Pagkatapos ng kulang-kulang isang oras ay nakarating na rin kami ni Caden sa stylist ng mama niya. Ang puwesto nito ay nasa isang higanteng mall.
Nasa second floor kami at pagpasok namin sa two-way door nito na gawa sa salamin ay may mga sales attendant na sumalubong sa'min sabay bati.
Pagkatapos ay lumapit si Caden sa babae sa front desk.
Hindi ko naman maiwasang ilibot ang paningin ko. Ang daming iba't ibang formal wears, bags, at sapatos ang mga naka-display dito. At mukhang mga mamahalin.
Malawak din ang puwesto nila. Puting tiles ang sahig at gano'n din ang motif ng shop. Tapos ay ramdam mo rin ang lamig ng aircon.
"Baudelaire," pagbasa ko sa malaking lettering mounted signage sa pader nila pagpasok mo.
"Dito po tayo, sir." Narinig ko na lang na sinabi ng front desk agent kay Caden kaya't sinundan namin siya.
Dinala niya kami sa isang pinto sa likod ng shop at pumasok kami ro'n. Namangha naman ako sa ganda at sopistikado ng dating ng opisinang pinasukan namin.
Grey and white ang motif ng opisina na may kaunting black. Minimalist lang ang interior design pero elegante ang dating.
"Rendel!"
Napatingin kami sa isang babae na biglang dumating. Mukhang kasing-edad ito ng magulang ni Caden. Naka-office attire ito na kulay beige. Naka-medium layered ang buhok nito na may kaunting bangs at may kulay na blonde.
Morena siya na payat nang kaunti. Tapos matangkad lang din siya sa'kin nang kaunti.
"Tita Annalie!" bati rito ni Caden tapos ay nagbeso sila.
"Nice to see you again, hijo. Kailan ba ang last time na nagkita tayo?" sambit no'ng babae na tinawag ni Caden na Tita Annalie.
"Hmm, I guess in my eighteenth birthday?" sagot naman ni Caden.
Tumawa nang bahagya si Ms. Annalie, "Gano'n lang ba katagal?"
"Oh, by the way. Tita, this is Roma, my girlfriend," pakilala sa'kin ni Caden kay Ms. Annalie.
Ningitian naman niya ako. "And, honey. This is Tita Annalie Baudelaire, amiga ni Mom and ninang ko rin."
"Hello, Roma. Nice to meet you, hija," bati niya sa'kin at nabigla ako nang kaunti nang magbeso siya sa'kin.
"So, just what you have said the last time you called, nagpa-reserve na ako ng suit for you. So, si Roma na lang ang bibigyan ko ng dress that would suit her," sambit ni Ms. Annalie.
Nilapitan niya ako at inikutan. Nakakaramdam ako ng pagkailang pero hindi ko lang pinapahalata.
"Hmm. She's petite and short. She also has fair skin. So dapat ang dress na susuotin niya ay magfa-flatter sa body type niya, height, and skin tone," aniya matapos niya akong ikutan.
Pumunta ito sa office table niya at may pinindot siya ro'n tapos ay nagsalita siya, "Helen, please tell Greg to go here in my office now. Thank you." Tapos binitwan na niya ang button.
Mayamaya lang ay may kumatok. Tapos ay pumasok na rin ito. Isang lalaki na tila babae kumilos kahit pa panlalaki pa rin ang suot nitong damit.
Naka-long sleeve polo ito na pink, slacks na grey, at pulang pointed shoes na saksakan ng kintab. May highlights ng blonde ang bagsak nitong buhok. May kalakihan nang kaunti ang katawan niya, maputi siya na chinito at maliit nang kaunti kay Caden.
"Yes, Ma'am Annalie?" sambit nito.
"They are my VIP clients, Rendel, my friend's son, and his girlfriend Roma. Ikaw na muna ang bahala sa kanila. May appointment pa kasi ako kay Mr. Dupont. Okay?" bilin ni Ms. Annalie kay Greg.

ESTÁS LEYENDO
Under Our Starry Sky
Novela Juvenil[ COMPLETED ] Tulog, kain, anime, at school--- iyan ang buhay ng eighteen-year-old high school student na si Roma hanggang sa magdesisyon ang parents niya na ipagkasundo siya sa isang lalaking hindi niya kilala para sa isang kasal upang isalba ang k...