Chapter 3

3.3K 50 1
                                    

CHAPTER 3

            “Kapag hindi pa dumating angLogan na iyon, maniniwala na talaga ako kay Nell, kahit ayaw ko, na jerk nga ang ungas na iyon.” Galit na sambit niya.

            Nasa labas na siya ng Seafood Grill nang mga halos isang oras sa kakahintay kayLogan. She agreed on going out with him. Kahit tempting ang inalok nitong manood ng Vampire Diaries, inayawan niya. Mas pinili na lang niyang mag-dinner kasama ito because she heard he’s aggressive when it comes to first dates.

            “Waiting for your jerk date?” Halos mapatalon siya sa bigla nang narinig niya ang boses ni Nell sa likod niya. Why is this hot monster here?

            “N-no. He was h-here. Bumili lang siya ng movie ticket at popcorn. Babalik din siya.” Buti na lang nasa tabi lang ang movie house kaya naka-isip agad siya ng palusot.

            “Hmm…okay. I’ll go ahead.” Nilampasan na siya nito at pasakay na sa Ferrari nito.

            She felt a little mercy on her stomach. Kanina pa siya nagugutom. Afford na afford naman niyang kumain sa loob kaya lang for reservations lang ang restaurant saka pangalan niLoganang nakarecord doon. She can drive to another resto pero hindi niya dala ang kotse niya, grounded pa iyon dahil madaling-araw na siyang naka-uwi last Friday at nagalit ang Daddy niya kaya binawi tuloy ‘yung Eclipse niya.

            She looked at Nell then at the road. Hoping to catch a glimpse of Logan, to be a blessing in disguise. Again. Pero wala talaga ito kaya…bahala na si Dora!

            “N-nell! Wait!” As if expecting her to ask for his help, he left his car’s window down.

            “Yeah? My beautiful damsel is in distress?” Iniinis na siya nito. Uy! Mukhang sineseryoso na nito ang challenge nila.

            “Cut it! Look, inindyan ako ni Logan. Hold a party because you’re right. He’s a jerk after all. I just want you to drive me home. Walang dumadaan na taxi dito and I need your help. Satisfied?” sarcastic na sabi niya.

            “Oops! Is it how a woman in need ask his knight in shining Ferrari for help? Cause it sounds like how a queen ask his servant to kiss her foot.” Sarcastic naman na tugon nito.

            She angrily stormed her way towards him. Nang nasa harap na siya nito, bumuntong-hinga siya nang sampung beses para makalma ang sarili. How can he toy with her in her most miserable moment?

            “Nell, I want you to drive me home. Please.” Diniinan pa niya ang salitang ‘please’.

            “Sure, my brat princess. Hop in.” Did he just call her a brat? Mukhang napansin nitong parang sasabog na siya kaya nag ‘I surrender’ sign ito. “Oops! Baka mawala ang only chance mong maka-uwi. Sige ka.” Pananakot pa nito.

            She rolled her eyes at him and entered the backseat. Pinigilan siya nito.

“Oh, no you wont sit in there. Ayokong mapagkamalang driver mo.” Kaya lumabas siya at hinintay na pagbuksan siya nito ng kotse.

            Pinaandar na nito ang Ferrari nito pero hindi pa rin siya pinagbubuksan ng kotse. “What are you waiting for? Year three thousand?”

            She snorted. “Uh!” Hindi nalang siya nagtaray dahil baka hindi na talaga siya tulungan nito. May araw ka rin, Nell Eamon Maurer!

Gwen, The Dare PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora