CHAPTER 7: Boyfriend?!

136 9 44
                                    

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at naaninag ko mula sa bintana na mukhang tirik na ang araw. Nakahiga pa 'ko ngayon dito sa kama ko. Teka, anong oras na ba? Tiningnan ko ang phone ko na nasa ulunan ko.

Napabalikwas ako nang makita ang oras. Ala syete pasado na agad?! Totoo?

Shit, male-late na ako! 3 a.m. na kasi ako natulog dahil tinapos ko pa 'yong anime na pinapanood ko!

Agad na akong bumangon at nagmadaling dumeretso sa banyo para maligo dala na ang towel ko. Mabuti na lang at may banyo na mismo itong kuwarto.

Five minutes lang ay tapos na 'ko. Matapos 'kong tapusin nang madalian ang morning rituals ko sa banyo ay agad na 'kong lumabas para magbihis.

Sinuklay ko nang mabilis ang basa kong buhok. Tapos ay dinampot ko na ang bag ko at kumaripas palabas ng pinto.

Pagbaba ko ng hagdan ay napahinto ako nang may tumawag sa'kin.

"Roma?"

Lumingon ako sa tumawag sa'kin. Si Sir Michael pala. Nasa dining table siya kasama si Caden at nag-aalmusal sila.

"Why are you in a rush? Mag-aalas otso pa lang naman," tanong niya.

"8 po kasi ang klase ko. Kaya male-late na po ako. Sige, alis na po ako," paalam ko.

"Caden, ihatid mo si Roma sa school," utos niya.

"What? No," pagtanggi nito.

"Okay lang po," sambit ko nang may pilit na ngiti.

"Hindi ko naman po kailangan ng tulong," saad ko habang pinandidilatan ng mata si Caden. Inirapan ko muna siya bago kumaripas palabas ng bahay.

Ang laki-laki naman kasi ng bahay na 'to. Bago ka makalabas ilang minuto muna ang lilipas. Hay nako!

Kalilipat ko lang dito noong nakaraang araw. Komportable ang lugar na 'to, aminado ako. Kaya kahit nakakapanibago, kinakaya ko.

Isang mabilis na lakad ang ginawa ko habang tinatahak ang mahabang pathway. Twenty minutes na lang! Sana umabot ako on time!

Halos mapalundag naman ako nang may narinig akong bumusina.

"Hop in," utos ni Caden.

Kahit ayaw ko dahil si Caden ang driver, wala na akong choice kung ayaw ko talagang ma-late. Sumakay na lang ako sa passenger seat.

"Don't ever think na may malisya ang paghatid ko sa'yo sa school," sambit niya.

Napataas naman ang kilay ko sabay tawa, "Okay ka lang? Sino bang nag-iisip na may malisya? Isa pa, wala akong pakialam sa'yo. Wala lang akong choice."

Mukhang puno ng hangin ang ulo ng lalaking 'to dahil sa mga iniisip at pinagsasasabi niya.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa school. Bumaba na lang ako ng sasakyan at tumakbo papasok sa loob hanggang makarating ako sa mismong classroom namin.

"Good morning, Ms. Martinez."

Nakataas-kilay na bungad sa'kin ni Ma'am.

Parang napahiya naman ako dahil naunahan ako ng adviser ko na makarating sa klase. Isa pa, natuon ang atensyon ng buong klase sa'kin.

"G-good morning po," nauutal kong bati.

"Maupo ka na," utos niya.

Naupo na nga ako matapos no'n. Grabe. First time kong ma-late ngayong school year.

Habang lumilipas ang oras ng klase, walang pumapasok sa isip ko. Pa'no ba naman kasi, puyat na nga, gutom pa 'ko. Buhay nga naman. Great.

Hindi ako makapag-focus. Inaantok ako na ewan. Sana bumilis ang oras at mag-recess na agad!

Under Our Starry SkyWhere stories live. Discover now