SPECIAL CHAPTER II : That One Special Day

50 2 0
                                    

Mahigit dalawang buwan na mula nang mag-umpisa ang first day ng klase. Medyo naninibago pa rin ako ngayong senior high school na ako sa Grade eleven.

Sa aming magkakaibigan, kami lang ni Evan ang kumuha ng STEM strand samantalang sina AJ, Josephine, at Jeyra naman ay HUMSS. Napakadaya talaga ng mga 'yon. Gusto ko pa naman din silang maging kaklase this year. Pero malabo dahil magkaiba kami sa strand.

"Roma!"

Napatingin ako sa gawing pintuan ng classroom ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko ro'n at kinawayan nila ako kaya't tumayo ako't lumapit sa kanila.

"Lunch break na. Kumain na tayo," aya nila sa'kin.

"Sige. Kunin ko lang 'yong binalot ko," sagot ko.

Dahil nga senior high na kami, maghapon na ang klase namin. Alas kuwatro na ng hapon ang uwian namin palagi. Hindi gaya noong junior high kami ay half day lang ang pasok namin.

Pagkakuha ko ng binalot ko sa upuan ko ay binalikan ko sila at nagpunta na kami ng canteen. Mabuti na lang ay nakahanap pa kami ng puwesto kahit marami-rami ang tao rito.

"Mahigit two months na tayong napasok pero naninibago pa rin ako," sambit ni Josephine. Nagtipon-tipon kaming lima rito sa iisang table.

"Ako rin. Pero mas gusto ko uniform natin ngayon," sambit naman ni Jeyra sabay hagikhik.

Kung noon ay checkered na blue ang necktie at palda namin, ngayon ay green checkered na at ribbon na ang nakalagay sa dibdib namin. Tapos sa lalaki naman, kung noon ay khaki ang pants, itim na slacks na ngayon.

At ang school na pinapasukan namin ngayon ay ang senior high branch ng dati naming school. Kaya naman June ang simula ng pasok namin.

Hindi gaya ng mga senior high schools sa mga loob ng colleges at universities, isasabay sa college ang pasok nila. Second week pa ng August.

"Hala!" sambit bigla ni AJ na kinagulat namin kaya't napatingin kami sa kanya.

"Birthday mo na nga pala bukas, Roma," sambit pa niya.

Napanganga ang mga kaibigan ko, "Oo nga, ano?" sabay-sabay nilang sabi.

Napaisip naman ako bigla, "Oo nga, ano?"

"Baliw ka talaga, Roma! Ba't mo kinakalimutan ang birthday mo?" sambit ni Jeyra.

"So, eighteen ka na pala bukas ha? Anong ganap naman this year?" usisa ni Evan.

"Ikakasal na kayo ni Caden?" excited na tanong naman ni Josephine.

Pinandilatan ko naman siya ng mata, "Hindi, ah!"

"Hindi ba 'yon ang kasunduan niyo dati?" tanong naman ni AJ sabay tawa.

"Dati 'yon no'ng under pa kami ng fixed engagement. Ngayon hindi na. Kaya choice na namin kung kailan..." Ewan ko pero bigla akong nahiya.

"Ayiee! Future Mrs. Morgenstern!" kinikilig na sabi naman ni Josephine.

Natawa na lang ako at pakiramdam ko umiinit ang mukha ko.

"Pero inaabangan ko talaga kung anong pa-surprise sa'yo ni Caden, eh," sambit ni Phine.

"Oo nga. Ano kayang plano ni Mr. Morgenstern mo para sa'yo? Ayiee!" tukso naman ni AJ.

Napangiti na lang ako sabay iling.

Oo nga pala. Bakit hindi pa nagme-message sa'kin ang taong 'yon? Wala pa naman siyang pasok. Next week pa pasok ng college. Second year na siya sa course niya pagpasok niya.

Ang galing nga ng tukmol na 'yon, eh. Nahabol niya 'yong lessons na na-miss niya no'ng nagpunta siyang Germany. Tapos nakapasa pa. Hindi lang pasado. Mataas pa 'yong grades niya. Sana all, 'di ba?

Under Our Starry SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon