PART 3

81 2 0
                                    

Hello po! 🤗🤗

Thank you po sa patuloy na pag suporta at pagbabasa ng gawa ko.

Salamat po sa mga nagFollow sa akin and nagVote po sa story na ito. I'm so grateful! ❤️❤️❤️ Walang sawang pagpapasalamat din po ako kay Ate IamAyaMyers love you Ate! Love you! ❤️❤️❤️


Kung mapapansin niyo po, may mga Ilokano words po akong ginamit dito. I tried to interpret it in the best way I can hehe. Pero kung may mga makabasa man po nito na Ilokano rin ang native language, if ever po na may iba rin kayong interpretation, feel free to comment po. Thank you!

Feel free to comment.

I need your opinions! Hehehe

More Votes? ^_^ ^_^

Keep safe everyone!

==================❤️❤️❤️



GRADE Four siya at nag-aaral sa isang state university ng Ilocos, nang makilala niya si Tommy Fondevilla. Transferee ito galing sa Maynila. Nagustuhan niya ito dahil matalino ito, maputi, at mas matangkad ito sa lahat ng lalaki nilang kaklase.

Unang kita pa lang niya ata rito ay nagustuhan na niya ito ngunit natigil iyon nang supladahan siya nito nang tangkain niya itong kausapin at tabihan.

"Back off." Sabi agad nito sa kanya.

Sa mga kaklase lang nilang lalaki ito sumasama at nakikipag-usap.

In the span of two consecutive grading period, kahit transferee, ay naunahan at nataasan na siya nito sa gradings. Noong una ay naiinis siya rito - dagdag pa ang pagiging suplado nito - dahil nauungusan siya nito. Pero dahil sa isang insidente ay nagbago muli ang pagtingin niya rito.

"Louisa, kain ka lang diyan, ha? Magpapa-load lang si Yaya." Paalam ng yaya niya. Nandoon sila sa park at playground na nasa loob lang ng subdivision na tinitirhan nila.

"Sure, Yaya." Sagot niya rito bago muling nilantakan ang sandwich na ginawa nito para sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas at ubos na niya ang baon ay hindi pa rin bumabalik ito. Pero pumirme lamang siya sa kinauupuan dahil iyon ang laging pinapaalala ng mga magulang sa kanila ng kuya niya para hindi daw sila mawala.

She was just quietly sitting there and watching all the other children playing, when someone spoke behind her.

"Ineng? Mag-isa ka lang?" Isang lalaki ang nalingunan niya. Nakasuot ito ng faded na pantalon at itim na t-shirt. May cap at sunglasses ito kaya hindi niya masyadong maaninag ang buong mukha nito.

Hindi maganda ang pakiramdam niya rito ngunit naging magalang pa rin siya.

"Hindi po. Nagpa-load lang po si Yaya." Aniya rito.

"Halika. Ihahatid na kita sa Yaya mo." Kinuha na nito ang bag na katabi niya sa bench na iyon.

Anak, learn not to talk to the people you don't know. They could be dangerous.

Biglang parang naririnig niya ang payong laging pinapaalala sa kanila ng mga magulang.

Dagli niyang hinawakan ang bag na hawak na rin nito. Pigil na tuluyang makuha iyon.

"It's fine po, Sir. Hihintayin ko na lang po si Yaya rito." Saka hinila ang bag.

Ngunit hindi nito iyon binigay at hinila rin. Nagulat pa siya nang bigla nitong hawakan ang braso niya.

"Sumama ka na at ihahatid na kita sa Yaya mo." Inis nang sabi nito.

Nakaramdam siya ng takot. Hinila niya ang braso ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito. Hindi niya alam kung paano makakalayo rito. Nakita niyang nagsitakbuhan na ang mga kasama niya sa park na iyon.

Sinubukan niya uling magpumiglas ngunit lalo lang humigpit iyon.

"Aray! M-masakit po!" Nahihintakutan nang sabi niya.

"Bitaw!" Pilit pa rin niyang hila sa kamay na mahigpit na hawak nito.

"Tumigil ka-"

"Hey! Let her go!"

Napalingon siya sa sumigaw na iyon. Pamilyar ang boses na iyon sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Si Tommy iyon.

Nabaling doon ang pansin ng lalaki kaya lumuwag ang hawak nito sa kanyang braso kaya nahila niya iyon. Siya namang litaw ng isa pang lalaki sa likod nito at pinalo ng kung ano ang ulo ng nagtatangkang kumuha sa kanya dahilan para mawalan ito ng malay. Mabilis namang itinali ng una ang kamay ng huli upang hindi ito makawala kapag nagising.

Nakilala niya ang lalaki. Ito ang ama nito na laging kasama at sumusundo kay Tommy sa eskwelahan. At ang kung anong pinangpalo nito sa lalaki ay baril pala.

Napaluha siya nang mag-sink in ang ideya na paano kung may baril na dala ang lalaking nagtangkang kumuha sa kanya. Baka napaano na siya. Doon bumuhos ang lahat ng takot niya.

Umiiyak siyang ipinaloob ni Tommy sa mga bisig nito.

"It's okay, Louisa. You're safe now." Naalala niyang alo nito.

Matapos iyon ay dumating ang mga pulis kasama ang yaya at mga magulang niya. Nahuli ang kidnapper at nakulong ng buong buhay nito sa rami na rin ng kasong kinakaharap.

Noon niya nalaman na sa iisang subdivision lang pala sila nakatira ni Tommy kaya naroon ang mga ito. Laking pasasalamat ng mga magulang niya sa pamilya Fondevilla dahil sa nangyari. Mula noon ay palagi na silang magkasama at minsan ay pinupuntahan niya ang mansyon ng mga ito kahit pa minsan ay sinusupladuhan pa rin siya ni Tommy lalo na sa school. Ito ang nakatulong sa kanya kaya hindi siya masyadong na-trauma sa nanyari.

Hanggang first year high school ay close friends pa rin sila at laging magkasama. Naging sweet na ito sa kanya at lalong natutunan niya itong mahalin. Hindi naman niya magawang sabihin ang nararamdaman dahil hindi pa siya sigurado kung may damdamin din ito para sa kanya. Minsan ay naiisip niya na baka kapatid lang ang turing nito sa kanya. Alam niyang mga bata pa sila. Pero matatag ang loob niyang totoo ang nararamdaman niya para rito.

Doon din nabuo ang palayaw nila sa isa't isa.

"Lo-Bi? Apay nga Lo-Bi ti innagan mo kanyak?" (Bakit Lo-Bi ang pinangalan mo sa akin?) Nagtatakang tanong niya rito sa salitang Ilokano nang bigla siyang tawaging Lo-Bi. Naroon sila sa bahay nito at naghahanda sa pool party na pinlano nito para sa kanyang kaarawan.

"Lo-Bi. From Louisa Brigaste." Magkadikit ang mga kilay na sagot nito. "Lo-Bi naman, ang dali-dali lang hulaan 'non eh!"

Natawa siya sa reaksyon nito. Bigla ay naka-isip siya ng ideya. "Kung may nickname ka sa akin, dapat may itawag din ako sa'yo!" Nae-excite na sabi niya. "Saka bakit hindi mo sinama yung second name ko?"

Napaisip naman ito. "Hmm. Pwede naman. Hindi naman kasi bagay na isama yung Nell sa Lo-Bi eh. Sige nga, what would you call me?"

Napaisip din siya kung ano nga ang pwede niyang itawag dito. Unconsciously tapping her lips while thinking about it.

"Kung To-Fo kaya, para parehas ng nickname mo sa akin." Alok niya.

Nalukot naman ang mukha nito. "Ang panget! Ibahin mo."

Muli ay natawa siya sa inakto nito. Ngunit sa paningin ay sobrang naku-cute-an siya sa itsura nito. Para namang gumagwapo ito sa paningin niya kahit panget ang reaksyon nito.

"Tom?"

"Too common."

"Fondevilla?"

"Surname talaga?"

"Eh kung Tom-Tom kaya?"

"Ha ha ha." Nang-uuyam nitong sabi. "Ano ba 'yan. Kasla ag ub-ubing" (Parang pang-bata.)

Napangisi lang siya. Saka nag-isip muli.

"Ang hirap naman!"

Ito naman ang natawa sa reaksyon niya.

"Ewan ko sayo! Mmy na nga lang. Wala na akong ibang maisip eh. Bahala ka." Sumusuko nang sabi niya. "Saka birthday ko ngayon. Wala kang magagawa sa decision ko."

"Hay nako. Oo na po mahal na prinsesa." Nakangising sabi nito.

Ilang buwan ang lumipas matapos niyon ay dumating naman ang araw ng kaarawan ng ama nito at napagdesisyonan niyang sabihin na rito ang kanyang nararamdaman. Natapos na ang selebrasyon at niyaya niya ito sa gilid ng pool kung saan lagi silang tumatambay.

Hindi na siya nag-isip ng kung ano pa mang paliguy-ligoy pa at lakas loob na diniretso na ito.

"I've fallen in love with you, Mmy. Matagal na. I think it started the first time I saw you. And it deepened more when you saved me from that incident and from the moments we've spend with each other... Ay-ayaten ka, Tommy." (Mahal kita, Tommy.) Please, love me too.

Sabi niya rito...



Ngunit hindi umayon ang sagot nito sa ipinagtapat niya.

"Sorry Louisa, pero hindi kita kayang mahalin. Mga bata pa tayo, Louisa. Hindi mo alam ang sinasabi mo." Anito. Nakita niya ang sakit sa mga mata nito at...awa?

Unang-una sa lahat ay hindi awa ang gusto niyang isukli sa isiniwalat niya rito. Pero iyon ang natanggap niya. Mabuti pa sana kung galit o tuwa man lang. Pero hindi. Hindi niya akalaing ito pa ang magbibigay niyon of all people in her life.

Noon niya unang naramdaman kung paano masaktan ng todo. The first time she felt her heart broken.

Hindi na siya nakapagsalita matapos niyon. Wala siyang ibang maramdaman kundi ang sakit sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito.

Hanggang sa may may biglang lumapit na magandang babae rito at sabay na ang mga itong umalis na. Naiwan siyang lumuluha at nag-iisa sa gilid ng pool.

Nang maka-uwi ay napagdesisyonan niyang ipaglalaban ang nadarama para rito. Hindi niya isusuko ang pagmamahal niya kay Tommy. Naumpisahan na niya. Bakit hindi pa niya ituloy?

Pero kinabukasan ay wala naman ito sa bahay. Umalis daw kasama ang isang babae. At base sa pagkaka-larawan ng isang katulong ng mga ito ay iyon ang babaeng kasamang umalis ni Tommy kagabi matapos niyang magtapat sa huli. Hindi na niya masyadong napansin ito dahil sa nangyari.

Ilang araw ang lumipas ay hindi na niya tuluyang nakita pang muli ang binata. Pagpunta naman niya ulit kinabukasan ay nalaman niyang umalis na raw ito kagabi papuntang Canada.

Nang hindi nagpapaalam sa kanya.



2



==================❤️❤️❤️

Posted: October 22, 2020 7:00 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Where stories live. Discover now