Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Na-realize kong kayakap ko ang teddy bear na binigay sa'kin ni Caden samantalang si Yoru naman ay natutulog sa bandang ulunan ko.
Kinusot ko ang mga mata ko at hinanap ang orasan. Nandilat bigla ang mga mata ko nang makita kong ala syete pasado na ng gabi.
"Naku, may usapan nga pala kami ni Caden," natataranta kong sabi.
Agad akong tumayo at kinuha ang damit na binigay sa'kin ni Caden. Pinaltan ko ang pang-itaas ko ng t-shirt na binigay niya sa'kin tapos pinalitan ko naman ang pang-ibaba ko ng skinny jeans.
Madaling-madali ako mag-ayos dahil baka mamaya kumatok na lang siya bigla.
Matapos kong isuot ang pantalon ko ay nagulat ako nang biglang may kumatok.
"Sandali lang!" sagot ko.
Inayos ko muna nang mabuti ang suot ko bago tumakbo sa pinto at buksan ito.
"Ikaw pala, Earl," sambit ko nang buksan ko ito.
"Good evening, Miss Roma. Itatanong ko lang po kung kakain na kayo," aniya.
Napaisip ako sandali, "Ah. Mamaya na siguro. Teka, nandyan na ba si Caden?"
"Wala pa po si Young master, Miss."
"Ah, gano'n ba. Sige, salamat," saad ko bago isara ang pinto.
Bumalik ako sa kama ko at umupo. Nakakapagtaka. Bakit wala pa siya? Akala ko ba ala siyete?
Baka busy at na-late lang nang kaunti.
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ito. Walang chats or messages o kahit ano. Ano kayang nangyari sa taong 'yon?
Mayamaya lang ay may kumatok. Tumayo ako at lumapit para buksan ito.
"Caden."
Ngumiti siya sa'kin, "Ready?"
Tumango lang ako bilang sagot. Bumalik muna ako sa kama ko at kinuha ang phone ko sabay lagay nito sa bulsa ko. Pagkatapos ay binalikan ko si Caden.
"Tara na," sambit ko.
Napansin ko naman ang suot niya, tapos ay napatingin din ako sa damit ko.
"Teka. . .Mickey Mouse ang design ng damit mo?" pagtataka ko. Nang dumako naman ang mga tingin ko kay Caden ay ngumiti lang ito sa'kin.
Itim din ang t-shirt niya tapos mukha naman ni Mickey Mouse ang naka-print dito.
"C-couple shirt?" pagtataka ko.
Tumango siya sabay tawa, "Uh-huh."
Tapos ay nauna na siyang maglakad sabay sunod ko naman.
---
Sampung minuto lang ang layo ng mansyon mula sa Freedom Park kung nasaan mismo ang Feb Fair pero nagkotse pa rin siya. Tinatamad yata maglakad. Kaya naman sandali lang ay nakarating na kami. Mabuti na lang din at nakahanap pa siya nang mapaparadahan sa dami ng sasakyang nakaparada rito.
Malinis ang kalangitan at litaw ang mga bituin. Malamig din ang simoy ng sariwang hangin. Bumungad sa'min ang dagsang tao rito na nakikisaya rin sa fair. Ang daming stalls mapa-pagkain man o mga anik-anik, at may mga rides din.
"Saan mo gusto? Rides before we eat?" tanong ni Caden.
Tumango ako, "Sige."
Tapos ay tumakbo ako na parang batang excited papunta sa rides.
"Wait, Roma!" narinig kong sigaw ni Caden at alam kong kasunod ko lang siya.
May caterpillar ride, Ferris wheel, at Anchor's away. Nakatingin lang ako sa mga 'to habang nag-iisip kung anong uunahin kong sakyan.

BINABASA MO ANG
Under Our Starry Sky
Teen Fiction[ COMPLETED ] Tulog, kain, anime, at school--- iyan ang buhay ng eighteen-year-old high school student na si Roma hanggang sa magdesisyon ang parents niya na ipagkasundo siya sa isang lalaking hindi niya kilala para sa isang kasal upang isalba ang k...