartment nang makita niya ang pamilyar na Lexus na nakaparada sa harap ng kanyang gate.

She purses her lips. Kakasabi niya lang sa isip kanina na hindi na nagpakita ito. Tapos ito na. Nako naman.

Kinatok niya ang driver side. Pero hindi bumaba ang bintana niyon o ang may-ari. Tinted kasi ang kotse kaya hindi niya makita ang loob. Muli ay kinatok niya iyon, ngunit wala pa rin. Sumilip na siya sa kotse. Wala pala ang binata sa loob. Tumingin siya sa paligid. Wala rin ni anino ng binata.

Nasaan 'yun?

Pagkapasok niya sa gate ay nagulat siya dahil naroon si Tommy, nakaupo sa gilid ng kanyang pintuan, tulog na tulog. Nilapitan niya ito. Dahil nakapikit ay nagkaroon siya ng pagkakataong mapagmasdan ito. Halata sa itsura nito na pagod na pagod ito. Mahahalata ring wala itong oras mag-ahit base na rin sa tumubong stubbles nito sa panga.

He must be really exhausted.

Napansin niyang mamula-mula rin ang pisngi at ilong nito. Naawa naman siya. Mamula-mula? Niyuko niya ito at sinalat ang noo at leeg. Tama nga ang hinala niya. Nilalagnat ito! Pero bakit ito nandito?

"Tommy. Hey!" Gising niya rito. "Tommy." At niyugyog ang balikat nito.

"Hmm..." Ibinaling nito sa direksyon ng boses niya ang ulo saka dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Nagulat pa ito ng mamulatan siya.

Mabilis itong tumayo ngunit naging mabuway ito. Mabuti na lamang at naalalayan niya agad ito.

"Are you nuts?! Inaapoy ka na ng lagnat, tapos pupunta ka pa rito?" Binuksan niya ang pinto at inalalayan itong makapasok at tinulungang makaupo sa sofa. Nagmamadaling kumuha siya ng palangganang may malamig na tubig at malinis na bimpo. Saka niya binasa iyon at ipinunas sa leeg at mukha nito.

"May pamalit ka ba?" Pawis na pawis na kasi ito.

"Nasa kotse." Paos ang tinig na sabi nito. Binigay nito sa kanya ang susi.

Pagkakuha niyon ay binalikan niya agad ito at tinulungang magbihis. Pagtanggal ng mga butones ng polo nito ay natulala siya. Iba na kasi ang pangangatawan nito kumpara sa katawan nitong nakikita niya noong mga teenagers pa sila. Six pack abs! Kailan pa naging maehersisyo ito?

"Did you not know that it is rude to drool over my wonderful body?"

Napa-upo siya ng tuwid sa sinabi nito. Mabilis niya ring pinasadahan ng daliri ang mga labi kung totoo nga ang sinasabi nito. Pero sa pasasalamat niya ay wala naman. Naisahan siya nito! Nakakunot-noong kakastiguhin niya sana ito ngunit nagulat siya pagharap dito.

Masyado kasing malapit ang mukha nito sa kanya, kaya awtomatikong napalo niya ito sa dibdib ng wala sa oras.

"Aray!" Daing nito habang sapo ang dibdib.

Nanlaki ang mga mata niya. Mahina nga pala ito dahil sa lagnat kaya siguro madali itong nasaktan. Bakit kasi pinalo-palo pa niya?

Eh sa nagulat ako eh!

Hindi pa rin ito gumagalaw. Lalo siyang nag-alala. Pilit niyang pinapaharap ito sa kanya. At nakita niyang nakangiti ito ng nakakaloko.

Niloloko lang pala siya nito. Dahilan para paluin niyang muli ito.

At tiniyak niyang mas malakas iyon.

"Aah!"

"Agtalna ka man! (Tumigil ka nga!) Loko kasi nang loko, nilalagnat na nga. Oh! Ikaw na ang magsuot niyan!" Sabay bato rito ng t-shirt nito at tumayo na para pumunta sa kusina. Napansin niyang nakapagsalita siya ng Ilokano na matagal na niyang hindi ginagawa. Simula pa noong umalis siya at lumuwas na ng Maynila ay tinuruan na niya ang sarili na magsalita ng matatas na Tagalog. Madami na itong bagay na ibinabalik sa kanya na iniwan na niya sa nakaraan.

"Wait!"

Nilingon naman niya ito.

"Hindi mo man lang ba pupunasan itong mala-Adonis kong katawan?" Nakangising sabi nito.

"Che!" Balik niya rito.

Tumawa ito ngunit natigil lang iyon dahil inihit ito ng ubo.

Siya naman ang natawa. "'Yan, kasi... 'Buti nga sayo." Saka tumuloy na sa kusina.



==================❤️❤️❤️

Posted: October 29, 2020 10:49 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Where stories live. Discover now