PART 2

52 1 0
                                    


"ADING, I think she wants to talk to you. It's time na kausapin mo na siya." Pakiusap ng kuya Luke niya sa kanya.

Paglabas nila ay naroon si Margareth at halatang naghihintay sa kanila.

Sinangayunan naman ng mga magulang nila ang sinabi ng kapatid niya.

"That's right." Anang papa niya.

"You should hear her side also." Sabi naman ng mama niya. "We'll leave the driver with you, para siya na ang maghahatid sayo sa hotel. Mauuna na kami at ang kotse na lang ng Kuya mo ang gagamitin namin."

"Good luck, Sis."

Iyon lang at iniwan na sila ng mga ito kasama ni Margareth.

Naghari ang katahimikan. Halatang pareho silang nagpapakiramdaman.

Hanggang sa ito na ang magsalita. Mahahalata ang kaba sa itsura nito. Na ngayon lang niya nakita sa anyo nito. Dati ay pagtataray at pang-uuyam lang ang alam nitong gawin. Hindi niya akalaing may tinatago rin pala ito bukod sa mga iyon.

"U-uhm... There's a c-café just outside the gate. Pwedeng doon na lang tayo mag-usap?"

Matagal niya lang na tinitigan ito - walang emosyon - saka tumango.

Mukha naman nakahinga ito ng maluwag. Saka nagpatiuna na sa café. Pagpasok ay sila lang ang customer na naroon.

"What do you like to-" Tanong nito nang makaupo sila.

"I'm not that really hungry... or thirsty. Let's just get over with this, please." Putol niya rito.

Gusto na niyang tawagan at makita si Tommy.

Nakakaintindi namang tumango ito.

"I know, ayaw mo na na magpaligoy-ligoy pa ako. So here it is." She sighed before continuing. "First of all, I'm really, really sorry for what I did years ago. I didn't mean to do those things to you-"

Tumaas ang kanang kilay niya. "Hindi sinasadya? Nakalimutan mo na ata lahat ng ginawa mo, Margareth. You literally threw me out of my family's life. Ipinagkait mo sa akin lahat ng dapat ay sa akin. Tapos hindi mo sinasadya?"

She snorted when Margareth starts to cry again. "Oh, please. Spare me the crocodile tea-"

"Hindi ko s-sinasadya iyon dahil p-pinilit at t-tinakot lang ako ni Tito Eldo na gawin ang mga iyon."

Natigilan siya. May bumalot na kaba at awa sa dibdib niya sa sinabi nito.

"What are you saying?"

"It's t-true. Siya ang nagplano lahat ng ito at ginamit niya ako para makakulimbat ng pera sa pamilya mo. Pinalabas niya na ako ang tunay na anak nila Mama Jenna kahit hindi naman."

Patuloy pa rin ang agos ng mga luha nito. "Gumawa siya ng mga pekeng dokumento para m-mapalabas na totoo ang lahat. Then inutusan niya ako na gumawa ng paraan para mapaalis ka sa buhay at mansyon ng mga Brigaste."

"W-why did you do that?" Naramdaman niya na totoo ang mga sinasabi nito.

"D-dahil tinakot niya ako na sasaktang muli."

Napasinghap siya sa narinig.

"Before everything, pinagbubuhatan na niya ako ng kamay at inaalipusta. He's the only family I had kaya wala akong magawa at sa kanya lang ako napunta. Kapag w-wala siyang mahitang pera, sa akin niya nilalabas ang g-galit niya." She saw Margareth shivered. Marahil ay naalala ang mga tagpong dinanas nito.

"Then he learned about your family and wealth. Nakita niyang magkasing edad lang tayo at nakaisip siya ng plano. Then everything happened. Napilitan na lang akong gawin ang mga gusto niya dahil na rin sa t-takot na bumalik sa kanya at masaktang muli. I'm really sorry, Louisa. I didn't intend to do all of that. I'm sorry."

Napahikbi siya. Napapaiyak na rin siya sa mga nalalaman mula rito.

"But when you leave with him, nagkalakas ako ng loob na takutin siya dahil nasa poder ka na niya. I threatened him na kapag pinabayaan ka niya ay ako na mismo ang magsusuplong sa kanya at sinabi kong hindi na siya susustentuhan nila Mama Jenna. I made him promised not to hurt you, but instead, give you the life you should have. Na aalagaan ka niya at ibibigay ang lahat ng pangagailangan mo. Na magbibigay siya ng sustento dahil kung hindi ay gagawin ko talaga iyon. I learned na ginawa naman niya iyon. Pero nalaman ko rin na tinitipid ka niya."

Lalong umagos ang mga luha nito. "Sobra akong nakonsyensya na habang ako ay may marangyang buhay, ikaw naman ay namumuhay na parang isang kapos. Na namuhay ka na tinitipid ang sarili mo. T-that's why sinabi ko na lahat at inamin ko na lahat ng mga nagawa namin ni Tito Eldo kila Mama Jenna at sa abogado ninyo."

Napanatag ang loob niya na kahit nagpatakot si Margareth ay inaalala pa rin siya nito.

Pero sa rami ng sinabi nito ay isa lang ang agad na naisip niya at tinanong dito.

"Pero paano ang kapakanan mo? Alam na ni Tito Eldo na sinumbong mo siya at ngayon ay nagtatago na. Paano kapag makita ka niya, sundan ka niya at gawin muli ang mga ginawa niya sayo noon?"

Sa tagal na pagluha nito sa durasyon ng pag-uusap nila ay noon niya lang ito nakitang ngumiti.

"I don't have to worry anymore. Thanks to your family, he's going to rot in jail now."

Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.

"If it will ease your mind. Kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan. Thanks to you."

"It definitely eased my mind. Thank God."

"I'm s-sorry too."

Mabilis na hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"You don't have to apologise. Sana lang ay mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa kong masama sa iyo."

Napatango na lang siya habang lumuluha. Bukal sa loob niya ang pagpapatawad dito.

Tumayo ito at mahigpit na niyakap siya. Sa balikat niya ay ibinuhos nito ang katiwasayan at kapanatagan ng loob na nararamdaman nito.

Nang mahimasmasan ay muling hinawakan nito ang kanyang kamay.

"I still owe you one."

Nagtatakang tiningnan niya lang ito.

"There's nothing between me and Tommy. Mali ang naisip mo sa mga nakita mo noon sa restaurant. I want to explain also those things to you. Pero sa tingin ko ay dapat na sa kanya na manggaling iyon." Hinila na siya nito palabas ng café at pinasakay sa kotse. "I know where he is. Papunta rin naman ako roon. I'll bring you to him."

Tinuro nito sa driver niya ang daan.

Hanggang sa makapunta sila sa isang mosoleyo.



==================

Last part of this last chapter is next.

==================

Posted: May 31, 2020 9:29 pm


Please, Love Me Too [COMPLETED]Where stories live. Discover now