Last Chapter

4.7K 90 9
                                    

CHAPTER 10

            “Pasok.” Malamig na sabi ni Gwen pagkatapos buksan ang pinto. Maybe after four years of heartache, it’s the right time to shot things to an end. Siguro pagkatapos ng araw na iyon, masisigurado na niyang makakamove on na talaga siya dahil kasal na ito at wala na silang pag-asa pang dalawa. Kahit kailan. Ang sakit isipin pero tapos na talaga kami.

            Nell looked at her intently. And she can’t help but notice how hot and handsome he is in his wet look. How can he exude such charm even when he’s shivering in cold? Tumigil ka nga Gwen! Hindi na siya iyong Nell na pag-aari mo noong college. May asawa na siya kaya maghunusdili ka!

            Kumuha siya ng tuwalya sa banyo saka binigay dito. His eyes didn’t deny that he was also hurting the same way she is at that very moment.

            “Thank you.” Sabi nito sabay tanggap sa tuwalya. Parang napaso naman siya nang magdikit ang mgakamay nila. Tumikhim siya.

            “Do you want coffee?Paramainitan iyang katawan mo. May robe din sa banyo, pwede mong isuot iyon. Baka makasipon ka—”

            Nagulat siya nang bigla siya nitong niyakap. Malamig ang katawan nito dahil basa ito sa ulan pero nakalusot pa rin ang init na dala ng katawan nito sa damit niya.

Oh how she miss his warmth!

            Hindi niya napigilang lumandas ang luha sakanyang mga mata. Even if it was wrong, all she really need is to be with him. To feel that he is just beside her. To feel loved kahitmali iyon. For four years, she was just dreaming of this to happen at ngayong nangyari na nga, parang ikinakagalit niya ang ang simpleng yakap nito dahil ngayon, alam na niyang hindi iyon pwede dahil may asawa na ito.

            “Nell, please…” nagpumilagas siya pero hindi siya binitawan nito.

            “Shh..listen to me. May hindi ka pa alam.” Hinaplos nito ang buhok niya at napahikbi siya.

            “Nell..please..ang sakit sakit na, eh.Okay na. Alam ko nang may asawa ka na at hindi na talaga tayo pwede. Apat na taon Nell. Apat na taon na umasa ako na pwede pa rin tayo at babalik ka. Pero ngayong nangyari na nga, hindi naman pwede dahil kasal ka na. Kaya Nell, just change up and leave.Alam ko na okay? Wag mo na lang sabihin kung ano man iyang hindi ko pa alam dahil okay na ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Wag mo nang dagdagan pa.”

            “Are you sure? Dahil kung paaalisin mo na ako, hindi mo malalamang hiwalay na kami ni Elyse. Hindi nga umabot ng isang linggo ang relasyon namin dahil nagpakasal siya sa lalaking mahal talaga niya.”

            Napakalas siya sa yakap nito. “What? P-pero…b-bakit…Bakit hindi ka man lang bumalik agad para makausap ako? Bakit naghintay ka pa ng apat na taon bago ka bumalik? Nell naman, eh! Pinahirapan mo pa ako!” Sinuntok niya ito sa dibdib pero kahit lamok yata, hindi masasaktan sa suntok niya.

            Ginagap nito ang kamay niya.“Because, I was earning a lot of courage to face you again. At hinintay ko pang maapprove na ang annulment papers namin dahil gusto ko, pagbalik ko, handa na akong pakasalan ang babaeng totoong laman ng puso ko. Kahit dumaan pa ang napakahabang apat na taon, ikaw pa rin ang mahal ko, Gwen Tenlie Sy. I love you. I had always loved you.”

            His face slowly descended on hers till their lips brushed. Namiss talaga niya ng sobra ito. Hindi lang pala ang yakap nito ang namiss niya kundi pati ang mga halik nito. Yes, she really love this man. Cause if not, she should have moved on for the last four years. But, no, she kept on longing and waiting for him to come back even without having the assurance na sa pagbabalik nito, siya pa rin ang mahal nito.

            Nang naghiwalay ang mga labi nila, tinitigan lang siya ni Nell ng sobrang pagmamahal. Bigla na lang siya nitong pinakawalan at lumuhod sa harap niya habang parang timang itong kinakapa ang kung ano man sa bulsa nito.

            Hindi naman siya baliw para hindi maintindihan kung ano ang pinagagawa nito at kung ano ang laman ng maliit na kahon na hawak nito.

            Binuksan nito iyon.Sabay silang tumawa nang ang daming tubig na lumabas sa kahon. The she was stunned when she found the most beautiful ring she had ever seen in her entire life.

            “Four years of missing you, I hope it’s long enough to be forgiven. Please marry me and i promise to court you forever.”

            Ngumiti siya. Kung ano man iyong nangyari sa kanila four years ago, ang masasaya at ang masasakit na mga parte man, kaya niyang kalimutan ulit ang lahat ng iyon. Dahil ngayon, sigurado na siyang hindi na mawawala ulit sa kanya si Nell. Kahit kailan.

            “Y-yes! Yes I will.” Lumuhod din siya para yakapin si Nell. Kumalas agad siya at isinuot nito ang singsing sa daliri niya.

            “Ay bongga! I feel so pretty na!” Tumawa si Nell saka siya hinalikan. It was a deep kiss yet it was full of love and longing. Pero bigla na lang nag-ring ang cellphone niya kaya agad na natapos ang kiss nila.

            “Istorbo naman ito, o!”

            “I love you Gwen Tenlie Sy.” Sabi nito bago pa niya sagutin ang tawag ni Stacie.

            “Mahal din kita okay?” She gave him a quick kiss before answering her phone. “O, ano? Istorbo ka bruha ka ha! Ibenta kaya kita sa mga terorista?”

            “Friend! I just saw Cody again!” tili nito at muntik na siyang mabingi.

            “What? I mean, so what?”

            “Ang gwapo pa rin niya, Gwen. Mag gumuwapo yata! Saka alam mo na—” Naputol ito at may narinig siya na boses ng lalaki sa background.

            “Stacie? Is that you? Why are you hiding in there?” Kung tama siya, boses iyon ni Cody. Ay bongga rin ang love life ni Stacie. Magbunyi!

            ”Girl, nahuli ako. Sige bye na!” Pinutol na nito ang linya.

            “Who was that?” Tanong ni Nell.

            “Si Stacie, nakita daw niya ulit si Cody at mukhang nakita or better say, nahuli din ito ni Cody.”

            Nell grinned.

            “Why are you grinning?”

            “I’m just happy for us and for Cody.”

            “Ha? Bakit nasali si Cody? Moment natin ito di ba?”

            “Yep.” Nell brushed some strands of her hair and tucked it behind her ears and kissed her again.

            Tama nga si Stacie. Love doesn't give you a license to own a person forever. Only a chance to enjoy someone's company for a moment. But if you knew how to deal with love, you can keep that person forever no matter how far and long fate had kept you apart.

WAKAS

Gwen, The Dare PrincessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz