Chapter 8

3K 58 0
                                    

CHAPTER 8

Four years later…

Napadilat si Gwen sa direksiyon na tinatahak ng isip niya. As usual, nakatingala na naman siya sa kisame ng opisina niya.

She shouldn’t have thought about that man anymore. Again. It’s been four years already and she had moved on. I had, right?

Sasagutin na sana niya ang tanong na iyon sa isip niya nang may bigla na lamang pumasok sa opisina niya nang hindi man lang kumatok. Sisesantahin na sana niya kung sino mang emplyado niya ang pumasok ng bigla-biglaan kung hindi lang niya nalaman na ang Daddy pala niya iyon. Baka ako pa nga ang sisesantahin nito, eh.

“Gwen, hija, our investors are already in the conference room. Are you ready?”

“Yes, Dad.” She stood and shrug Nell away from her system. Again. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang pinaalis si Nell sa isip niya sa isang araw. Paano, apat na taon na nga ang nakaraan pero walang araw na hindi niya ito naiisip. O, eto na naman ako! Syet na malupet!

She followed her Dad outside and enter the conference room. Halos kompleto na ang lahat ng board members       ng kompanya nila puwera na lang sa investor nila.

“Ma’am papasok na rin po mamaya si Mr. Maurer, t-in-our lang po siya sa kompanya sandali.” Sabi ng PA niya.

Maurer…. It can’t  be Nell right?

Nasagot naman ang tanong niya nang may pumasok na medyo may katandaang lalaki sa kwarto.

“Im sorry for the curiosity of my employer. Talagang nawili lang talaga siya sa plane collection ng Sy AirSeft. I hope you don’t mind.” Bumaling ito sa Daddy niya. So, hindi ito si Mr. Maurer. Please don’t let it be Nell. Please… 

Muntik nang bumigay ang puso niya nang biglang pumasok ang lalaking laman lamang ng isip niya kani-kanina lang.

Nell entered the room and she noticed all her women employees gasp with attraction. Nell still had that charm that will make all the women in the room swoon over him. He still was outrageously good-looking. Ni walang nagbago sa mukha nito. His amazing twinkling hazel brown eyes, his cute sharp nose and that…lips she used to kiss way back in college. Damn! Bakit ko pa iyon naiisip?

Hindi nakatakas sa mata niya ang biglaang pag-angat ng gilid ng labi nito kaya tumikhim siya ng malakas. Mukhang hindi man lang ito naguilty sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya apat na taong nang nakakaraan.

“They never got me wrong. The successful man behind the successful Maurer Airloft Group of Companies is really a good-looking man.” Sabi naman ng papa niya. Mukhang naramdaman nito ang tensiyon sa pagitan nila ni Nell dahil nagkatitigan lang naman sila ng iilang minuto.

Narinig niyang tumawa si Nell at muntik na siyang magwalk-out kung hindi niya lang inisip ng mabuti kung ano ang magiging labas niya kapag umalis siya sa kwartong iyon. Bakit kailangan nitong mag-invest sa kompanya nila? Imposible naman hindi nito alam na maaring nandoon siya sa kompanyang iyon at isa siya sa may-ari noon dahil naikuwento na rin niya dito ang tungkol sa kompanya nila.

“And they also did not get me wrong. Your daughter looks just as how her father looks. Beautiful.” Diniinan nito ang salitang ‘beautiful’ at tinitigan siya ng makahulugan.

Tumikhim ulit siya. She has to act as professional like how Nell acts. Na parang wala lang sa kanilang dalawa ang muling pagkikita nilang iyon.

“We don’t want this whole room to be drowned with flattery right? So why don’t we get into business?” Nakipagtitigan din siya kay Nell at binalingan ang papa niya.

Gwen, The Dare PrincessWhere stories live. Discover now