Chapter 1

2.1K 51 3
                                    


Elaine Guerrero
◈────∘⋆𖥸⭑∘────◈


Six years later. . .

Nakita kong tumakbo papunta sa akin ang anak ko, agad niya akong sinalubong ng halik nang buhatin ko siya.

Natawa ako at pinisil ang kaliwang pisngi niya.

“Nagpakabait ka ba habang wala ako?” Tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang kargahin.

Ngumiti siya at tumango. Nagsimula siyang humagikgik habang kinikiliti ko ang leeg niya.

Doon kasi siya nakikiliti.

“Sabihin mo nga sa akin, hindi ka ba nagmatigas sa Lola mo?” Natatawang tanong ko sa kanya habang kinikiliti ko pa rin ang leeg niya.

“Haha! Tigil na po mama. Nakikiliti ako,” pinigilan niya ako at tuluyang humiwalay at tinulak ang kamay ko.

Natawa ako nang mahina at tumigil sa pagkiliti sa kanya. Baka umiyak na naman siya.

“You laughed at me, Ma. I didn't get stubborn at Lola. ” He pouted.

Natawa naman ako sa reaksyon niya, kaya yumuko ako para mapantayan siya. Binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi.

“Well, mabuti na maging mabait. Tara na! Puntahan na natin Lola mo. I'm sorry, huwag kang malungkot, okay? ” Senserong paghingi ko nang tawad saka siya niyakap nang mahigpit at hinalikan buong mukha niya para hindi na sumimangot pa.

Ginulo ko ang buhok niya dahil nagtatampo na naman siya.

“Mama, buhatin mo ako ulit, please!" Nakiusap niyang sabi para buhatin ko ulit.

“Okay, halika --- My God, anak … masyado kang mabigat. Big boy ka na kasi!” hirap kong saad.

Nakaya ko ulit siyang buhatin, at totoo namang bumibigat talaga siya.

He just chuckled and kissed my lips, pagkatapos niyakap niya ako nang mahigpit.

“I love you, Mama!” Sabi niya at ngumiti sa akin nang malawak.

Hinalikan ko siya pabalik, tapos hinalikan ko ulit siya sa kaniyang gitnang-noo. 

“Mas mahal kita, Baby boy.”

Tumawa lang siya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng bahay. Ako si Elaine Guerrero Monteverde, dalawa't limanapo't taong gulang. At ang batang ito. . . ay ang anak kong si Tyson Elinor Monteverde.

It was 6 years back then since I decided to leave Tyler.

Tinakasan ko ang kalupitan niya, dahil gusto kong protektahan ang anak ko mula sa kanya. Anak ko lang ang lakas ko ngayon.

Sapat na sa akin kahit wala si Tyler, sa buhay ko na hindi ko man lang maramdaman ang pagmamahal niya sa akin at sa anak namin.

He is selfish and a Jerk Husband.

Masakit lang isipin dahil naging desperada ako noon at tanga pa.

Ngunit, ang mundo ay ganap na bilog at gumagalaw, kaya tinapos ko na ang sa amin ni Tyler. Tumakbo ako palayo at nakalimutan ko siya. Binura ko din nang tuluyan ang parte niya sa puso ko.

At hindi ko siya hahayaang makalapit at makilala ang anak ko. Siya ang dahilan kung bakit muntik akong mawalan ng anak. At sisiguraduhin kong hindi niya malalaman ang totoo.

KINABUKASAN, abala ako sa pag-aayos nang kwelyo ng polo ni Tyson, dahil papasok na siya sa school nang muli kong matitigan ang mukha niya.

Bumuntonghininga ako.

The Cold Guy Baby (Book 1)_COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon