Chapter 31

13.1K 644 224
                                    

Erin's PoV:

"What makes us human?" Tanong ng Prof namin ngayon.

Wala kang maririnig na ingay sa bawat estudyante. Katahimikan ang namayani sa buong kwarto. Nagpapakiramdaman ang lahat.

"Anyone? Ugh! I already tackled this lesson a few days ago." Our Professor exclaimed.

Ramdam na ramdam ko ang kaba sa nga kaklase ko. Well, kilala kasing mahilig mambagsak nitong si Sir. Kaya talagang hindi ko sila masisisi kung kinakabahan talaga sila.

Napalinga-linga ako muli sa paligid at ni isa sa mga kaklase ko ay walang nagtataas ng kamay or nagvovolunteer na sumagot.

Nakita kong napahilot sa sentido si Sir.

"Okay fine. It seems like no one wants to answer my question." He said. Parang nagdiwang naman ang mga kaklase ko.

"Magtatawag na lang ako gamit ito." At inilabas ang mahiwagang index card.

My classmate gasped in horror. Siguro pati na rin ako. Grabe kasi ang index card na yun. Ugh. Nakakagulat talaga ng super.

"Vargas! Stand up!" Mukha atang may nasample-an na.

If you guys are thinking kung bakit parang medyo hindi ako kinakabahan, nakasagot na ako sa recitation ni Sir eh hihi. Nung last meeting pa.

Mabuti na lang talaga at nagvolunteer na ako. Hindi na ako masyadong magwoworry pa. Baka mabawasan yung kacute-an ko.

I glanced at my friends at tulad ko ay nag-aantay na lang din silang matapos anh subject ni Sir.

"What's your answer Vargas? I'm waiting." Masungit na saad ni sir.

"Ahm... Ano po... Si Lord po. Gawa nya kasi tayo. Never pong naging mali ang sagot na si Lord."

Nakita kong napakunot ang noo ni Sir na parang hindi nagugustuhan ang kanyang narinig. Parang naaalala ko tuloy si Ella.

"That's not the answer Vargas! And oh, not everyone believe to Lord. May mga atheist at iba ang paniniwala. So, you can't use that to me."

"75! Be thankful dahil may kunti pa akong consideration at hindi kita binigyan ng itlog."

Parang nakahinga naman nang maluwag yung kaklase ko. Okay na yun. Pasado naman na eh.

"Next! Montes!" Mabuti na lang talaga at mabilis na tumayo yung kaklase ko.

"Why is water wet?"

"5...4...3.."

"What the? Bakit ka nagbibilang? Hindi naman Math ang subject natin ngayon?" Our Prof exclaimed.

"2...1..." Patuloy pa rin ang pagbibilang ng kaklase namin. "Time na po Sir! See you next meeting po!" At mabilis na tumayo para umalis.

Lahat kami ay napanganga dahil sa ginawa nya. Woaaah! Ang galing! Ang cool. Nagkaroon na naman kami ng bagong idea.

"Argh! Ang batang yun!" Nanggagalaiting turan ni Sir. "Okay fine. Take a break now. See you next meeting."

Halos mapahiyaw naman kaming lahat. Tapos na rin, sa wakas!

Unfortunately, hindi ko makakasama ang aking mga tropapips dahil may kailangan pa silang gawin sa library. Huhuhu. Pighati.

Heto ako ngayon at medyo sad ang aking aura. Ang lungkot kayang kumain mag-isa. Unang-una dahil wala kang kachismisan.

Kawawa naman ang cute na katulad ko. Hindi ko naman matawag ang iba ko pang frenny dahil ang alam ko ay may class pa sila today.

Feeling ko ay isa akong zombie na naglalakad papuntang cafeteria. Napanguso na lang ako sa aking nakikita.

University Series : Ella Claire Fuentes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon