Chapter 4

2.9K 50 1
                                    

CHAPTER 4

            “Look Gwen, there’s nothing to be upset about. So what if he’ll hang out with that shrimp flirt? Anong paki mo, ha?” Paulit-ulit na sambit ni Gwen sa kanyang sarili habang naglalakad papasok sa library upangsana, makausap si Nell.

            “Hey Gwen, im so sorry for last night. I didn’t mean to ditch you. Something just came up and….sorry.” Bigla na lang sumulpot si Logan sa harap niya bago pa man siya makapasok sa library.

            “Honestly, I was upset about that. Note it, ‘was’ kaya okay na ako ngayon.”

            “Really?” She nodded.

            “And I came to see you to give you this. My peace offering.”Logan handed her a tulip and she was so pleased cause its her favourite flower.

            “Thank—” Natigilan siya nang dumaan si Nell sa gitna nila dahil nakaharang naman kasi sila sa pinto ng library.

            Hindi siya nito tiningnan o siLogan. Dumiretso lang ito sa loob na parang walang nakita.

NANG makaalis na si Logan, pumasok na rin siya sa library at hinanap si Nell. She found Nell, finally. But she stood frozen on her ground when she also found the shrimp flirt sitting beside him.Damn, damn, damn!

            Parang nilulukob ng kung anong emosyon ang katawan niya habang nakikita ang dalawa na parang busy sa pag-uusap.May pangiti-ngiti ka pa ungas ka! Habang sa akin, di ka man lang ngumingiti. Hindi mo nga ako pinansin kanina. Curse you!

            Aalis nasana siya dahil para siyang naiiyak na hindi niya maintindihan. Pero napansin siya ni shrimp flirt at kinausap nito si Nell at tinuro siya. Nell motioned her to sit on their table.

            She has no choice but to flash her plastic smile and walked towards her enemies.

            “So, what do we have here? Mukhang hindi ka naman busy sa pag-aalaga kay Elena kaya ako nalang ang nagpaligo sa kanya kanina.” Sumbat agad niya dito. Hindi niya alam kung bakit galit siya naparang ewan. Basta gusto lang niyang magalit dito at sabunutan ang babaeng kasamanito.Paki mo?

            “Speakingof Elena, Aubrie is helping me out here. Her family owns a pet store, heard of it?” She didn’t answer but just kept her eyes fixed on Nell. Siniguradong niyang mararamdaman nito na galit siya dito. Pero parang wa epek kasi nagpatuloy lang ito. “Anyway, she helped me with our paperwork. May sarili din kasi siyang mga rabbits kaya mas may alam siya tungkol kay Elena.”

            “So anong pinapalabas mo? Na wala akong alam kaya siya na lang ang palagi mong kinakausap?” From the moment she opened her mouth to speak, she knew she’s going to blurt out something explosive at wala na siyang pakialam kung ano man ang magiging kalabasan niyon.

            She was fighting the urge to cry. How can a person get hurt and angry at the same time na wala naman talagang dahilan?There’s always a reason, Gwen, and you know that. You’re just afraid to admit it.

            “I wasn’t trying to insult you, Gwen. Aubrie offered help, why would I refuse kung makakatulong naman ito sa experiment natin?” Nell said with a confused andfrustrated look which didn’t match the shrimp flirt’s expression. Aubrie looked most likely amused and bitchy.

            She gave up. Ayaw niyang magmukhang talunan sa harap ng mga ito.

            “Right.” She said and without looking back, she paved her way out. Hindi na niya napigilan ang sariling ipalabas ang inis at sakit na kanina pa niya sinusubukang itago. She kicked the nearest trash bin and it made a huge clanking sound so she immediately ran towards the bathroom.

Gwen, The Dare PrincessWhere stories live. Discover now