Chapter 23: Family

35 4 0
                                    

Wala ng kahit na kaming iba pang pinag usapan ni Luther. Cliché man pakinggan but it seems that our hearts already understand everything. Our hearts already does the talking.

"Para kang tanga Alfred. Wala namang aagaw dyan kay Jean so baka pwede mo ng bitawan yan?" pairap na sabi sa kanya ni Arthur.

2 more days na nagstay sya sa hospital bago sya pinayagang lumabas. At ngayon nga iyon. Kaya nga nandito ang mga hampas lupang kaibigan nya. And when I said kaibigan, halos lahat sila.

" Saka hello? Lahat kami dito kaibigan mo. It's not like aahasin pa namin sayo si Jean." Lander exclaimed while rolling his eyes. Parang bading.

Hindi naman sila pinansin ni Luther. Kontento na ang isang ito na pumulupot sa akin. Sa totoo lang na ngangalay ako but that overwhelming feeling of finally having him beside me close enough for comfort is enough para maibsan ang pangangalay na nararamdaman ko.

"Don't tell me na pati itong mga kolokoy mong friendship pagseselosan mo?" pairap na tanong ni Erica na naka kandong kay Lucas. Isa pang PDA ang pares na ito.

"You'll never know because I won't tell you." parang bata namang sabi ni Luther sa kanila na ikinanganga ng mga babae at ikinangiwi at ikinawindang naman ng mga lalaki.

"What the fuck!!!"

"Holy shit!!!"

"Seriously Dude?!"

"Bullshit!!!"

Yan ang sabay sabay na nasabi ng mga lalaki habang naghahagikgikan naman ang mga babae na mukhang na overcome na ang shockness.

"Tangina ka tol. Nag iba ka na. Di ka na namin knows." Lander dramatically added.

"Bakla ka bang gago ka?" Lucas asked Lander na agad tinampal ni Erica sa bunganga.

"Mouth."

"Sorry baby."

Pakiramdam ko any moment ei may lalapa saming mga higanteng langgam sa sweetness ng kwartong ito. Shook ako ei.

"Ibang klase ka Alfred. Di ka na namin mareach." sabi naman ni Nathan na ikinatawa naman ng iba.

"Jean?" natigilan pa ako ng marinig ko ang pamilyar na bulong ni Luther sakin.

"Hmn?"

"I love you." kailan kaya ako masasanay? Mula pa ng magkaayos kami, minuto minuto na ata nyang sinasabi ang mga salitang yan and damn girl, it never fails to melt my heart. Lagi na lang akong parang nauubusan ng hininga every damn time na maririnig ko ang mga katagang yon susundan ng mga nagkakarerang animo kabayo sa dibdib ko.

"I-I love you too----"

"Oy! Oy! Anong pinagbubulungan nyo jan? Saka bat namumula si Jean? Bastos yan no?" mas lalo atang nag init ang pisngi ko sa paninita na iyon ni Lander.

Parang tanga kasi si Luther ei.

Alam na alam kung paano ako pakikiligin.

At parang tanga din itong kaibigan nya. Alam na alam kung paano maninira ng momentum... Ang saya.

" Tangina ka. Bakit ba naging kaibigan kita?" asar na tanong sa kanya ni Luther na naramdaman agad ang pagkailang ko kaya nag o-over react na naman.

"Kasi mas gwapo ako sayo." mayabang ding sagot pa ni Lander.

"Parang di naman. Lumayas ka nga. Wag mo kaming pakialaman ni Jean. Maghanap ka ng sayo. Inggitero!!!"

"Daming sinabi? Kala mo may forever? Dude, wala!!! At wag kang matutulog kasi pag nakatulog ka ulit kikidnapin ko si Jean at ang kambal mo at forever mo na silang di makikita!!!" pananakot ni Lander na mukhang agad namang umipekto kay Luther dahil agad na humigpit pang lalo ang pagkakayap nya sakin dahilan kung bakit napasinghap ako.

Amnēstia Band Series 3: Loving ArmsWhere stories live. Discover now