Chapter 6

3.2K 52 7
                                    

CHAPTER 6

            Nasa laboratory sila ni Nell dahil final observation na ni Elena.In short, last day nalang naming magkakasama ni Nell.

            Kanina pa sila tahimik. Hindi niya iniimik si Nell dahil…basta, ayaw lang niya. Napag-isip isip kasi niya na mabuti pang huwag muna niyang pansinin ang binata habang maaga pa. Alam naman kasi niyang walang patutunguhan ang nararamdaman niya kasi may nobya na ito.

            Hindi ka naman sigurado na nobya nga niya iyon.Intriga na naman ng munting tinig sa isip niya.Eh, gusto kong isipin na nobya nga niya iyon, eh. Kita mo naman, niyakap pa ni Nell kagabi di ba? Saka bakit ba ang epal mong tinig ka? Maging tinig ka na lang okay? Wag kang epal!

            “Did you get home safely last night?” Tanong ni Nell saka hinarap siya.  “Kung hindi, walasana ako ngayon dito.” Iritadong sagot niya na hindi man lang hinarap si Nell. Kunwari ay busy siya sa pagpapakain kay Elena.

            “Im just concerned.”

            “Busog ako, Nell. Di naman makakain iyang concern mo.”

            Nagulat siya nang hinawakan nito ang magkabilang braso niya at pinaharap siya dito.

            “What’s wrong with you? Ano bang nangyayari sa iyo ha?” Kunot-noong tanong nito. Mukhang wala talagang ideya ang halimaw kung bakit siya nagkakaganoon.

            “Bakit? Anong bang nangyayari sa akin? Natubuan ba ako ng ikatlong mata sa ilong?”

            “Gwen Tenlie Sy! I am certainly not kidding in here.” Bulyaw nito.

            “Who says you’re kidding? Wala naman di ba? Kaya bitiwan mo nga ako. Magkakaroon ka ng cancer sa ngipin kapag—”

            Bumuntong hininga ito. “Listen, if this is about last night, I’m sorry. Hinabol kita dahil hindi ka nakakain ng maayos at umuwi ka ng walang laman ang tiyan mo. Now, im making amends, pinipilosopa mo ako. I went to your house after I took Nhicca home pero wala nang ilaw ang kwarto mo pagtingin ko sa labas kaya umuwi na lang ako.” Bumuntong hinga ulit ito. “Honestly, I didn’t plan that night to end like that.”

            She felt guilty. Wala naman itong kasalan.Pesteng selos ito!Dalawang beses na siyang napahamak dahil sa pagseselos.

            “P-pinuntahan mo ako sa amin?” Nell nodded and then he looked uneasy.

            Hinatid pa pala niya ang bruhitang iyon.Eh, di magsama sila! Hindi naman ikaw iyong girlfriend, Gwen. Bakit ka nagagalit? Hindi mo boyfriend si Nell kaya wala kang karapatang umakto ng ganyan.

            “What are you thinking?”

            “Ikaw…este! Ilaw! May ilaw na ba sa ulo ko? Nakaisip kasi ako ng bright idea.” Nilagay pa niya ang hintuturo niya sa sentido niya.Palusot, bow!

            Ngumiti ito. “Does it mean I’m forgiven?”

            “Wala ka namang kasalanan noh. Hindi kita boyfriend kaya wala akong karapatang umakto ng ganoon kagabi. Siya ang girlfriend mo kaya—”

            “Wait, akala mo girlfriend ko si Nhicca kaya umalis ka agad kagabi? You we’re jealous?” She saw his eyes shone with...gladness?Ang gwapo talaga niya noh?

Gwen, The Dare PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon