CONTINUATION

1.1K 35 0
                                    

Ellaine POINT OF VIEW

Halos lumuwa ang matang tumitig ni Katty sa direksiyon ko ng makita niya akong pumasok.

"You're late again, wow ah! mukhang inaabuso mo na kabaitan ni Manager." Anas niyang sabi na ikinawalang pakialam ko't hindi siya inimikan.

Baka kasi masabunotan ko ang rebound niyang hair.

Naikagat ko ang kuko sa daliri ng maalala ko ang muling pagkikita namin ni Tyler.

Este, ako lang pala ang nakakita sa kanya. Dalawang araw ang lumipas mula ng insidenteng nakita ko siya pero hanggang ngayon ay hindi ako matahimik kung bakit ko siya nakita doon sa mismong companyang hawak ni Caleb.

And I hate this feeling, ayaw ko sa pakiramdam na'to. Dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit siya pa talaga ang nasa isip ko hanggang ngayon.

Gosh, concentrate ka lang

naisaway ko sa sarili ko at itinutok ang atensyon ko sa monitor ng computer.

I'm in the middle of my work ng siyang pagtunog ng telepono sa tabi ko.

Bahagya akong natigil at agad iyong sinagot. Baka kasi client naman at humihingi ng pabor.

"Hello, Era's Publishing speaking." magalang kong sambit sa kung sino mang tumawag.

Kumunot ang noo kong nag-antay sa isasagot niya pero.
Langya! binabaan ako.

"Bastos 'yun ah!?" mahina ngunit naiinis kong sambit nang maibaba ang telepono na ikinangiting asong tumingin naman ni katty sa'kin.

"pssh." smirk kong bulong at inirapan na lang siya.

Kita kong umalis siya't tinungo ang opisina ni Boss at kalaunan ay bumalik na ito habang masama ang tinging pinukol sa'kin.

Hayst! ang babaeng 'to talaga. Laging mainit ang dugo sa'kin.

"Miss, Guerrera pinapatawag ka ni Manager Park." Aniya't tinalikuran ako kaagad. "Tsk! mas hamak na maganda naman ako sa'yo ei...hmp!" Dinig kong bulong pa niya.

Naku, pasalamat lang talaga siya at mabait ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa opisina ni BOSS.

Pagpihit ko pa lang sa seradura ng pinto ay bigla akong tinamaan ng kaba.

Bahagya kong hinawi ang buhok na naka-abala sa mukha ko saka huminga ng malalim bago tuluyang pumasok.

Jeez, kinakabahan ako pero bakit? My, God baka may kasalanan akong nagawa?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pagkapasok ko pa lang.
Kinakabahan ako bigla.

I sighed first.

Pinagwalang bahala na lamang ang nararamdaman ko at tumuloy sa loob ng opisina ni BOSS.

Binati ko si Boss na halatang abala pa sa kausap nitong lalaki.

"Sir, pinapatawag niyo ho raw ako?" Naitanong ko na ikinatitig nung lalaki sa gawi ko na hindi ko naman inabalang sulyapan.

Jeez, feeling ko kilala ko siya.

"Oo, kaya ma-upo kana at kailangan nating mag-usap." Utos nitong wika saka nilahad ang bakanteng upuang katapat nung inu-upuan ng kanyang bisita.

Dahil sa nakayuko ako ay hindi ko naaninag masyado ang mukha nung lalaki.

But I'm pretty sure...nakangisi siya.
Hindi na ako nag-atubili pa at umupo na sana ngunit ganoon na lamang ang gulat na rumehestro sa mukha ko.

"So, is she's Miss Guerrera?" nakangising sambit ni Tyler na ikina sang ayunan ni Manager Park.

Natigil ako sa pagkaka-upo at mabilis na napatayo ng tuwid.

God, why did you let our paths cross again?

"Yes, she is Mr. Monteverde. Miss Guerrera, meet Mr.Tyler Monteverde ang bagong CEO ng Monshire Enterprise. Siya ang sinasabi kong kaibigan ko." Nakangising buong wika ni Manager Park.

Isang pilit na ngiti ang inilabas ko.
Ramdam ko rin ang pagtitig sa akin ni Tyler at kulang na lang ay matutunaw na ako.

"N-nice to meet you, Sir." Nauutal kong bati sa kanya.

He stared into my eyes kaya hindi nakaligtas sa'kin ang mga mata nitong malungkot, repleksyon ng pangulila na hindi ko maintindihan kong bakit.

Napa-iwas kaagad ako sa mga titig niya at doon napatingin sa kamay niyang nakalahad.

"Its nice to meet you too. Miss.Guerrera" Paglahad nito sa kamay niya papunta sa'kin.

Bigla akong nakaramdam ng paninibugho.
Nag aatubuli akong tanggapin ang kamay niyang nakalahad sa'kin.

Ang kamay na siyang dahilan ng paghihirap ko noon.
Kamay na dahilan kong bakit lagi akong nasasaktan at kamay niyang dahilan kong bakit kamuntik na akong mawalan ng anak.

Pigil ang luha kong tinitigan siya.
At kalaunan ay tinanggap ko na ang kamay niya.

He smiled staring into my eyes.
Pinisil niya rin ng mahigpit ang palad ko na tila ayaw na niya itong pakawalan.

"I'm glad that you're here." nakangising bulong niya bago pakawalan ang kamay ko.

May kong anong milyon-milyong bultahe ang dumaloy sa kaugatan kong muling nasulyapan ang mukha ng lalaking 'to.

"So, Mr. Park. Hindi na ako magtatagal. I have an appointment to Mr.Tan after this." Baling nito kay Boss na ikinatigil ko at napatitig sa mukha niya.

He caught me staring at him then a genuine smile flashes on his lips.

"Its okay, Mr Monteverde. Maayos akong kausap kaya makakaasa ka." Ngiting tugon ni Boss na siyang ikinatalikod ni Tyler at hindi na lumingon.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinarap si Boss at magpaalam.

A/N: Humaba ei haha, ginanahan akong magsulat ngayon kaya humaba. So feedback naman diyan, hehe.
LOVELOTS.

Please do follow and vomments 🥰🤗🤗

The Cold Guy Baby (Book 1)_COMPLETEDWhere stories live. Discover now