PART 1

62 2 0
                                    


NAPAHINTO si Louisa sa pagpasok sa restaurant na kakainan nila ni Tommy nang makita niya ang design ng loob niyon. Parehong-pareho kasi iyon sa kinakainan nila noong mga bata pa sila.

"Familiar?" Narinig niyang tanong ni Tommy. Who is still stuck in the doorway for he is holding it open for her.

Tumango lang siya saka ibinalik ang tingin sa loob. Nag-umpisa na siyang pumasok upang mas matingnan ang paligid. Lumapit naman ang isang waitress sa kanila at iginiya sila sa kanilang mesa.

Nang i-abot nito ang menu ay dagli niyang binuklat iyon. Parehong-pareho rin iyon sa menu ng restaurant na kilalang-kilala niya. At katulad ng dati - na laging kinakain doon - ay empanada at miki rin ang kanyang in-order. Si Tommy naman ay longganisa meal ang kinuha.

Nang umalis ang waitress ay namamanghang muli niyang pinasadahan ang lugar.

"How?" Napapantastikuhang tanong niya rito. "How did you find this one? As far as I know, bago pa lang ako umalis ng Ilocos ay nagsara na sila. And from what I've heard, nag-iisang restaurant lang iyon sa buong Pilipinas."

"Bago pa man magsara iyon ay binili na ni Papa ang restaurant." Nanlalaki ang mga matang napatingin siya rito. "Papa found out na nalulugi na 'yun kahit mabenta ang mga pagkain. Nahirapan kasi sila sa renta. He knows that that place has a value to us. Kaya binili na niya. Though hindi nga lang nabuksan agad dahil nasa Canada pa kami at hindi niya maasikaso. For this year, ito na ang fifth branch ng Ilocandia."

"Oh. m gee..." Alam niyang chain of companies ang negosyo ng pamilya nito ngunit nalulula pa rin siya. Wala naman kasi iyon sa maliit na real estate ng pamilya Brigaste. Isa pa ay wala naman siyang kaalam alam sa negosyo. Tanging ang kuya Luke lang niya ang may amor sa negosyo ng kanilang pamilya kaya business course ang kinuha nito. Naayon naman iyon dito dahil ito rin naman ang magmamana ng kanilang negosyo.

Hindi na nga pala ako parte ng pamilyang iyon.

Nalungkot siya sa biglang pumasok sa isip.

Tila nga mas tama lang na malula siya sa kataasan ng buhay ng taong kaharap dahil walang-wala na iyon sa buhay niyang taglay ngayon. Hindi naman kasi ganoon ang totoong pamilya niy-

"Something wrong?" Napa-angat ang tingin niya kay Tommy nang magsalita ito. Nagpapasalamat na inistorbo nito ang pag-iisip niya.

"W-wala. Wala naman." Napapailing na sabi niya.

He looks like he was about to say something but decided not to push upon it.

Malapit na siyang maasiwa o mailang sa naghaharing katahimikan. Mabuti na lang at dumating na ang mga pagkain nila.

Sandaling nawala ang nararamdaman niya nang matikman niya ang miki. Napapikit siya. Letting out a small moan. Yum! The taste is heavenly. Just like before. Iyong-iyon ang lasang hinahanap niya sa miki. Katulad ng luto sa kinakainan nila noon ni Tommy. Maraming beses niyang sinubukan magluto ng noodles na iyon. Ngunit hindi niya makuha-kuha ang lasa. And now, finally, she was given another chance to taste it again.

"Believe it or not, the chef that worked from the Ilocos branch is the same chef who cooked your food right now. I want you to experience her recipes again. Kaya pinaluwas ko siya rito, kasi alam kong nandito ka."

Napaangat lang ang tingin niya rito. He just gave her a small smile. She felt her heart somersault. She felt...cared? Hindi niya alam kung aasa ba siya o hindi.

"So... I've heard your taking up hotel and restaurant management. I've always knew you'll take that course. Mga bata pa lang tayo, curious ka na in that field's functions and operations. Naalala ko nga, nag-design ka pa ng sarili mong hotel. You even bombard your Yaya to teach you those culinary things you've been watching in TV. Nag-alangan lang ako ng bigla ka na lang tinamad magluto noon."

Natawa siya. She remembered those days. At kaya siya tinamad magluto noon ay dahil sa sadyang mas gusto niyang ito ang palaging nagluluto para sa kanya.

"Yeah. I remembered that. Even your mom, pinilit ko siyang ituro sa akin ang special adobo niya, right?" Nakangiting sabi niya.

Naging maayos ang pag-uusap nila sa agahang iyon. Walang usapan itong binuksan na ayaw niyang pag-usapan. Na para namang binalak nito iyon upang hindi siya mailang. At nagpapa-salamat siya dahil doon. Ayaw niyang masira ang araw nila na iyon.



==================
Posted: December 5, 2020 11:59 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Where stories live. Discover now