Chapter 25: Parents

33 2 0
                                    

"Mommy!!!"

Kunot noong tiningnan ko ang mga anak ko na humahangos palapit sakin. Hingal na hingal pa sila na akala mo ay pagkalayo layo naman ng pinanggalingan.

"Bakit ba kayo takbo ng takbo? Anong problema nyo?" tanong ko saka naglabas ng panyo para punasan silang pareho.

"S-si Daddy...." Janus answered na agad na ikinakaba ko.

"What happened to your Dad?"

"Mommy!!! Daddy fell-----"

Hindi ko na pinatapos si Lexis. Mabilis akong pumasok sa bahay para icheck si Luther. Tanga pa naman ang isang iyon madalas.

Nakasunod naman sakin ang mga bata and I hurriedly went to Luther when I saw him kneeling down beside the stairs.

Nalaglag ba sya? Oh gosh....

"Ayos ka lang ba Luther? Damn it? Ano ba kasing ginagawa mo sa hagdan at nalaglag ka? Di ka ba marunong maglakad? Ang tanga tanga mo talaga? Paano kung mabagok ka na naman at ma-coma? Akala mo hindi ako nag aalala ng sobra--------"

"MOMMY!!!"

"BABE!!!"

Maang akong napatigil at napalingon sa kambal maging kay Luther ng sabay sabay sila na sumigaw.

"Sinisigawan nyo ba ako?" I asked them flatly. Agad namang tumiklop ang tatlo saka kanya kanyang iwas ng tingin.

"N-no babe." Luther answered.

"Masama mag-alala!?"

"N-no babe----"

"Bakit nasigaw kayo!? Ikaw itong tanga na nagpahulog sa hagdan tas sisigawan nyo ko?" nandidilat na singhal ko sa kanya. Inis na tumayo na ako at nameywang habang tinititigan ng masama ang tatlong na bahag bigla ang buntot.

"Babe, sino ba nagsabing nahulog ako?"

"Sino pa edi yang mga anak mo!"

"Babe no."

Mas lalo ata akong nairita sa kanila kaya hindi na ako umimik habang nakatitig lang at nag iintay ng paliwanag.

"Mommy, you are so exaggerated... I told you daddy fell but I wasn't able to finish it since you already panicked and went on looking for Daddy..." paliwanag ni Lexis na parang kasalanan ko pa na nag panick ako agad.

"Masama ba yon? You told me, Daddy fell. So how do you want me to react?" depensa ko naman.

"Daddy fell.... For you Mommy." Lexis said na ikinasinghap ko kasabay ng pagdagsa ng init sa pisngi ko...tangina?

Masamang tiningnan ko si Luther na nangingiting pinapanood ang pamumula ng pisngi ko. He's actually enjoying this.

Damn.

"Anong inginingiti ngiti mo jan? Saka ano ba kasing ginagawa mo at nakaluhod ka dyan? Jusko naman Luther, dadaiigin mo pa ang mga anak mo sa pagiging pasaway." pagbubunganga ko parang mapagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman ko.

I heard him giggled na lalong nagpainit ng pingi ko. Potek!!!

Napaka OA mo kasi Jean. Alam mo ba yon? Sana kinalmahan mo lang ng konti diba---

" Stop debating with your inner self babe." saway sakin ni Luther na patuloy pa din ang paglalaro ng pagkaaliw sa mga mata. Ang ipinagtataka ko, hanggang ngayon nakaluhod pa din sya.

Anong trip ng ugok na ito? Pinaparusahan ba nya ang sarili nya sa kalokohang pinaggagawa nya nitong mga nakaraan kasama ang kambal?

"Babe?" tawag nya sakin. There's something in his voice that makes me confused. It seems that he is so tense, excited and afraid at the same time.

But then, afraid on what?

"Luther get up. Sasakit ang tuhod mo. Wag kang mag feeling bata..."pang aasar ko sa kanya na ikinalukot ng mukha nya pero mabilis ding nabago iyon at sa halip ay napalitan ng magandang ngiti.

Omg.

Bipolar na ba si Luther?

" Alam kong masyadong mabilis lahat. I promised that I will make it up for all those years that I was not on side. I will make up for all the pain, anxiety, hardship and loneliness rising our children alone... and I promise that I will never leave and let you be alone once again. I will always be here beside you, keeping you and waiting for you. I love you Jean. It has always been you and you alone... Im so inlove with you to the extent that I wanna be with you all night and day... Always.. Jean, through infinity and beyond....so now, WILL YOU MARRY ME? "

WILL

YOU

MARRY

ME

???

MARRY?

Kasal? Kami?

Ako at sya? As in si Luther?

OO...OO!!!

OO NGA!!!

Pero bakit ganon? Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko para sagutin sya. Hindi ko marinig ang boses ko na nagsasabing 'oo, pumapayag akong magpakasal sa kanya'.

I just found myself staring at him while sobbing real hard because I just can't contain the emotion I am feeling inside right now.

"B-babe?" natatakot na untag nya.

Kitang kita ko kung paanong bumagsak ang excitement nya at napalitan ng panlulumo ng sunod sunod akong umiling.

Halos matanggalan na nga ako ng ulo sa pag iling. Mula sa pagkakaluhod ay tuloy tuloy syang bumagsak at tuluyan ng napaupo.

Nasa mata din nya ang di matatawarang sakit para sa mga oras na ito na malamang mali ang pagkakaintindi nya.

Baliw...

Bago pa lumipad ng napakalawak ng utak nya ay mabilis akong kumandong sa kanya, ipinalibot ang mga braso ko sa leeg nya at siilin sya ng mariing halik sa mga labi.

I heard different set of gasped na malamang galing sa mga bata pero wala akong alam. After all, sanay naman na ang kambal sa pagiging PDA ng daddy nila.

Yes mga kaibigan, Luther has this habit of kissing me whenever and wherever he wants... At dahil nasa organisasyon ako ng babaeng marurupok, labas sa ilong ang pagrereklamo ko kung minsan.

"J-Jean, h-hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Naiintindihan ko naman kung----"

"Silly. I was just 100% overwhelmed with the proposal kaya hindi kita nasagot." I giggled as I poked his cheek.

"What's with the iling?"

"Oh, Conyo ka sir?" natatawang biro ko.

Mabilis naman nya kong tiningnan ng masama na sinagod ko lang ng halakhak.

"Seriously, it's a yes. Umiling ako kasi wala talagang salitang nalabas sa bibig ko. I was so stunned ei. Nambibigla ka kasi.. Ikaw naman iiyak agad." I teased saka pinunasan ang pisngi nyang basang basa ng luha.

"M-magpakasal ka talaga sakin?" alanganin pa ding tanong nya.

"Yep. Bakit? Ayaw mo ba?"

"GUSTO!!! GUSTONG GUSTO KO----"

"Yehey!!! Mommy and Daddy's going to marry na..ONE BIG AND GREAT HAPPY FAMILY!!!!" sabay na sigaw ng kambal na sinabayan ng matatandang boses.

Kunot noo kong inikot ang paningin ko para lang mapatanga ng makita kong kompleto ang banda at mga kaibigan ni Luther... Maging ang parents nya at...parents ko nandito din.

"Babe, maybe it's now time to let go and forgive...." bulong sakin ni Luther na dahan dahan kong ikinatango.

Kaya ko na ba?

Yes. Kaya ko na.

Being with Luther, being able to forgive him makes me realize a lot of things.

Kung si Luther na mahal ko ay nagawa kong patawarin, ano pa kaya ang pamilya ko na syang pinanggalingan ko.

°°°

Amnēstia Band Series 3: Loving ArmsWhere stories live. Discover now