Chapter 15: Civil

39 4 0
                                    

Jean's POV

Tulala ko habang nag iintay ako kay Alfred. Ni hindi ko magawang mag isip ng maayos. Until now, gulong gulo pa din ang utak ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa punto na hindi ko na halos masundan pa.

Tinawagan ko sya... si Alfred para mag usap kami. Ayokong mawala sakin ang mga anak ko, hindi ko gustong papasukin si Alfred sa buhay nila pero dahil sa narinig kong pag uusap ng mga anak ko kanina, gusto kong ayusin to.

Hindi ito tungkol sa aming dalawa ni Alfred. Tungkol to sa mga anak namin kaya wala akong karapatang ipagdamot sa kanila ang kasiyahan nila.

"Jean..."

Makalipas ang ilang minuto ay dumating din sya. Hindi ako lumingon ng tawagin nya ako. Nanatili lang akong tulala at walang reaksyon kahit na ng umupo sya sa bench sa tabi ko.

Nandito lang kami sa park ng subdivision namin. Hindi na ako lumayo dahil ayokong iwan ng matag ang mga bata. Baka pag uwi ko wala na akong mga anak na maaabutan.

Oo alam ko, paranoid ako. Etong paranoia ko ay sanhi ng takot ko na baka mawala sila sakin lalo na at bulgar na bulgar na sa lahat ang katotohanan.

"Jean... I.. I-i..."

"Janus Luther Ferrer and Lexis Jean Ferrer. They are 5 years old already. Friendly and very bibo si Janus. While Lexis is cold and distant to people but both of them are so nice. Parehong active sa school at nagpapalitan lang sa ranking. Masyadong mapagbigay si Janus sa kakambal nya kaya madalas nasa rank 2 sya. Not to mention ang pagiging maloko at tamad ng batang yon. Madaling mahalin ang mga anak ko. Pero mabilis din silang masaktan kaya ngayon pa lang sabihin mo na sakin kung handa ka bang panindigan ang pagiging ama nila o nadadala ka lang ng sitwasyon at ng drive mo dahil nalaman mo na may anak ka... Sa totoo lang ayoko silang papasukin sa mundo mo dahil nabubuhay ka sa mundo na pwedeng masaktan at mahusgahan ang mga anak ko. Okay lang sana ako... Kasi sanay na ako don at----"

" W-wait Jean----"

" at hasang hasa na ko sa pakiramdam na iyon---"

" Jean stop. "

" kaya mas okay nang ako na lang ang masaktan wag lang sila kasi hindi ko kakayanin----"

" JEAN STOP!!!! I. SAID. STOP.!!!! " bigla akong natigilan ng sumigaw na sya. Maang na napatitig ako sa kanya at hindi ko alam kung paanong nangyaring nagsunod sunod ang pagpatak ng luha ko habang nakatitig kami sa isa't isa.

" Fuck shit! "he hissed and grabbed me for a hug. Sobrang higpit ng yakap nya na tipo bang wala syang balak na bitawan ako.

Once again, I felt that familiar comfort inside his arms that made me  want to cry more. Kaya umiyak ako. Umiyak ako ng umiyak habang yakap nya ko. Lahat ng sakit, ng takot at pighati na naranasan ko noon, lahat ng paghihirap at pangamba ko ngayon, iniiyak ko lahat sa dibdib nya.

At habang ginagawa ko yon, isa lang ang napatunayan ko. Na mula noon hanggang ngayon... Si Alfred lang ang safe zone ko. Kahit pa nasaktan nya ko. Kahit niloko nya ko. Kahit ang sakit sakit na... Sya pa din talaga ei...

"Hush love. Please. Tahan na." napaka lambing ng boses nya na imbes na mapatahan ako ay lalo pa akong nasasaktan at lalo lang atang nagpapasali ang luha ko.

Panay pa din ang pagtulo.

"Ang sakit Alfred----"

"Luther Love. It's Luther for you." he whispered as he hugged me tighter.

"Ang sama-sama mo. S-sinasaktan mo k-ko lagi... Ang s-sama mo.!" humahagulgol na sabi ko habang hinahampas ang dibdib nya.

"Im sorry baby. Im so sorry. Kasalanan ko.. Kasalanan ko lahat. Nagpadala ako sa tanginang selos ko... Naniwala ako na iniwan mo ko para sumama kay Alexander-------"

Amnēstia Band Series 3: Loving ArmsWhere stories live. Discover now