Chapter 50

190K 9.8K 2.3K
                                    

"COME HERE."


"Ayoko..."


Hinila pa rin ako ni Arkanghel mula sa likod at niyakap.


"Do you want us to talk?" magaang tanong niya matapos ang ilang minuto.


Though his finger was no longer inside me, I could still feel it there. He didn't bother to remove my panties, he just slid his hand through the thin fabric and did that. He did that to me twice. Dalawang beses matapos iyong una, pero wala pa rin akong nagawa. Ang hina-hina ako. 



"We'll just talk," anas niya na napakalapit ng mukha sa akin. "Promise."



Humiga siya sa kabilang tabi ko at kinabig ako sa bewang para mapadikit sa kanya. Nasalo ko ang kulay abo niyang mga mata na nanunuot ang malalalim na titig sa aking kaluluwa.


"Please, look at me."


Umiwas ako. Hiyang-hiya ako at wala akong maihaharap na mukha sa kanya. Sinikap kong 'wag salubungin ang mga titig niya. I focused on his neck, on his Adam's apple. 


"Sorry, I just missed you." Ang mainit at mabangong niyang hininga ay sa noo ko tumatama habang nagsasalita siya.


Hinaplos niya ang ulo ko. 


"Masakit ba?"


Nakagat ko ang aking labi.


"Nagugutom ka na ba?"


Pumikit ako nang bumangon siya sa kama. Nahihiya akong dumilat at makita ang reaction niya sa ayos ko. Kahit patay pa ang ilaw rito sa loob, sapat naman ang kaunting liwanag na lumalagos sa kurtina ng bintana. Maliwanag na maliwanag ang lamppost sa labas ng apartment.


"Anong gusto mong kainin?" ang hina-hinahon ng boses niya. Para siyang nanunuyo.


Nang hindi ako sumagot ay bumuntong hininga siya. Kalmado pa rin nang muling magsalita.


"Magsasaing na lang muna ako tapos bibili ng lutong ulam sa labas."


Tahimik pa rin ako habang nakapikit at nakabaluktot. Pinapakiramdaman ko siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang laylayan ng suot kong cotton night dress at hinila iyon pabalik sa kalahati ng aking mga hita. Hindi pa rin ako dumidilat nang kumutan niya ako. 


Pagkakapa ko ng kumot ay itinalukbong ko agad iyon sa akin.


Ilang saglit lang ay narinig ko na ang lagaslas ng gripo sa lababo. Naghuhugas na siya ng bigas. Hinugasan kaya niya muna ang mga kamay niya? Ang daliring ginamit? Sumunod kong narinig ay pagbukas ng kalan.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon